S y n o p s i s
"Laro-Laruan" revolves around Kaori Velasco's attempt to break free from the clutches of her overly-obsessed ex by enlisting the help of campus crush Khenji Villacorta to play the role of her boyfriend. However, as this charade unfolds, Kaori finds herself experiencing unexpected emotions for her charismatic classmate, adding layers of complexity and intrigue to their pretend relationship.
***
"Aakyat ka na kaagad?!"
Tinarayan ko si Ero nang bigla niya akong pinigilan na tumayo. "Don't touch me! Kadiri!" Maarte ko'ng sinabi habang nakangiti.
"OA mo." Inis na sinubo ni Gyro ang kaniyang kutsura pagkatapos niya akong inirapan.
"Busog na 'ko babes... Una na 'ko sa taas, ah? Magrereview pa 'ko mamaya," Pagpapaalam ko bago ako tumalon-talon papunta sa exit nung cafeteria.
"Ulol! Wala naman tayong quiz mamaya, e! Pakshet!" Sambit ni Ero.
Nagmamadali ako'ng umakyat nung classroom. Hindi dahil magbabasa ako o magrereview, o ano — binilhan ko kasi ng juice ang dyowa ko na si Adriane. And yes. Tama ang pagkakarinig n'yo. May dyowa ako!
Ang problema nga lang, hindi alam ni Ero at Gyro na dyowa ko 'yung nasa kabilang section. Hindi nga nila alam na may dyowa ako, e. We decided- Well, Adriane decided na maging private ang relationship namin because strict ang parents niya.
Bago ako dumalaw sa section nila, nag CR muna ako para mag-retouch. Nag powder, nag blush, tas nag lip balm ako para mas lalong ma-inlove si Adri sa akin!
"Ahh, gosh! You were so good, babe." Napahinto ako sa pag-me-makeup nang may narinig ako'ng babaeng nagsasalita sa isa sa mga stall.
Judging by the sounds they were making, nagsusuot sila nung mga damit, I think? Ano ginagawa nila roon at nakahubad sil-
Ay! May nag se-sex!
Dali-dali ko'ng inayos ang mga gamit para makaalis ako nung CR nang mapayapa!
"You were so tight, Ava." Napahinto ako nang may marinig ako'ng boses ng lalaki. Tumayo lang ako sa may pintuan nung girl's CR. Hindi alam ang gagawin.
"Ano, same time ulit tomorrow?"
Lumuha ang mga mata ko when I heard that deep voice. It was familiar, e... Baka nga masyadong familiar...
Boses ni Adrian 'yun.
I didn't know what to do. Aalis ba 'ko nung CR, o haharapin ko silang dalawa. Mabilis akong magdesisyon, e. But now... parang huminto 'yung utak ko.
"Kaori?..." Tinawagan ako ni Adriane. Naging kamao ang mga kamay ko sa galit. Pero ayaw ko naman silang awayin.
Nagmadali ako'ng tumakas ng CR. Pinupunas ko ang aking mga luha habang tumatakbo ako.
Pumunta ulit ako sa cafeteria, hinahanap ko sila Ero habang pinapatahan ko ang sarili ko. Ayaw ko'ng makita nila na umiiyak ako. Kasi tatanungin nanaman nila kung bakit, tapos lalaki pa ang issue. Kaya mas mabuti nalang na i-tago ko.
"Oh, akala ko ba mag-re-review ka?" Nginitian ako ni Gyro. Tumawa pa si Ero "Baka nakapag-quiz na siya sa imagination niya!"
Tumawa ako bago ako umupo sa tabi nila.
"Sorry, may kinamustahan lang."
________________________________________________________________note: do not forget to vote on this chapter!
BINABASA MO ANG
Laro-Laruan (GxB)
Romance[HSTS #5] "Laro-Laruan" revolves around Kaori Velasco's attempt to break free from the clutches of her overly-obsessed ex by enlisting the help of campus crush Khenji Villacorta to play the role as her boyfriend. However, as this charade unfolds, Ka...