chapter 34

4.5K 42 8
                                    


К сожалению, это изображение не соответствует нашим правилам. Чтобы продолжить публикацию, пожалуйста, удалите изображение или загрузите другое.


Don't skip chapters!


❀❀❀


"Wait lang!" Hinawakan ko ang braso ni RJ at pinigilan itong maglakad palayo. "Ganun, ganun lang? Iiwan mo lang ako?"


Inis itong bumuntong hininga at hinarap ako. Pumatak ang mga luha sa aking mata nang makita ang galit sa kanyang tingin.


"Hindi mo ba naiintindihan?" inis niyang tanong. "Hindi na nga tayo pwede! Kahit anong pilit mo pa! Nasasaktan lang kita!"


"Ayos lang ako!" sigaw ko pabalik at humagulgol na ng iyak. "Ayos lang ako..."


"Hindi ka ayos! Nakikita mo ba ang sarili mo? Napapabayaan mo na ang sarili mo dahil sa'tin!"


Umiling ako habang lumuluha. Bumigay na ang aking mga tuhod at napaupo na ako sa simento. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago siya lumuhod sa aking harap at hawakan ang aking mga balikat.


"Sorry," sabi niya at pumatak ang luha sa mata niya. "Pero hindi ko na talaga kayang makita kang ganyan." Sinubukan nitong ngumiti kahit lumuluha na rin siya. "Sorry talaga, Anne."


Lumapit ito sa akin at hinalikan ang aking noo. Patuloy akong lumuha hanggang sa tumayo na siya at tuluyan nang naglakad palayo.


"And, cut!" Lay called behind the camera. "That was good, you two. Dahil d'yan, tapos na tayo today!"


Pumalakpak si Lerwick na katabi niya kaya sumunod na si Cate at ang mga cameraman namin. Umiling nalang ako at natawa.


Bumalik si RJ sa akin at hinawakan ang aking mga kamay. Tinulungan niya akong tumayo at pinagpagan pa ang aking mga binti na may buhangin na.


"What will we have for dinner?" tanong ko sa kanya habang pinapahid ang aking luha.


"I'll cook." Matapos pagpagan ang aking mga binti ay pinagpagan muna niya ang kamay niya bago niya hinawakan ang pisngi ko at siya na ang nagpahid sa mga luha kong natuyo na.


"Really?" Kumunot ang aking noo sa pag-aalala. "Aren't you tired?"


as colorful as springМесто, где живут истории. Откройте их для себя