Prologue

1 0 0
                                    

"Chin!" umalingawngaw ang sigaw ni Miss Lena sa mahabang kindergarten hall.

Hinahangin ang mahabang kulay tsokolate niyang buhok, maliban sa bangs niyang naka stay-in-place lang. Suot ang uniform na color green, intended for kindergarten teachers, ay malakas siyang sumisigaw at hinahabol kami ni Aki.

Napahinto kami sa paglalakad at hinintay na maabutan niya kami. May bitbit siyang mga papel na sa tingin ko ay naiwan ni Aki sa room dahil na rin sa sobrang excitement niyang umuwi.

"Wait sis..." napahawak si Miss Lena or should I call her Len-Len, sa dibdib niya habang hinahabol ang kaniyang hininga. Hinaplos-haplos ko ang likuran niya para naman mahimasmasan siya kahit kaunti, iniabot rin ni Aki sa kaniya 'yong tumbler niyang may rapunzel design para alukin ng tubig ang teacher niya.

Tinanggap naman ni Len-Len yoong tubigan at inubos ang laman. Sinilip pa ni Aki ang baunan niya kung may natira pang tubig dito matapos itong ibalik sa kaniya, napangiti ako sa bigla niyang pagsimangot kasi nga ubos na ang laman nito. 

"Pwede naman kasing tumawag sa phone diba, kinacareer mo masyado."

Inangat niya ang tingin niya sa akin at inayos ang tayo, inunat niya pa ang uniform niyang medyo nagulo sa pagtakbo niya. "Chin, kailan ka pa sumagot sa phone call?" she asked while panting.

"Oh siya, ito 'yong activity ni Aki. Naiwan sa mesa niya kanina—manang-mana ah, makakalimutin rin?" hinabol pa talaga ang pang-aasar.

"Ewan ko sa'yo." Banat ko at kinuha na lang sa kaniya 'yong activity ni Aki saka nagpaalam, mabilis rin naman siyang umalis dahil nakalimutan niyang may meeting pa raw sila.

Kumaway na lang siya sa amin ni Aki hanggang makapasok siya sa AVR ng school. Nang wala na si Miss Lena ay hinaplos ko ang buhok ni Aki para makuha ang atensyon niya.

"Tara na?" tanong ko sa kanya sabay alok ng palad ko na kaagad naman niyang sinuklian ng ngiti at tango bago hawakan ang kamay ko.

Aki leads the way, may pa talon-talon pa. Her hair in pigtails are adorably bouncing with her bangs na siya mismo ang gumupit. When we passed at the guard house eh hindi niya nakalimutang magpaalam kay Sir Ben, ang security guard ng buong kindergarten.

"Bye bye, Selbeyn (Sir Ben)!" Bati ni Aki na sinamahan niya pa ng pagbow at pagmano.

"Hay, naku ang batang ito ay uuwi na. Bye bye Aki liit!" Yumukod at saka nginitian pabalik ni Sir Ben si Aki, na bumubungisngis pa dahil ginaya ni Sir Ben ang pagyukod niya.

"Thank you po, Sir Ben. Una na po kami!" Nagpaalam na rin ako at bigla na lang nanghila itong si Aki papuntang sasakyan.

Hanggang makarating nga kami ng parking lot ng school ay hila-hila ako ni Aki, masyadong excited 'tong batang 'to ah parang kahapon lang ayaw niyang umuwi at nagpahinto pa sa playground ng subdivision.

Nang maspotan ko 'yong red toyota wigo, na luckily nafully paid ko na last year with all my blood, sweat, and tears—ay kaagad kong pinindot ang susi para maunlock, kanina pa kasi ako tinutulak ni Aki sa pwetan dahil mabagal raw ako maglakad.

"Mommy Chin, lika na dali! Buksan mo na 'yang car tas punta na tayo kay Tito Dal, hinihintay niya na tayo para mag-eat ng food doon kila Mama Lola!"

Napahinto ako sa pagbukas ng pinto ng driver's seat. I hope I just misheard what she said, Aki probably playing games again.

"Aki, uuwi tayo. Yes..." Hinawi ko ang hinahangin kong buhok na tumatama na ngayon sa mata ko, naniningkit rin ang mata naming pareho dahil sa liwanag ng sinag ng araw na siyang mainit rin sa balat.

I faced Aki after I placed my sling bag on the backseat, to get her backpack and put it in there too. Binigay naman niya kaagad ang bag niya but she's pouting right now, namumula na rin ang pisngi niya sa sobrang init at halata nga ito dahil maputi si Aki.

"We can go there naman but not now, okay lang ba?" I asked her, hoping that she will agree.

"Pero I wanna see Tito Dal. I miss him, pati si Mama Lola, even Bong-ju! I miss playing and cuddling Bong-ju!" The brighter her smile, the weaker I get. I can't say no when she's smiling with her crescent eyes, and her rabbit teeth's out.

I was just gonna say yes to her when someone just grabbed the keys away from my hand. Gulat akong nilingon kong sino 'yon, napatabing rin kaagad ako sa mata ko dahil sa sinag ng araw, nakilala ko na lang siya nang marinig ko ang boses niya.

"You will surely see Bong-ju, I'll take you to her." He said while leaning down to pick Aki up.

"Really?!" Aki shouted in excitement. She's even dancing while being in Dal's arm.

"Yeah? You like that?!" at sinabayan pa nga ang excitement ng bata.

"Ikaw? Sama ka?" he asked, I can feel him looking directly to me.

Napalingon kaagad ako sa kaniya. Ako? Sasama? 


Kamu telah mencapai bab terakhir yang dipublikasikan.

⏰ Terakhir diperbarui: Dec 24, 2023 ⏰

Tambahkan cerita ini ke Perpustakaan untuk mendapatkan notifikasi saat ada bab baru!

Greatest AlmostTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang