We've updated our Content Guidelines.
Review the latest guidelines to keep sharing stories safely.

Love Poem

5 0 0
                                        

Tulad ng mga salitang nakasulat sa buhangin, tila ganito ang relasyon namin ni Rhanzel-unti-unting nabubura sa bawat hampas ng alon. Parang isang pangarap na pilit kong hinahawakan pero patuloy na lumalayo. Natatakot akong tuluyan siyang mawala, pero higit sa takot ay ang bigat ng mga alaala na hindi ko mabitiwan.

Limang taon. Limang taon kaming nagsama, nagmahal, at nangarap ng sabay. Sino ang mag-aakala na darating kami sa puntong ito, na para bang isang umaga na lang ay nagising kami sa ibang mundo-isang mundo kung saan naglaho ang pagmamahalan naming pinaglaban ng matagal? Sa isang iglap, ang lahat ng aming binuo ay naging anino na lamang ng isang nakaraan.

Ngayon, nakaupo ako dito sa silid na minsan naming tinawag na tahanan. Nakatingin ako sa pinto, tila umaasa pa rin sa isang himala-na bigla siyang babalik, yayakapin ako nang mahigpit, at idadampi ang kanyang mga labi sa akin tulad ng dati. Pero alam kong wala na akong aasahan. Iniwan na niya ako, pinili na niyang lumayo. At sa puntong ito, wala nang mas matinding sakit pa ang naranasan ko sa buong buhay ko.

"Rhanzel," bulong ko habang ramdam ang luha sa aking pisngi, "mahal na mahal kita. Kung may isa pang pagkakataon, babalik ako sa nakaraan para muling makilala ka, para muling maramdaman ang unang tibok ng aking puso para sa iyo. Pero anong laban ko, kung mas pinili mo siya? Alam ko naman, hinanda ko ang sarili ko sa araw na ito. Pero bakit kung kailan kailangan kita, tsaka mo ako iniwan? Bakit sa oras ng kahirapan, binitiwan mo ako?"

Nais kong bumalik sa nakaraan at tanungin ka kung hanggang kailan mo ako kayang mahalin. Nais kong malaman kung ano ba talaga ang nasa loob ng puso mo. Gusto kong balikan ang bawat alaala natin-ang mga tawa, ang mga yakap, ang mga pangako. Ngunit ano pa bang magagawa ko? Lahat ng iyon ay alaala na lang, mga kuwentong hindi na muling mabubuhay.

When Time Loved Us BackStories to obsess over. Discover now