Nakasikat na ang buwan at madilim sa kwarto ko ngayon. Hindi ko pa nabubuksan ang kuryente dahil sayang lang naman.

Nakasando naman ako at sanay naman na sa init. Tapos maliwanag naman sa labas kaya sapat na iyon para maging ilaw ko.

"Kaya ko ba 'to..." bulong ko sa sarili ko.

Malaki ang unibersidad na papasukan. Mas malaki pa ata siya sa mga state universities sa Palawan.

Hindi ko alam kung paano ako napapasok ni tiyo sa scholarship program nila rito lalo na't nakita ko sa internet na isa 'to sa pinakamahal at pinakamahirap na unibersidad sa bansa subalit isa lang ang alam ko at iyon ay ang katotohanang ayaw niya nagpapatalo sa mga kaaway niya kahit man nakasalalay na ang pera sa pagiging ganon niya.

Ilang oras pa ako nakatingin doon hanggang sa nainip at nagutom na ako.

Napatayo ako sa kinauupuan ko para kunin ang wallet na nasa isang drawer. Mabilis kong kinuha ang isang jacket sa tabi at isinuot iyon pantakip sa aking sando.

Nagpasya akong bumaba at maghanap ng mabibilhan ng pagkain sa labas.

Gabi na at katulad nang inaasahan ko, halos mga college students ang bumungad sa akin sa labas. It made sense dahil ang daming colleges at universities ang nakapaligid sa dormitory ko.

Yung iba naka-id pa, yung iba naman nakauniform pa kahit mag-a-alas otso na ng gabi habang yung iba naman ay katulad kong nakapambahay lang.

Nagulat pa ako nang bahagya dahil may pasok na pala yung ibang universities sa tabi.

Ilang minuto pa ako lumakad hanggang sa nakarating ako sa isang street kung saan halos mga kainan ay andoon. May mga inihaw, inuman tapos may mga restaurants pa sa tabi.

Natagalan pa ako bago makahanap ng isang tindahan na walang mahabang pila. Nang nakarating ako doon ay napansin kong paubos na paninda nila kaya ang ginawa ko ay inorder nalang yung natitirang ulam sa kanila.

Gusto ko nga sana yung tabing karenderya na puro inihaw pero ang haba kasi ng pila tapos halos siksikan na yung mga taong kumakain sa loob.

"Huy sure ka bang andiyan sila?"

"Oo kita ko sa freedom wall na andito sila eh!"

Sinundan ko ang boses ng dalawang babaeng hindi mapakali habang sinisilip ang malaking salamin ng karinderyang iyon na para bang may hinahanap.

Doon ko rin napansin na halos lahat ng nakapila sa karinderyang iyon ay para bang nakatingin sa isang dereksyon sa loob ng kainan.

Nang sundan ko naman ang tingin nila, nakita kong nakatingin ata sila sa grupo ng mga lalaki.

Hubo palang ng katawan alam ko na kaagad na mga atleta.

"Grabe ayan nanaman sila Minerva," rinig kong sabi nung tindera sa harapan ko.

Nang tignan ko siya ay inabot ko na kaagad bayad ko sa kanya at kinuha ang supot ng pagkain ko.

Parehas sila nung katabi niyang matandang lalaki ang nakatingin sa tabing kainan. Sinundan ko sila ng tingin at nakitang nakatingin din sila doon sa grupo ng mga atleta.

"Swak pagod nanaman yan sila Minerva sa dami ng orders nila ngayong gabi." rinig kong sabi niya.

"Eh ano magagawa niyan? Andiyan ang soccer team nung UDN."

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 05 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Once In Every MomentWhere stories live. Discover now