01

1.7K 54 15
                                    

[MESSENGER]

WALKIE TALKIES 📞 (keep out!)

05:30

Mila
I HAVE GOOD NEWS

Abe
Walang pasok? 😵‍💫

Fatima 👿
?

Mila
NO

Mila
Of course, may pasok.

Abe
Kala ko naman

Fatima 👿
Tutulog pa ako
Mila reacted 😠

Abe
Ano yan?

Mila
Fatima!!!

Rigo (banned)
mila di pa tumitilaok ang manok
magpatulog ka

Rigo (banned)
joke di nga pala ako natulog
tanginang plates [tinapon]

Rigo (banned)
[pinulot]

Mila
I have someone you guys should meet!!!

Mila
Okay, here's the thing

Rigo (banned)
kinakabahan ako dyan ah

Mila
I met her since may subject kami together and she's super nice!!!

Mila
PLEASE PLEASE BE NICE TO HER

Rigo (banned)
para namang masamang tao kami mils

Abe
I mean, si Rigo at Fatima lang naman masama

Rigo (banned)
gago ka ah

Mila
RIGO BE NICE

Mila
You too, Fats. I swear, don't make the mataray brows.

Mila
And don't, I mean <DON'T> hit on her

Rigo (banned)
depends 🤣

Rigo (banned)
joke lang oo nah
Mila reacted 🤨

05:56

Jachin
Anong meron?

Jachin
Natulog lang ako

Rigo (banned)
wala wala late ka na

Jachin
Wala akong pakialam sa
nararamdaman mo
Rigo reacted 🖕🏻

Rigo (banned)
may bagong salta ata si mila

Jachin
Sino?

Rigo (banned)
aba ewan

Rigo (banned)
maliligo na ako kayo na mag usap

Mila
Basta, meet with me later sa kubo. Okay? Lunch time, as usual.

Jachin
Okay, boss

Abe
Di ako pwede, Mila. Org work.

Mila
NOOOOO

Mila
Okay but next time

Abe
Sige.

Jachin
Mils, may pagkain ka sakin.
Padala ni Mama.

Mila
But I had my breakfast na. You know, I eat early.

Jachin
Sige na tanggapin mo na

Jachin
Bigay naman ni Mama

Mila
Okay, but I'll save it for lunch.

Jachin
Yon

Jachin
No problem. Basta kainin mo dahil sayo naman to.

* * *

[TWITTER]

06:08

Jach 👾 (@jachdaniels)

Haha

* * *

[DIALOGUE]

< UNI. MORNING. >

Sumandal si Rigo sa pader sa labas ng university nila at hinugot mula sa bulsa ang isang pack ng sigarilyo. Sinindihan muna nito ang stick—or as Abe likes to call it—doomstick, owing it to the term doomsday, bago humipak at sinilip ang cellphone ni Jachin.

Rigo
Tanga mo rin e 'no?

Jachin
Masama maging usisero. At pwede ba, ibuga mo sa kabila 'yang usok.

Rigo
Ilang taon ka na naghihintay. Siya pa rin?

Jachin
Bakit may deadline ba?

Natawa si Rigo at napailing na lang sa kaibigan.

Rigo
Kung ako 'yan. Gets ko na pinaparating ni Mila.

Jachin
Ano?

Rigo
'Wag mo na siyang bigyan ng pagkain. Pero dahil mabait—ayan.

Pinatay ni Jachin ang cellphone at ibinulsa ito. Makalipas ang ilang segundo, hinilamos nito ang kamay sa mukha.

Jachin
Pahingi nga ako niyan.

Rigo
Stick?

Jachin
Oo.

Rigo
'Di ka na nag gaganito, ah.

Jachin
Oo nga. Ano ngayon?

Rigo
Sorry, wala na. Bagal mo humingi, e.

Winagayway ni Rigo ang pakete na wala ng laman at ngumiti nang umangil si Jachin sa kanya.

Jachin
Tara na nga. Mapagdiskitahan na naman tayo ni Tayag.

Rigo
Ah, basta ako tapos ko plates ko. Ewan ko na lang sa 'yo.

Tumawa at tumalikod na si Rigo kaya wala nang nagawa si Jachin kung 'di sumunod sa kaibigan.

* * *

a/n: jachin is pronounced as ja-kin

#ATSWHIwp

as the stars would have itTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon