"𝗦𝗲𝗹𝗱𝗮"
JL Wright
Ako'y nakulong
naparatangang lulong,
hindi na nag karoon
ng pagkakataong ,
makasigaw ng tulong,
Sapagkat nakatutok,
mga pangarap ay hindi
na narating ang rurok,
at ang buhay ay laging
laging sinusubok ng panahon,
at kahit humiling at sabihing
dinggin mo sana aking 𝗔𝗺𝗮,
dito na mag sisimula ang tunay
na gyera,
kahit kumuha ng sariling
abogado ay siguradong dehado na.
Paanong gaganahang kumain
kung huling hain na?,
malasahan ang paborito ay
nakakakaba ;katakot takot na.
𝗔𝗺𝗮, kung may kasalanan man
ako patawarin mo rin sila,
sapagkat hindi nila alam
ang ginagawa nila.
—Jl wright.
Ang mga maliit na letra ay sadya.
Litrato kuha mula sa |Pinterest.
Ang pagnanakaw ay isang krimen.
YOU ARE READING
"Selda"
Poetry⚠️⚠️⚠️ Ang mga naganap ay pawang katang-isip ko lamang ngunit maaaring nangyare na sa tunay na buhay.
