Chapter 31

15 0 0
                                    

Baby



"Riley! Ano ka ba naman!" sambit ko rito sabay nguso. Nilagyan niya ng icing ang aking ilong at natutuwa naman sa aking mukha. Ngumuso na lamang ako, tumingin ako sa anak naming dalawa. Riley and I have a daughter.

Her name is Elisia.

Ang ganda ganda niya at manang mana talaga sa ama niya eh.

"Kamusta naman ang beautiful daughter namin... hmmm?" tanong ni Riley dito at ngumuso ang bata sabay yakap sa kaniya. Natutuwa naman ako dahil sobrang saya namin, napakaswerte ko dahil sa kaniya. Napunan lahat ng kakulangan sa buhay ko.

Riley is my only one.

"Mommy, kailan po tayo mag-aarcade?" tanong ni Elisia.

"Later, punta tayo ng daddy mo huh?" pagkausap ko sa kaniya a tumango naman siya sabay palakpak. Nandito kaming lahat sa Manila ngayon at kakauwi lang din namin matapos naming magsama ni Riley for the past four years ay siya pa rin.

"I love you..." he whispered at napangiti naman ako sabay halik niya sa aking tungki ng ilong.

"I love you too, sweetie ko..."

Anything happened for a reason ika nga, siguro ito na ang way para sumaya ako sa piling niya. Ngumiti ako habang pinagmamasdan silang dalawa na naglalaro habang ako naman ay nagpapatuloy sa panonood sa kanila.

What a wonderful daughter.

"Uhmm, saan pala tayo pupunta ni Dada, Moma?" tanong sa akin ng anak ko habang kinakarga ito at piningot ko ang kaniyang ilong.

"Uhm... sabi sa akin ng Dada mo, ipapakilala niya na tayo sa family niya so makikilala mo na ang pamilya nila at ang mga lolo't lola mo..." sambit nito sabay ngiti.

"T-talaga po? Excited na po ako!" sabay ngiti at palakpak.

Pagkatapos nun ay nag-arcade kaming tatlo. Tatanggi pa nga sana ako dahil gusto ko para sa kanila ito pero wala naman akong magagawa, kasama akong bumuo sa kaniya. Hawak-hawak ko ang kaniyang kamay habang naglalaro si Elisia.

Pagkatapos naman nuon ay bumalik na rin ako sa mansyon, ginayak ko na rin ang mgga gagamitin ko para bukas at isusuot ko. Gusto ko kasi talaga maganda ako para kapag nakilala ako ng pamilya nila ay mastar struck sila sa akin!

Tuwang tuwa ang anak ko ngayon dahil papunta na kami sa mansyon kung saan nanduon ang pamilya Montelbano, kinakabahan ako pero nanduon pa rin ang excitement.

"Hello po, Sir. Nandoon na po sila sa hapag..." pagbati ng katulong niya at nagtagal ang tingin niya sa akin at masigla naman akong ngumiti sa kaniya ngunit wala akong nakitang ngiti pabalik. What's that? Ano 'yun?

Nagulat ako ng buhatin niya si Elisia at kuhanin ni Riley ang aking kamay at ngumiti naman ako ng pilit, kabang kaba ako dahil sa lamig ng bahay, umaalingasaw ang pamilyar na pabango kung saan hindi ko kilala kung saan man galing 'yon.

Nakita ko silang nanduon, ngumiti ang ina na yata ito ni Riley.

"N-navi?"

"P-po?" takhang tanong ko sa kanila. Niyakap ako nito, gumanti naman ako ng yakap, parang pamilyar ang lahat na parang kilala ko sila dahil palagay ako. "Bakit ngayon ka lang nagpakita? S-sino iyan?" tanong niya kay Elisia. Narinig ko ang pagtunog ng wineglass sa lamesa nila at nakita ko roon ang lalaking nalalayo ng edad kay Riley dahil mas mature ito.

Kapatid niya? Pogi siya ah, pero mas pogi naman ang asawa ko hano!

"R-relius..." sambit ng ina nito, tumingin ako sa gawi ng pamilyar na lalaki. I don't know him, hindi ko siya kilala, sino ba 'yan? Para naman na akong papatayin sa tingin niya eh. Masama ang tingin niya sa akin at ngumiti naman ako.

To be married with (De Viola #3)Where stories live. Discover now