chapter thirteen.

0 0 0
                                    

Sasha's POV
Ugh. Fine. Since makakatrabaho ko naman siya.. I have to be nice.

Nakipagkamay si Sasha at ngumiti.

"It's nice meeting you.. Trev" Mariing pagsabi ni Sasha habang pinilit na ngumiti sa kaniya.

"Okay, mag-start na tayo sa filming everyone" Nag announce ang director.

Pinapanood nila Sasha at Trev ang mga gumanap na bida sa set ng filming.

"Okay scene 3 part 2 ms. Sasha and mr. Trevor mag-ready na po kayo" Pinaalalahanan sila ng staff.

"Iris, patingin nung script.. hindi ko pa nakikita simula kanina. Thank you" Magalang na pag-uutos ni Sasha.

"Ito na yung script. 5 minutes before filming kailangan kabisado mo na." Iniabot ni Iris kay Sasha ang script.

Habang binabasa niya ang script, nanlaki ang mata niya nang mabasa niya ang "kissing scene" sa script.

"May kissing scene?! Huy.. hindi naman sinabi sa'kin na may kissing scene pala rito? Tapos may bed scene pa? Girl.. first taping ko tapos ganito agad.. and worse! With him!" Galit na bulong ni Sasha kay Iris.

"I can hear you.. and it won't be that bad. Trust me. For all I know baka mag-enjoy ka ng sobra sa gagawin natin sa mga scene eh."

He had a big grin on his face. Parang inaasar lang si Sasha na iniwasan na lang ni Sasha.

"Whatever. Wipe off that grin on your face. Hindi talaga bagay, ang sarap mong sapakin you know that?" Inis na tanong ni Sasha.

"Okay 3 minutes before taping. Standby po kila Sasha and Trevor" Muling pagpapaalala ng staff.

Ipinagpatuloy ni Sasha ang pagbabasa sa script hanggang makabisado niya ito.

"Start filming, Sasha and Trevor scene 3 part 2 action!" Sigaw ng director.

"Bakit ba napakatigas ng puso mo?!" Pasigaw na tanong ni Trevor.

"Pati ikaw ba naman sisisihin mo ako?! Alam mo yung pinagdaanan ko! Lahat ng hirap, lahat ng mga masasakit na salita at pagtrato na natanggap ko! Bakit parang kinakalaban mo pa ako?!" Naiyak si Sasha habang sinasabi ang kaniyang linya.

Bumuhos ng papuri ang dalawa sa kanilang emosiyonal at makapintig damdamin na pag arte sa bahaging ito.

"Good take! Next scene in 3..2..1.. action!"

Niyakap ni Trevor si Sasha.

"Hindi mo na kailangan pang masaktan. Please, tigilan mo na sila. Pinapangako ko na ako mismo ang magpaparusa sa mga taong nanakit sa'yo. Kaya please, hayaan mong tulungan kita sa paraan na alam ko"

Sasha's POV
As he said those words I wondered. Kung ganyan rin ba ang sasabihin niya kung totoong ganito Ang nangyayari sa amin..

"Fine.. you win. Titigilan ko na sila. Go back to that cheater girlfriend you have and leave me alone!" Galit na sigaw nito.

Biglang hinila ni Trevor si Sasha at hinalikan ito.

"Bulag ka ba? Kaya hindi mo nakikita? Mahal na mahal.. na mahal kita Sasha" Tiningnan niya nang malalim si Sasha.

"Cut! Trevor.. Clara ang pangalan niya hindi Sasha. Take 2!"

Muling inulit ang scene na ito at paulit ulit na sinasadya ni Trevor na magkamali.

"Mahal kita Sasha"

"I love you, Sasha"

"Mahal na mahal kita Sasha"

"Cut! Trevor! Kanina pa tayo paulit ulit rito. Take 43 action!"

"Mahal na mahal, na mahal kita Sasha.." Ngumisi ng panandalian si Trevor at lumapit kay Sasha para halikan siya.

"Teka nga! Kanina ko pa napapansin! Sinasadya mo ba talaga?!" Galit na tanong ni Sasha.

"What if I say yes?" Sarcastic na pagkatanong ni Trevor.

"Pwede ba?! Umayos ka naman! Napaka-immature ng mga ginagawa mo! Kanina pa kami paulit ulit at pagod na kami dahil sa'yo!"

"Well I'm sorry if that's how you feel. I'm raising everyone's paycheck by 75 percent since this project is funded by TCES company in which I am the founder and  president of" He glared at her while smirking.

Napuno ng sigla at saya ang buong crew dahil sa unexpected bonus galing kay Trevor habang si Sasha naman ay naiinis sa isang tabi.

"Whatever.." Sinamaan niya ng tingin si Trevor.

"Uy.. sorry na.." kinalabit niya si Sasha.

"Bahala ka diyan! Napakakulit mo kasi!" Umiwas si Sasha sa kaniya.

"Iris! Yung script!" Inis na sabi ni Sasha.

~'•'~

"Okay start na tayo ng filming!" Sabi ng director matapos ang 30 minutes break.

"Next scene! Scene 7 part 1. Sasha and Trevor magbihis na kayo. Bed scene part one. Action!"

TO BE CONTINUED..

Glow Up Series #9: Flat is the New SexyWhere stories live. Discover now