chapter twelve

1 0 0
                                    

Sasha's POV
Tama ba talaga yung ginawa ko? I have a feeling na dapat tinanggap ko na lang siya. No. I chose this.. I will become the best before I even think to date him.

And so, she did try to become the best.. or so she thought.

"Sash, sure ka na ba talaga sa desisyon mo? Hindi mo naman kailangan na magpakalayo sa kaniya.. Trevor will suffer even more without you" Hikari suggested.

"Hikari, sigurado na ako. Ayaw ko naman na may tumututol sa amin kung sakaling maging kami. So I'm gonna become someone no one can talk ill of" Ngumiti siya kay Hikari.

Niyakap ni Hikari si Sasha bago sila tuluyang nagpatuloy sa magkaibang landas.

"Until we meet again.."

~TIME SKIP~

Five months passed. Naging abala si Sasha sa pag-eexercise. Araw-araw na gumagawa ng kung ano-anong gawain upang mas maging maganda ang katawan niya. Umalis siya sa bahay ng kaniyang mga magulang at isinama si Rai.

"Oh Rai, aalis muna si ate. I have to go to work" Nagpaalam siya kay Rai bago pumasok sa kaniyang trabaho.

"Bye bye ate ingat ka po!" Malambing na sabi ni Rai habang niyayakap si Sasha.

Nagsimulang magtrabaho si Sasha sa isang cosmetics and clothing company bilang isang model.

Nagkaroon siya ng newfound success dahil sumikat siya rito sa unang linggo niya pa lang na nagtratrabaho.

"Okay ma'am mayroon pa po kayong isang shoot ngayon" Sabi ng photographer.

Buong araw na nagmodel si Sasha para sa mga produkto ng TCES company.

Pagkatapos ng shoot ni Sasha ay umuwi na siya.

"Ate!" Sinalubong siya ni Rai habang nakangiti.

"Missed me Rai?" Tanong ni  Sasha habang hawak ang inuwi niyang pagkain.

"Opo! Ate look oh, nasa TV ka po.." Pag aanyaya ni Rai habang nakatingin sa balita.

"Isang bagong model ang kinagigiliwan ng mga netizens ngayon. Agaw-pansin ang kaniyang mga shoots para sa isang clothing company. Umani ng limang daang libong likes at comments ang natanggap niya matapos maipost ang kaniyang mga letrato sa official page ng TCES company."

Tiningnan ni Sasha ang post ng kompanya na pinagtratrabahuhan niya at nakita ang libo-libong positive comments tungkol sa kaniya.

Masaya siya dahil umani ng napakadaming papuri sa mga tao ang kaniyang mga pictures at shoot ngunit nabahala pa rin siya sa mga ibang komento na pumupuna sa mga insecurities niya.

"Maganda nga, flat naman."

"Ano ba 'yan?! Maganda nga ang mukha, ang payat payat naman"

"Mas maganda pa rin yung kapatid niya"

Ilang mga comments ang bumatikos at ikinumpara siya kay Elle na lalong nagpababa ng confidence niya.

"You're prettier ate, inside and out" Biglang sabi ni Rai nang mapansin niyang malungkot si Sasha.

"Nako! Bolero ka talaga hm? It's bedtime now.. matulog na tayo.."

~'•'~

The next day, napagpasiyahan niya na sumubok sa acting.

Which she was immediately recruited dahil nakita nila ang potential niya sa camera.

Nakakuha siya ng role bilang isang antagonist sa isang movie.

Habang nasa movie filming, nakipagkilala siya sa mga co-artists at sa filming crew.

"Hay nako! Lagi na lang late si mr. Santos.. Kanina pa naghihintay sila ms. Sasha!"

Isang black sedan ang biglang tumigil sa harap nila na nakakuha ng pansin ng mga tao sa paligid kabilang na si Sasha.

"Grabe naman magmaneho yan!" Hinigit ni Sasha ang kaniyang co-star na muntik nang mabangga ng sedan.

Nang lumabas ang isang lalaki sa passenger seat, kinompronta niya ito.

"Excuse me! Muntik mo nang mabangga si Leiah!" Sigaw nito sa lalaki.

"So?" The guy nonchalantly asked.

He was wearing a white polo, black pants, expensive looking shoes, and glasses.

"Have we met before?.. You seem familiar.." Inaalala ni Sasha kung sino ang lalaking nakatayo sa harap niya.

"No, most certainly not honey.." Ngumisi ang lalaki at tinanggap ang kaniyang sunglasses.

Sasha's POV
What the heck?! That's..

"T..Trevor?" Gulat na tanong ni Sasha.

"Missed me? You didn't seem to recognize me earlier hm?" He leaned closer to her, halos magkapalit na ang mukha nila.

Natulala na lamang si Sasha sa gulat pero bigla siyang nagising sa katotohanan.

"I would never miss you Trev.." Mariing sabi nito bago naglakad papalayo.

Sasha's POV
What the heck Sasha?! Gumising ka nga! There's nothing going on. Wala na. He's just a stranger.

"Sasha" Tawag ng manager niya.

"Yes? Iris, bakit?"

"Siya yung makakatambal mo for this movie. Meet mr. Trevor Claurion Esperanza Santos. Pero parang magkakilala na ata kayo.." Tumawa si Iris.

"Hah.. unfortunately." Siniringan ni Sasha si Trevor.

"Let me formally introduce myself, My name is Trevor Claurion Esperanza Santos. I'm your co-star for this film. And we will be a love team probably. You can call me Trevor or mr. Santos. But I'd prefer "love" more Sasha.." Ngumisi ito at inalok na makipagkamay si Sasha.

Kumunot ang noo ni Sasha at tiningnan si Trevor ng masama.

Sasha's POV
Tsk. Nakakainis ka talaga! Kung pwede lang kitang sapakin siguro ginawa ko na.

TO BE CONTINUED.

Glow Up Series #9: Flat is the New SexyWhere stories live. Discover now