08- The Triad Guests

Start from the beginning
                                    

Napapailing nalang ako. Killer na nga sya, mukang kidnapper pa. Madaming tinatago si Aizenberg, pero hindi ako titigil hanggat hindi ko makuha ang sagot sa lahat ng questions sa isip ko.




Pagdating ng gabi, dumating sina Police Captain Lèandre at Attorney Willow Montemayor, may kasama sila na dalawang babae na nagpakilalang sina Doc Kyleen at Doc. Suellen.



Mga kaibigan daw sila ni Aizenberg. Maya-maya pa sumunod naman na dumating ang tatlong tao, dalawang babae at isang lalake. Kung hindi ako nagkakamali sila ang mga guests na mag-iistay dito, pero ang pinagtataka ko masyadong nakatago ang mga muka nila. Ganon ba talaga?




Pumasok sila sa office ni Aizenberg at mukang may meeting sila. Sumilip ako sa labas at nagulat ako dahil ang daming mga men in black. Gosh! First time ko makakita ng ganito parang palibot ang mansion ng FBI.





Nagpunta ko sa back door para tignan kung meron din doon na nga men in black at gaya ng inaasahan ko ay meron nga. Napapitlag ako nang biglang tumunog ang cellphone ko.




Agad ko yung sinagot dahil si Aizenberg yun at inuutusan na nya kami na umakyat na sa mga room namin at walang lalabas hanggang bukas ng 4:00am. Unless, may ordered galing sa kanya, kaya agad akong umakyat sa taas at pumasok na sa room ko.




Naligo muna ako at nag toothbrush. Pagkatapos ko ay nagbihis na ako ng pajama ko at umupo sa bed habang nagpapatuyo ng hair. Nagbrowse din ako sa Facebook nakita ko na may bagong post na video ang mga kaibigan ko. Sayang wala ako.





Nakakamiss din mag vlog. Sabi ni Aizenberg pwede naman daw ako magvlog pero limited area lang ng mansion. Tapos nasa rules pa na bawal ivideo ang mga kasamahan ko dito. Ang bored nun kapag ganon. Napabuntong hininga ako saka humiga sa bed. Hindi pa ako nakakatagal sa pwesto ko nang may kumatok sa door ng room ko kaya bumangon ako para buksan.




"A-Aizenberg?"



"May iuutos ako sayo.."



Tumango ako saka sumunod sa kanya. Habang pababa palang kami sa hagdan, napatingin ako sa mga tao na labas-pasok sa mansion, at may malalaking boxes silang dala na pinapasok nila sa isang storage room nitong mansion.



"Tiffany.."


"H-huh?"


"Wag ka matakot, mga bisita lang ang mga yun. Maghanda kayo ng coffee at tea para sa kanila."



"Ah sige.. wait sino kasama ko?"



"Hindi ko kilala, tignan mo nalang sa kitchen."



Tumango ako saka dali-dali na nag tungo sa kitchen at nandun si Sage. Nagpapakulo sya ng tubig at naghahanda ng biscuits.




"Kanina ka pa dito?" Tanong ko pero hindi sya sumagot.



Kinuha ko yung nga biscuits at peanuts saka ko nilagay sa isang tray. Nang matimpla namin ang coffee ay saka ko sinabi kay Aizenberg kaya nag-instruct sya na dalhin namin sa third floor yung kape na agad naman naming sinunod.



Sa unang pinto muna kami kumatok at ilang saglit lang ay bumukas ang pinto. Isang lalake na mga nasa early 30's ang itsura.



"Sir, here's your coffee.." nakangiting saad ko. Matipid naman sya na ngumiti saka tumango.



Sa pangalawang door, isang babae naman mga nasa late 20's ang tingin ko. Mabait din sya gaya ng nasa door one.




Sa ikatlong door ay isang babae pero seryoso sya at hindi sya masyadong umiimik. Nakasando lang sya at naka combat tourser. Agaw pansin din ang malaking peklat sa braso nya na parang nasunog. Nang mailapag ko yung coffee ay saka na kami ni Sage nagpaalam.


THE SWEET ESCAPE (Intersex)Where stories live. Discover now