CHAPTER 1: First Day, First Meet

Start from the beginning
                                    

"Bye, baby! See you later at dinner! Visit me sa office after your class!" saka siya sumunod kay dad paalis ng dining area.

Sinundan ko sila ng tingin hanggang sa marinig ko ang paalis na tunog ng sasakyan ni daddy. I sighed.

"Ayos ka lang ba, hijo?"

It's always like this. Kaming dalawa ni nana Isabel ang naiiwan sa bahay at siya lang din ang parating nakakaintindi sa akin.

"O siya! Pasasaan pa't matatanggap din ng daddy mo ang gusto mong kurso" pang-alo nya sa akin.

I just finished my food at nagpaalam kay nana na tinawag si tata Ismael para ihatid ako sa school. Si tata Ismael ay kapatid ni nana Isabel. Matagal na nilang pinagsisilbihan ang pamilya namin kaya't malalapit kami sa isa't isa.

"Mukhang malungkot ang alaga namin ah?"

"Pangit lang po ang gising tata! Mukha po kasi ni nana Isabel ang gumising sa'kin" sabay kaming tumawa ng mahina at baka marinig pa ng matanda.

"Si ate talaga! Hayaan mo na at matandang dalaga" biro pa ni tata bago pumasok sa kotse.

Sumunod na rin ako matapos tingnan ang sarili sa sideview mirror.

"Teka lang po tata Ismael!" pigil ko sa kanya nang may maalala.

"Oh bakit? May nakalimutan ka ba?"

"Yung salamin ko ho! Sandali lang po-" hindi ko na natapos ang sasabihin dahil agarang lumabas si nana Isabel dala dala ang bagay na hindi ko dapat iniiwan tuwing lalabas ng bahay.

"Nako naman Kaius! Bakit mo naman iniwan ang salamin mo? Alam mo namang hindi ka nakakakilos nang maayos kung wala ito" pagalit pang paalala sakin bago siya mismo ang nagsuot nito sa akin.

Ngingiti-ngiti ko ulit na tinignan ang sarili sa sideview mirror. Ayan, kumpleto na.

"Mauna na kami ate, at baka ma-late itong si Kaius!" kumaway si tata Ismael sa kapatid.

Ako naman ay dali-daling pumasok sa kotse at binigyan ng flying kiss si nana na ikinatawa naman ng huli.
Inaayos ko ang bag ko sa upuan nang biglang mag-ring ang phone ko.

"Beshy where na you? Dito na me!" bahagya kong inilayo ang tenga sa boses niyang nakakarindi.

"Ang aga aga, ang hyper mo na Cypher" Wow rhyming!

"Excuse me! Ang usapan natin ay 7:30, mag-aalas otso na wala ka pa rin!?" pag-aalburoto ng nasa kabilang linya.

The girl with the annoying voice is my best friend. She's taking Mass Communication but since it's the first day of school ay orientation daw muna sa gymnasium bago tumuloy sa kanya-kanyang classroom. At dahil introvert ako at siya lang ang natatangi kong kaibigan sa buong buhay ko, napagdesisyunan naming magkita muna bago pumuntang gymnasium.

"I'm here sa school gate! Dito mo nalang ako- Kyaaaaa!" bigla siyang tumili kaya nailayo ko na naman ang phone sa tenga ko.

"What is wrong with you!? Ba't bigla bigla kang sumisigaw dyan!?" narinig ko pa siyang tumili nang isang beses bago ako sinagot.

"Shutang 'yon! Muntik na'kong masagasaan, ni hindi tumitingin kung may mababangga"

"Teka teka malapit na'ko sa school. Wait mo nalang ako d'yan" kumunot ang noo ko nang bigla siyang sumigaw sa hindi ko malamang lenggwahe. Mukhang may kaaway dahil sa tono ng pananalita niya!

"Tata pakibaba nalang po ako sa tapat ng gate. Kikitain ko po muna si Cypher bago pumasok"

Nagpaalam ako sa driver bago naaninag ang bestfriend kong nakikipag-sagutan sa taong naka-helmet pa.

The UntamedWhere stories live. Discover now