"Tulungan ko na po kayo." Tukoy niya sa mga jersey na bitbit ko.

I smiled. "Ah, salamat."

He smiled back and carried both of the jerseys.

"Para sa mga athlete po ito?" Tanong niya habang umaakyat kami sa hagdan patungong second floor.

Tumango ako. "Yes, ipapamigay na sa kanila ngayon para magamit sa Thursday."

Natahimik kami pareho hanggang sa makarating na kami sa ikalawang palapag. Ngayon na lang ulit kami nakapag usap ni Jom, ngayon ko na nga lang ulit siya nakita eh. Sobrang busy kasi ako kahapon kaya wala na akong oras para gumala-gala sa campus.

"Uhm, congrats nga po pala." Basag niya sa katahimikan.

I smiled at him again. "Thank you,"

"Ang galing niyo nga po pala kahapon. Kahapon ko lang po kayo narinig kumanta, ang ganda po pala ng boses niyo. Tsaka ang galing niyo rin po sumayaw, as always." Dagdag pa niya.

I chuckled. "Thank you, Jom."

Ngumiti lang din siya.

"Tsaka... a-ang ganda niyo rin po pala kahapon." Mahina niyang sabi.

I smiled a bit. "Masyado mo naman na akong pinupuri niyan." Biro ko.

Umiling siya. "Hindi po. Totoo naman po eh." Sagot niya agad. "Ilang videos mo na po sa social media yung nakikita ko. Whenever I check the comments, I feel pressured. I saw a lots of guys admiring you. I feel threatened." Papahina niyang sabi, yumuko pa siya ng bahagya.

I chuckled again and didn't respond. I actually don't know what to say, kaya idinaan ko na lang sa tawa. I don't want him to misunderstand my words so I always try to keep my thoughts private instead of blurting them out.

I am aware of that, and I am delighted to receive such compliments from strangers. Stranger's compliment really hits differently.

But as it went by, it started to feel uncomfortable. Hindi na ako natutuwa sa mga pagbati nila sa akin. I feel scared. This isn't the college professor life that I'm used to. I want it all back to normal!

Nakakatakot ang dami ng engagement ng tao online. I can't put it into words but I don't really like it much now.

Pagkarating ko sa apartment ay laking ginhawa ko dahil wala ng tao sa paligid ko. Ibinaba ko ang bag ko sa gilid ng kama at binagsak ang katawan sa kutson. This was a tiring day.

My phone suddenly rang. Bumangon agad ako at kinuha iyon sa bag para sagutin. It was my one and only little sister.

[Ate! Sikat ka na ah! Lagi kong nakikita sa TikTok at Facebook yung video mo! Pati yung mga kapitbahay dito nababanggit sa amin ni mama yung video mo eh!]

Napakamot na lang ako sa batok. Yun na naman?

"Hmm, oo nga." Walang gana kong sagot.

[Edi pwede ka na mag artista niyan? Yayaman na tayo?!] Excited niyang bulalas.

Umirap ako at umiling. "Nananaginip ka ng gising, Mich."

[Tangek! Since viral ka na, for sure may mga gustong mag interview sa'yo na TV show o kaya naman content creators! May bayad yun, 'te!]

"Shabu pa," sagot ko na pang bago ako nahiga ulit sa kama.

[Si ate, parang tanga.] Naiimagine ko siya ngayong umiirap. [Dapat nga masaya ka eh. Ipakita mo sa ex mo kung ano yung sinayang niya, ganon! In your face! Lalo na at sikat at gwapo pa yung ka-love team mo ngayon!] Kinikilig niyang saad.

"Tss. Nananaginip ka lang, Mich. Anong love team love team?" Huminga ako ng malalim. "Hindi ko naman ginustong mag viral yung mga video na 'yon." Ipinikit ko na ang mga mata ko na kanina pa bumibigay.

Second Time Around • SB19 Ken [On-going]Место, где живут истории. Откройте их для себя