Chapter 2

537 49 16
                                    

ANG mata ng buong pamilya ni Mary ay nakatuon sa kanilang dalawa ni Joseph. The man was sitting beside her, fully clothed this time. Ramdam ni Mary ang lakas ng pintig ng puso at panlalamig ng mga kamay. Pakiramdam niya ay bumagal ang takbo ng oras kaya lalong dumadami ang mga pangamba sa utak niya.

Bumalik si Gospel para iabot sa Tiya Ame niya ang pangalawang tasang kape nito.

"Salamat, hija, kahit ang pait ng kape mo."

Matamis na ngumiti si Gospel. "Try niyo pong inumin ang kape niyo na masaya baka ho tumamis."

Sakabila ng kaba niya ay bahagya siyang natawa lalo nang pagtaasan ng tiya niya ng isang kilay si Gospel. Gospel on the other hand just smiled widely before returning to the kitchen. Bilib din talaga siya rito dahil nakakaya nitong sabayan ang tiya niya sakabila ng mga hindi magagandang side comments nito.

Bumalik ang isip niya ang inaalala niya kanina. She and Joseph wasn't able to come up with a final agreement with their situation. Nagahol sila sa oras dahil tinawag na sila ng kanyang ama upang kausapin tungkol sa kanyang pagbubuntis. Hindi niya alam kung paano umabot ang impormasyon na iyon sa kanyang pamilya pero may ideya na siya kung sino ang nagpakalat nun.

Mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pasimpleng pag-ayos ni Joseph sa magulo nitong buhok. He may look calm, but she doubt if he was inside. Siguro ay magaling lang talaga itong magtago ng kaba or sanay na.

Honestly, she couldn't fully grasp what was happening in her life at that specific moment. Natulog siyang mag-isa pero nagising siyang may estranghero nang lalaki sa bahay niya. What's worse is she couldn't even force herself to speak out the truth. There is this strong unfamiliar power urges her to trust and depend on this man. Pero naisip niya kung bakit ganoon ang nararamdaman niya when in fact, he was a stranger.

"Anak, totoo ba?" basag ng kanyang ama. "Totoo bang buntis ka nga?"

Pinigilan ni Mary na iangat ang isang kamay sa kanyang impis pa niyang tiyan. Pinanatili niya ang mga itong makahugpong sa itaas ng kanyang mga hita. Hindi pa iyon halata lalo na't maluwag sa kanya ang suot na puting bestida. Kahit hindi niya balingan ng tingin si Joseph ay ramdam niyang nakatingin ito sa kanya.

Her world stopped rotating when she found out about her pregnancy. She had been denying the truth and the child growing inside her womb. The last two months were tough and she wasn't that kind to herself either. She felt so lost, alone, scared, and abandoned. All she did was to watch her life fall apart.

At twenty-four, all she had accomplished was making her life a disappointment. Every night that idea would always pierce through her soul and take all the hope she had for herself. She felt sorry for the child for having a mother like her.

Nagsimulang mag-init ang sulok ng kanyang mga mata. 'Mer, don't cry!' Pero kahit anong pagpapalakas niya sa kanyang loob ay natatalo ng mga negatibong emosyon ang damdamin niya. Lalong nanikip ang dibdib niya sa pagpipigil ng mga luha. Dumiin ang pagkakahugpong ng mga kamay niya sa taas ng mga hita niya, bumabaon ang mga kuko sa kanyang balat sa kamay.

Pero sino ba ang niloloko niya? Alam niyang hindi pa siya handa. She could never be ready. She couldn't bare to see the disappointment in her parent's eyes.

She was a failure.

"Mary—"

Nagitla siya sa boses ng ama at ramdam niya ang bahagyang panginginig ng mga kamay nang makita ang lalong pagseryoso ng mukha nito. Halatang hindi na ito natutuwa sa pananahimik niya. Gusto na lamang niyang humagulgol at lumuhod sa harapan nito upang humingi ng tawad.

"I'm Joseph." Marahas na naibaling ni Mary ang tingin sa lalaki. Bumaba lamang iyon nang maramdaman niya ang isang kamay nitong pumatong sa nanginginig niyang mga kamay. He gave it a little squeeze without looking at her. "And I'm taking responsibility for everything."

Perfectly UnmarriedWhere stories live. Discover now