"I have a business." garalgal niyang sagot na parang bagong gising palang.

Napatango ako at nagparte ng kunti ang labi ko. "Ah kaya pala. Akala ko ay isa kang abogado o doktor dahil palagi kang nakasuot ng ganyan." Lahad ng kamay ko sa ere para imuwestra ang kanyang suot na formal suit.

"Kahit sino mapagkakamalan ang mga nakasuot ng ganito na abogado o doktor pero business man ako. But—"

Hindi natuloy ang sasabihin niya nang tumunog ang smart phone niya sa loob ng sasakyan. Hindi kasi nakasara ang sasakyan niya kaya narinig namin.

Inangat niya ang kanyang kamay para mag-excuse. Tumango lang ako at umiwas ng tingin para bigyan siya ng privacy na sagutin ang tawag.

"Hello Noe." he said to the other line. "Okay, I'll be there in ten minutes. I'm on my way." sagot niya ulit sa kabilang linya bago pinatay ang tawag.

Naabutan ko siyang malalim ang pagkakakunot ng noo at binaba ang telepono sa dashboard. Tipid ko siyang nginitian nang umayos siya ng tayo at inayos ang kanyang suot.

"I'm sorry I cut our conversation short but let's meet some other time. I'm expecting a call from you, anytime you want and whenever you're ready." he fore-named as he winked on me.

Ngumiti ako sa kanya at inayos ang dala kong bag. "Okay. I'll promise you that."

"Sure. Mauna na ako, Billie. Good night."

"Good night. Ingat sa byahe." I replied and he uttered as an answer.

Pag-alis niya ay saka na ako pumasok sa loob ng apartment. Naabutan ko si Nanay na nagluluto. Si Nillie ay nasa lamesa na at nakaupo sa silya at may hawak na Poppy troll toy. Pagkakita sakin ni Nillie ay sumigaw siya.

"Mama!" She raised her hands, I got my way to her and I hugged her.

"Hello baby." I said.

Lumingon si Nanay samin na may hawak na sandok. "Nakauwi ka na pala. Mabuti nalang at nandito ka na. Magbihis ka na at kakain na tayo. Magpahinga ka muna ng kunti." Agad na utos ni Nanay.

"Si Kamp, 'nay anong ginagawa niya?"

"Ay nasa likod ng sofa at naglalaro. Tapos na yan sa assignment niya. Ewan ko kung nakulayan na lahat yung pinapakulay sa kanya ng kanyang teacher." sabi ni Nanay sakin.

Inalis ko ang bag ko sa balikat atsaka hinawakan ang kamay ni Nillie dahil bumaba siya sa silya. "Kamp?" I called my son.

Nakita ko ang ulo niyang inangat. "Mama?"

"Anong nilalaro mo? Tapos ka na ba sa homework mo?" tanong ko nang lumapit ako sa kanya.

He nodded and he pointed his little finger to his book. May working book siya palagi na dapat kulayan ang mga images na nandun at yun ang assignment niya.

"Naubos mo ba ang isang page?"

"Opo." he softly answered.

Hinayaan ko siyang maglaro lang muna dahil nagbihis pa ako sa loob ng kwarto namin. Si Nillie ay hindi sumunod sakin dahil nakita niyang naglalaro ang kuya niya.

Tahimik kaming kumain sa kusina nang okay na ang pakiramdam ko at hindi na ako pagod. Nacheck ko rin ang homework ni Kamp, it's okay and I was satisfied with his work. Maganda yung pagkakakulay niya kasi ayaw niya ng hindi lahat ng parte ay makulayan kahit may kunting lagpas sa linya ay okay lang sa kanya.

Yung crayons nila ay nasa isang malaking crystal, pinaghalo ko lang lahat kasi ganun lang din naman ang nangyayari sa look ng bag nila, nagkakanda putol-putol dahil naiipit.

Oxford Where stories live. Discover now