Napabaling tuloy ang atensyon ng mga bata sa kanya at namangha bat daw magkamukhang-magkamukha kami.

"Phil.. please, say something I don't know.."

Bumuntong-hininga ako ng pumunta siya sa gilid ko para yumakap sa beywang ko at isinubsob ang mukha sa aking balikat.

Ang clingy. Kumapit tuloy sa akin ang pabango niya.

"Gusti mo bang mabàliw ako kakaoverthink?"

Napailing na lang ako at nagpasyang sabihin na lang ang naganap bago ito nagising mula sa pagcocoms. Ang kulit eh.

"Fine.. let's talk. Patatapusin mo muna 'tong party at ituon muna ang atensyon sa mga bata. Wag ka ring masyadong maligalig."

"Yes, boss."

Pinakawalan niya ako at bago paman ako makareact ay mabilis na ninakawan nya ako ng halik sa pisngi.

Babatukan ko sana sya ng maiksing nakalayo agad sya sa akin at natatawang lumapit sa mga bata.

Masama ko syang tiningnan pero ngumisi lang ang loko. "Kiddos, tulungan muna natin sina Mader Theresa sa paghahanda para mamaya!"

Sumunod rito ang mga batang lalaki sa pangunguna ng batang si Kiko habang naiwan naman ang iba sa amin ni Philly na mangha paring nakatingala sa amin. Lalo na't si Sandra na panay ang tanong bat daw kami magkamukha.

Ginulo ko na lang ang buhok nya at niyaya silang tulungan akong ayusin ang mga dekorasyon sa mini-stage.

Pinaupo ko lang si Philly kahit na umangal itong walang gagawin. Nahihiya pa ang loka ng hatiran ito ng snacks ng punong-madre. Binigay ko na nga lang ang para sakin dahil lately, hobby na nya ang kumain. Kita na rin ang umbok sa tyan nya. Mag sisix-months na eh.

"Wazzup, madlang people!"

Napalingon na lang kami sa sumigaw. A fair, tall, and masculine guy was half-running towards us. Natatawang sinalubong nito ang mga bata. Sumunod rito ang nakangiting si Aldrich kasama si Sirious at Roxanne na agad na kumaway ng makita ako.

Bumitiw muna mula sa pagkakalingkis kay Sirious at paunahan pa sila ni Xilvien na lumapit sa amin.

"Precilla!"

Sumakit talaga ang ulo ni Sirious sa babae, ha. Masyado rin kasing maligalig.

Huling pumasok ang supladong si Elijah na nakapamulsa at bored lang, nakabuntot nito ang babaeng di ko nga inasahang maparito. May dala itong dalawang malalaking kahon na may lamang cake at parang pinagsakluban sya ng langit at lupa.

"Bagal." Tukoy ni Elijah kay Lorraine Psyche.

Pumula tuloy ang mestisa nitong mukha dahil sa inis. "I hate you!"

"The feeling is mutual, slave."

"Ikaw ha, you never told me that you and Zach had a 'thing'." Tudyo ni Roxanne samin. Simpleng blue-shirt lang na nakatuck-in sa black short nito ang suot. Nakapony tail ang buhok at pulang liptint lang ang nilagay sa labi.

Maaliwalas at blooming ang magandang mukha nito. Kumpara sa banyagang hilaw na bagama't maamo at di halatang mataray at maldita ay mukhang stress na stress pa sa lalaking wala man lang kareact-reaction.

"Ideal man talaga yang si Monteverde, Philo. Di ka magsisisi. Hay, buti na lang shi-nip ko kayo nun ni Zach, di sa iba dyan." Pagpaparinig ng babae kay Xilvien na bahagyang lumapit sa amin para makikiusosyo. "Dahil kung si Xilvie-not at ikaw ang shinip--- baka tumaob."

Mas lalo tuloy sumingkit ang mga mata ni Xilvien. "Bakit? Ayaw nyo ba sa gentleman, generous, goodlooking like me?" Nagawa pa nitong ngumisi. Nakadark-violet siyang polo ngayon at bukas ang una at pangalawang butones.

THAT ANNOYING GHOST Where stories live. Discover now