Hindi ko alam kung bakit ba ito ang nakuha kong course sa college, matutuwa ba ako o hindi? Since high school, gusto ko rin talaga ang political science then after that proceed na ako sa law school.
Nagtaka pa ang parents ko kung bakit hindi legal management ang kinuha ko e wala naman silang nagawa dahil polsci ang gusto ko.
Sa daming readings na binibigay sa amin ng prof namin ay parang bahay ko na ata ang library, pabalik balik ako palagi doon. Sometimes, I fall asleep there while reading. Nagpapa salamat na lamang ako dahil may nagising papaano sa akin.
"Scarlett!"
Napalingon ako ng may sumigaw mula sa likod ko, nakita kong tumatakbo papalapit sa akin ang kaibigan ko. Tumigil muna ako at hinintay siya kasi mukhang importante ang sasabihin niya,
"Nakita mo ba final score mo sa finals?" tanong ni Julia sa akin
"No, bakit? Bagsak ba ako?" natataranta ko na tanong sa kanya. Baka kasi mamaya bagsak na pala ako tapos hindi ko alam, malalagot ako sa magulang ko.
"Hindi sis..." pagbitin niya kaya napataas ako ng kilay dahil doon,
"Gago! Highest ka!" sigaw niya at niyakap ako.
Tsaka pa nag sink in sa akin ng bigla niya akong niyugyog, what the fuck. Nakayakap na lang din ako sa kanya dahil doon, I didn't expect na mataas na ang makukuha kong score sa finals.
Umuwi ako sa bahay ng masaya, sinabi ko kaagad sa magulang ko ang tungkol doon. Nagpabili agad si daddy ng pagkain ng malaman niya ang tungkol sa grades ko. I'm lucky to have them.
Habang papunta sa library, nakasalubong ko si Patrice. She's one of the popular law students here in Ateneo, grabe rin kasi talaga ang talino niya. Nakita ko naman na pinuntahan siya ng boyfriend niya, it's him, Creed Nicholas.
Kilala naman siguro naming lahat siya, sikat kasi tatay niya kasi artista ito. Even my parents know his dad, my mom used to be a fan girl that's why she knows him.
Napatingin naman ito sa akin kaya napaiwas ako, baka kung ano pa ang isipin non. Kinuha ko na lang ang kailangan ko na libro at saka umalis, kahit tapos na ang finals at graduating ako kailangan ko pa rin mag aral.
The day of my graduation, nakangiti ako umakyat sa stage. Naka graduate ako na kasali sa Latin Honors, our Cum Laude is no other than Creed Nicholas.
"Congrats..." he whispered
Napatingin naman ako sa kanya dahil doon, napatawa pa siya dahil sa naging reaksyon ko. I mean this is the first time that he talked to me, kahit magka klase kami at laging magkalaban sa debate we never talked.
"Same to you, Mr. Cum Laude," I told him.
He just smiled at me, nang matapos ang graduation ay lumapit kaagad ako sa magulang ko. Niyakap din ako ng kaibigan ko at kumuha ng litrato, when I glanced at creed, he's with his family.
Niyakap din siya ng magulang niya at binatukan naman ng ate niya, napatawa na lamang din ako dahil doon.
"Ikaw ha, kanina ka pang nakatingin diyan kay creed" panloloko sa akin ni Julia.
"Natutuwa lang ako sa kanila, ang saya kasi nilang tingnan ng family niya..."
"Tinamaan ka na ata, Lette" natatawa niyang sabi na ikan ailing ko na lamang.
Hindi naman ako nagka gusto diyan kay creed, aaminin ko, gwapo naman talaga siya tapos matalino pa at naririnig ko rin na mabait daw 'yon at masarap kasama pero hindi talaga ako nagkakagusto sa kanya.
That's the last day that I saw him, hindi ko na rin siya nakita ng pumasok ako sa Law School kahit sa Ateneo lang din naman 'yon. Based on what I've heard, nag transfer siya sa Seoul, Korea para doon ituloy ang pag aaral niya.
KAMU SEDANG MEMBACA
Sincerely yours
Fiksi RemajaCreed Nicholas, is one of the best students and lawyers in the state. Growing up, he always wondered about the girl he competed with. Scarlett is a young woman with plans in her life. What will happen when their worlds collide sincerely?
