"Pero ngayon ko gusto eh!" sigaw ko sa kaniya at huminga naman sila nang malalim. Nakapameywang silang dalawa.

"Sige na, maghahanap ako ngayon..." sabay kamot ni Kuya Augustus ng kaniyang noo. Nakasimangot narin ito.

"Ako rin, sasama ako sa Kuya mo para tulungan siyang maghanap."

Alas dos na kasi ng madaling araw at wala nang nakabukas na tindahan dito kaya masyado silang mahihirapan. Napanguso ako at napatango nagpaalam na rin sila Kuya sa akin at ako naman ay hindi na rin makapaghintay.

Tumutulo na ang laway ko eh.

Nang dumating sila kuya ay nakahiwa na rin ito, ramdam ko rin ang pagod nila kaya hindi na ako nagrequest pa.

"Kuya, matulog na kayo at kakain na muna ako..."

"Sige, pwede mo kaming tawagin ng kuya mo, if you need something." Alok nito at ngumiti ako sabay tango. Tatalikod na sana sila ngunit tinawag ko silang dalawa.

"I want to go abroad, Kuya..."

"Hindi mo ba kakausapin si Relius?" tanong ni Kuya Cutler at umiling na lamang ako. "He's waiting for you."

"Hindi ko siya kayang harapin ngayon..."

"Dahil nagseselos ka sa kanilang dalawa ni Lyra tama ba?" segunda naman ni Kuya Augustus at ngumuso na lang ako. "Tss. Silly."

"Ayaw ko na rito..."

"Sure, pero dapat kausap mo siya ng mabuti at masinsinan para naman malaman niyang sa kaniya ang dinadala mo ngayon."

"Hindi na kailangan."

"Okay fine. Kung iyan ang gusto mo..." sagot ni Kuya Cutler at ngumiti at nagpasalamat na sa kanila. Nang umalis silang dalawa ay wala na akong naramdaman pang presensya at nanatiling kumakain ng watermelon.

Hindi ko mapigilang umiyak. I can't deny, I missed him so much but this pain, forever na yatang nandito.

Nagdecide din akong pumunta sa condo no Jerald pero huling naabutan ko ay si Riley na. Mugto na rin ang mata nito.

"Why are you here?" takhang tanong ko sa kaniya.

"Alam kong dadalaw ka rito, kaya pinuntahan kita..." hinawakan niya ang aking braso at iniwas ko naman iyon.

"Don't do this Riley. I know, you don't like me, you just want a revenge."

"M-mahal pa rin kita."

"Pumasok ka nalang muna, mahamog." Alok ko rito at tumango naman ito, naghubad ako ng coat ko at nilagay iyon sa may sofa. "At buntis ka."

"Pano mo nalaman?"

"Mabilis ang balita ngayon..."

"Kung iniisip mo ang sinabi ko sa kuya mo, pwes nagkakamali ka. Si Relius ang ama nito kung iyan ang pinunta mo."

"N-no."

"Pwes ano?" I coldly asked. Umayos siya ng tayo at nabigla ako nang yakapin ako nito, ngumiti nang makalayo. I'm too stunned to speak. "Bakit mo ko niyakap?" tanong ko sa kaniya.

"Uhm... hindi mo ba muna ako patutuluyin?" tanong nito at bumuntong hininga na lamang ako sa kaniya sabay tango na lang din.

"Now, say it."

"Pakape naman diyan oh..." umirap na lang ako. Hindi na lang din ako nagreklamo at pinagtimpla ito. Nagsimula namang magkwento si Riley ng buhay niya habang wala ako.

"So... m-minahal mo nga si Kuya habang wala ako nuon?" tanong niya sa akin.

"R-riley..."

"J-just answer me, please... I want to hear it from you... from you mouth..." sambit nito at huminga na lamang ako ng malalim. "Alam mo ba, mahal na mahal kita kahit nasa ibang bansa pa ako at duon pa ako nag-aaral, I-I'm so mad at you for loving another man at ang masaklap... Kuya ko pa..."

To be married with (De Viola #3)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora