Chapter Fourteen

Mulai dari awal
                                    

Pero napatigil ako sa pag-iisip nang biglang magsalita si Dean.

"Gusto ko lang pong ma-aware kayo sa estado namin ng anak ninyo. Ayoko pong isipin ninyong inaabuso ko ang pagtitiwalang ibinigay ninyo saakin. At ayoko rin pong maglihim sa inyo dahil sobra ko po kayong nirerespeto at dahil kayo rin po ang magulang ng babaeng mahal na mahal ko."

Natigilan ako at napatitig lang kay Dean na kasalukuyan ding nakatitig saakin. Dating gawi ng puso ko, lumakas at bumilis na naman ang pagpintig nito. Parang nag-eecho pa nga sa tenga ko yung huling salita na sinabi niya eh, yung 'babaeng mahal na mahal ko'. Paulit-ulit na ngang natutunaw ang puso ko eh kada maririnig ko yung mga salitang yon atsaka anak ng tokwa oo, kinikilig na naman ako. Pero dahil bigla kong naisip na nakatingin sina mama at papa eh bigla kong iniwas ang tingin ko kay Dean. Nakakailang kayang sabihan non sa harap pa mismo ng mga magulang ko. Piling ko nga ngayon eh namamanhikan na siya. Hmmp! Napakaadvance ko ring mag-isip ano? Pamamanhikan agad eh kahapon pa nga lang kami naging mag-on eh.

"Alam na namin." biglang sabi ni papa.

Nanlaki ang mga mata ko sa sobrang gulat. A-alam na nila? Paano? Bakit?

"Ho?!" biglang nasabi namin ni Dean at the same time.

"Alam na namin... dati pa na dyan talaga kayo papunta. Sa titig mo pa lang kasi sa anak ko, sa unica hija namin, alam at halata na namin agad. Dumaan din ako dyan nung nakilala ko siya." tsaka bumaling si papa kay mama na ngayon ay nakangiti ng ubod ng tamis.

Syempre napanganga lang talaga ako pagkatapos sabihin ni Papa yun. T-talaga? Alam at halata na nila agad? Paano nangyari yun? Paano nila nalaman sa mga titig ni Dean? Kasi ako di ko talaga napansin eh.

"Ang amin lang ay wag masyadong pasobrahan ha?" dagdag naman ni mama.

"Hindi naman namin pinagbabawalang magkaroon ng mga ganyang pag-ibig, pag-ibig ang anak namin. Dumaan din kami sa ganyan at naiintindihan namin kayo. Kaya lang..."

Kinabahan ako at may kung ano akong naramdamang takot dito sa dibdib ko. Ano yung 'kaya lang'?

"Dean sobra ka naming pinagkakatiwalaan. Iwasan mong gumawa ng dahilan para masira yon." sabi ni Mama na diretsong tinitignan si Dean.

"Payag kami sa relasyon ninyo pero alalahanin ang hangganan ninyo, kung saan lang kayo pwede."

Pagkarinig ko nito, nakapagpakawala ako ng napakalalim na buntong hininga. Para bang biglang gumaan ang puso ko. Parang nabunutan ako ng tinik.

"T-talaga Papa?!" sabik na sabik at tuwang-tuwang naibulalas ko bigla.

Tinanguan kami ni Papa at napatingin ako kay Dean dahil sa sobrang galak. Ang laki nga ng ngiti ni Dean eh na lalo ko lang ikinatuwa. Hindi ko sukat akalain na papayag lang ng ganon-ganon sina mama't papa. Sabagay, ang tagal na kasi nilang kilala si Dean, nasa sinapupunan pa ako ni Mama kilala na nila si Dean. Atsaka sobra rin kasi ang pagtitiwala nila sa kanya, kaya dapat ay hindi kami gumawa ng kahit anumang ikasisira nila sa tiwalang yun.

"Nagkakaintindihan ba tayo, dela Cerna?" parang pulis na tanong ni Papa sa pinakamamahal kong tolbespren ko na ngayon ay tolboypren ko na.

"Makakaasa po kayo. Sobra-sobra po ang respeto ko kay Ayen at hindi po ako gagawa ng anumang bagay na ikasisira niya. Aalalahanin ko po lagi ang limitasyon namin."

"Mabuti. Mabuti. May basbas na kayo." -- Papa

Napatayo ako agad-agad at biglang niyakap sina Mama't Papa. Sobra-sobra-sobrang tuwa ang nararamdaman ko ngayon. Gusto kong magtatalon. Gusto kong tumili. Gusto kong lumukso sa araw. Gusto kong magheadbang. Ako na. Ako na ang pinakamasayang babae ngayon dito sa mundo.

Pagkaraan ng ilang oras na kwentuhan...

Magpapaalam na sana si Dean sa mga magulang ko nang bigla akong may naalala. Kaya pinigilan ko siya agad at nagsign ako kina mama at papa, sign na kami lang ang nagkakaintindihan. Pagkatapos nilang tumango sa sign ko, agad kong hinawakan ang kamay ni Dean at pinilit siyang patayuan tsaka ko siya dinala papuntang kwarto ko. Hmmp! Wag advance mag-isip ha? Wala kaming gagawing kababalaghan. May ipapakita lang talaga ako... doon sa kwarto ko.

"San tayo papunta?" nagtataka niyang tanong habang naglalakad na kami papunta sa kwarto ko.

"Meron lang akong gustong ipakita sayo."

Hindi na siya nagsalita ulit at sumunod na lang saakin. Pero nung nasa harap na kami ng kwarto ko ay bigla siyang napatigil atsaka ako tinitigan ng masama. Sobra nga siyang nagtataka e.

"Teka, sa kwarto mo?"

"Ikaw, ang dumi mo talaga mag-isip. Meron nga lang akong gustong ipakita sayo."

"Ah." sabi niya sabay tumatango-tango. "Sorry naman. Sino ba namang hindi mag-iisip ng masama, sa kwarto mo kaya tayo papasok."

"Tss. Mabreak-an ka na nga. Ang bastos mo mag-isip eh!" sabi kong naiinis.

"Huy, sobra ka naman! Break agad?" parang biglang natakot siya sa sinabi ko. Ahihi. Kinikilig ako. Natatakot siyang magbreak kami.

"Sorry na. Hindi na mauulit." naglalambing nga siya eh.

"Dapat lang!" nagkunwari akong naiinis kahit na ang totoo, kilig na kilig ako.

Binuksan ko na lang ang kwarto ko at dinala ko siya sa... kama ko. Joke lang! Dinala ko siya malapit sa may cabinet ko at... atsaka ipinakita sa kanya ang basag na portrait na regalo niya. Yung nabasag ko nung mabato ko ito ng hindi sinasadya dahil sa sobrang selos sa isang babae na kapatid niya lang pala.

"Sorry." malungkot kong nasabi.

Hindi siya sumagot at tumitig lang talaga siya sa basag na portrait. Parang di nga siya makapaniwala eh. Feeling ko tuloy ang laki ng kasalanan ko. Mahalaga kasi ito para sa kanya, siya ang gumawa nito pero anong ginawa ko? Binasag ko lang.

"Sorry na, Dean. Sorry na. Sorry. Sorry. Sorry. Sorry na please?" paghingi ko ng tawad habang ipinagdadampi ang dalawa kong palad. "Sorry na talaga. Sor..."

"Paano nabasag?"

Huhu. Pakiramdam ko maiiyak na ako. Kung nakikita nyo lang ang panlulumo sa mukha niya ngayon. Nakapagdala tuloy ito ng kirot sa puso ko. Ang sarap tuloy umiyak.

Dahil hindi ako nakasagot agad kasi parang umurong yung dila ko, inulit niya ang tanong niya.

Napalunok na lang ako. Anong sasabihin ko? Alangan namang irason ko yung sobrang pagseselos ko doon sa babae na akala ko nililigawan niya yun pala kapatid niya lang, nakakahiya yun. Hindi naman din pwedeng irason ko na lumindol ng malakas dito sa bahay, ang engot din na rason yun. Ano ba talagang sasabihin ko? Paano ko ipapaliwanag sa kanya?

At nabigla na lang ako nung bigla siyang tumitig saakin sa sobrang nag-aalalang titig, atsaka ko lang napagtantong may mga luha na palang pumapatak sa pisngi ko. Umiiyak na pala ako. Lumapit siya saakin at pinunasan niya ang luha ko.

"O, bat ka umiiyak?" nag-aalala talaga niyang tanong.

"Eh kasi galit ka eh." sagot ko namang sisigok-sigok.

"Ako? Galit? Hindi. Hindi."

Pinunasan niya ulit ang luha ko tsaka niya hinawakan ng dalawang kamay niya ang magkabilang pisngi ko.

"Hinding-hindi ako magagalit sayo. Hindi kailanman. Mabasag na lahat ng portrait na bigay ko sayo, wag lang kitang makitang umiiyak. Tahan na. Papalitan natin yan. Yung mas maganda. Tsaka alam ko naman ang dahilan kung bat nabasag yan, ang gusto ko lang ay magsabi ka saakin ng totoo."

Nagulat ako ng sabihin niya yung huli. Alam niya? Paano?

"Nabasa ko sa diary mo." atsaka ngumiti dahilan para matunaw ulit ang puso ko. Isang ngiti niya lang, ayos na ko. Pero, teka, yung diary? Nabasa niya? Nawawala yun, so ibig sabihin nasa kanya?

"Wag kang magalit ha? Sorry kung binasa ko. Dahil kasi sa diary'ng yon kaya mas lalong lumakas ang loob ko na magtapat na sayo. Galit ka ba?"

"H-hindi. Okey lang. Basta't isoli mo lang ha?" atsaka ako ngumiti rin.

"Oo naman." ngumiti ulit siya pagkatapos ay... hinalikan niya ako... sa noo.

Unlucky I'm In Love With My TolbesprenTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang