PART 43

286 15 4
                                    


...

NAPAKAGAT ako ng pang-ibabang upang pigilan ang matawa ng halos di maipinta ang mukha ni Elijah at Sirious habang nasa gitna kasama si Zach, Xilvien at Aldrich na nakangisi at nakangiti lang habang ina-nounce ng host kung anong dapat gawin nila upang manalo sa palarong ito na sa tingin ko ay 'Trip to Jerusalem' ata iyun dahil may apat na upuan na pabilog na pinalibutan ng lima. Tapus sasayaw diumano sila pagtumugtog ang music habang inikutan ang mga upuan.

Sa paghinto ng tugtog ay dapat mabilisang maupo dahil out kana kung maunahan ka at walang mauupuan.

Excited na nanonood naman ang mga bata sa gilid, ang iba ay katabi namin ni Philly at Psyche.

"Go, Yuhann! Agawan mo ang mga ugòk ng trono! Haha." Nasa harap si Roxanne Precilla at may hawak pang DSLR cam na nakatutok sa lima na parang mga modelo sa gitna.

Tanging sila lang lima ang participants dahil sabihin na nating sila lang ang mga binata rito. Halos may edad na kasi ang karamihan. Saka silang lima ang request ng mga audience.

Napangisi na lang ako ng nagsimula ang tugtog na talagang mapapasayaw ka talaga. Salubong ang kilay ni Elijah at Sirious na napilitang gumalaw habang enjoy na enjoy naman ang tatlo. Todo bigay pa nga si Xilvien na nag-ala macho dancer na.

Nang magkaroon naman ng pagkakataong mapatingin si Zach sa direksyon ko ay nahigit ko na lang ang aking hininga ng kumindat sya!

"Ang hot!"

Rinig kong halakhak ni Psyche na ikinahagikhik ni Philly.

Ngumuso lang ako. Humiyaw at tumili ang mga bata ng biglang tumitigil ang tugtog at paunahan na ng upo.

Napailing na lang ako ng nanatiling nakatayo lang sa gitna si Elijah habang kunot ang noong tiningnan ang apat na kasama na nakaupo na sa apat na upuan at naunahan ito.

May sinabi pa si Xilvien na prenteng nakaupo at nakangisi dahilan kung bat napailing na lang ang huli at um-exit. Inilibot pa nito ang tingin at nang tumigil sa babaeng katabi ni Philly ay humakbang ito palapit sa aming pwesto at umupo sa bakanteng upuan katabi ni Psyche--- who's just frowning ang mumbling something..

"Bakit ka rito umupo? Doon ka!"

"Paki mo?" Suplado namang sagot ni Elijah na mas ikinangitngit ng banyagang hilaw.

Naramdaman ko na lang ang paglingkis ni Philly sa braso ko at pagsandig niya sa aking balikat. Saglit pa akong natigilan pagkuwa'y napakurap-kurap na lang.

"Philo."

"Oh?"

"Tumutunog na ang tyan ko." Napalabi ito.

"Huh?"

"Gutom na naman ako."

Napahimas ako sa batok ko. Muling bumaling sa gitna kong saan sina Xilvien at Zach na lang ang natira sa palaro.

"Matapos siguro ang laro, kakain na." Wala sa sariling anas ko.

Sa huli ang nanalo ay si Xilvien. Nang tumigil kasi ang tugtog ay nang uupo na sana si Zach sa upuan ay naunahan na ito ng huli. Tawang-tawa pa at muntik ng mapamura ng muntik ng maupo si Zach sa hita nito.

"Tang--mothers!"

Rinig ko ang tawanan ng mga nanonood. Nawala  lang ang simangot ni Zach nang salubungin sya ng bati ng mga bata. Umaliwalas ang kanyang mukha na ikinangiti ko.

Wala na akong masabi pa sa pagkatao nya. Sa sobrang green flag nya, mauubusan na ako ng salita.

"My twin is deeply inlove now. I like him for you, Philo. Genuine, humble, caring, tall, talented, handsome--- a typical ideal man. Plus, he can handle your moods and imperfections, too. You indeed deserve someone like him." Philly whispered while I, stunned, on the other hand.

THAT ANNOYING GHOST Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon