CHAPTER 1

1K 38 0
                                    

I - INTRODUCTION

Unedited

Imogi's POV

Lihim akong kumamot sa tuktok ng aking ilong dahil sa walang tigil na sermon sa amin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses kami rito tinataasan ng boses at minamaliit. Wala namang problema sa akin iyon pero naririndi na ako sa tinis ng kaniyang tono. Hindi ba siya natatakot na mapaos? Kulang nalang ay may sungay na tumubo sa kaniyang ulo dahil sa sobrang pamumula ng kaniyang buong mukha.

“Ilang beses na itong nangyari pero wala! Wala! Wala paring resulta sa mga ginagawa ninyo! Hindi n’yo ba alam na ang daming nasasayang na oras dahil sa wala kayong mailatag sa harapan ko?!” bulalas na naman nito at hindi na nga napigilan tumayo upang duruin kami isa-isa.

“Ginagawa namin ang trabaho ng matiwasay pero kasalanan ba naming lagi nila kaming nalulusutan?!” at ito na nga, hindi na mapigilan sumigaw ng isa sa kasamahan ko. Mabilis siyang pinigilan ng nasa tabi pero hindi siya nagpaawat.

“At ngayon sumasagot ka na! Baka naaalala ninyong kayo ang dahilan kung bakit kailangan ko magmakaawa sa itaas na pagbigyan kayo?! I begged! I almost kneel just to give us more chance!”

“You’re talking as if you don’t want this as well! We all know that once we succeeded, you’re going to benefit from this! You will get promoted and that is what you are after!” sagot na naman nitong isa na akala mo ay hindi natatakot matanggal sa kaniyang trabaho.

“Watch your mouth!” malakas na wika ni Chief at gigil ang mukhang mas dinuro si Lem. “Let’s not forget the hierarchy between us! I still hold a higher rank than you!”

“Drop the hierarchy phrase. You know that doesn’t matter when you are fuck up bastard---”

“Lem!” sigaw ng iba kong kasamahan sa kaniya at tinakpan ang bunganga nito.

Napahagod naman ako sa aking buo at yumuko. Ngunit bago iyon ay hindi nakaligtas sa aking mata ang nagpupuyos galit na mukha ni Chief. Tinulungan ito ni AJ na makaupo at inabutan ng tubig. Hindi ko naman mapigilan matawa nang mahina dahil doon. He looks so done with us.

“Chief naman kasi, ginagawa naman namin lahat ng makakaya para maresulb---” naputol sa akmang sasabihin si Lem nang sikuhin siya nitong si DK na kanina pa tahimik tulad ko.

Sinilip ko naman ang isang bulto na kanina pa walang imik. Nakatingin lang ito sa labas ng bintana at mukhang malalim ang iniisip. Hindi ko naman mapigilang mapangiwi dahil doon, mga wala sa katinuan ang mga kasamahan ko. Mga bangag at walang tulog. Ito dapat ang kanina pa nagsasalita para sa amin pero kagaya ni Chief, para siyang pagod na pagod na kakasaway.

“Sa tingin ko,” putol nito sa sariling sasabihin habang malayo pa rin ang tingin. “Tama si Chief, marami ng oras ang binigay sa atin, sa tingin ko ay kailangan na natin bitawan ang kaso---”

“Captain!” sabay-sabay na sigaw sa kaniya ng apat.

“Right? Tama ako ‘di ba?! You have to drop this case now and handle to more capable team to resolve!” nabubuhayang pahayag ni Chief at natutuwang nakangiti kay Captain na ngayon ay nakatingin sa mga kasamahan kong dismayado.

“Captain, huwag mo naman gagawin ‘to. Hindi tayo pumunta rito para ibigay sa iba ang hawak nating kaso.” Pagsasalita ni Alex at umiling ng may takot sa mata. “Alam mo ang pinaglalaban natin una pala---”

“Hindi kayo mga pulis para sundin ang pinaglalaban niyo. Nandito kayo para hulihin ang mga kriminal at ilagay sila sa kulungan. Ang pinaglalaban ninyo? It doesn’t matter as what matters here is to solve our cases.” Putol ni Chief ngunit sa mas kalmadong tono.

My Innocent LoveDove le storie prendono vita. Scoprilo ora