Escaping The Sun's Warmth

2 0 0
                                    

My life is a total mess right now. How will I able to escape these responsibilities? I feel like all of the decisions I've made weren't clear from the start, but do I regret it? No.
Why would I when my life was in the same situation as my thoughts and decisions? Parehong magulo.

"Amaya! Pa timpla muna ng gatas ang kapatid mo, please!" Rinig kong sigaw ni mama galing sa kwarta nila. Nasa sala ako ngayon at kasalukuyang gumagawa ng mga assignments. I sighed before standing up. I felt and heard my bones cracking as I slowly stood up. I sat for three whole fucking hours doing my homeworks and yet, hindi parin tapos!

Diretso akong pumunta sa kusina para itimpla ng gatas ang kapatid ko. Nakita ko siyang nakaupo sa dining chair namin at humihikab pa. Sigurado akong alas otso na sapagkat ito ang oras na kadalasan 'tong nagigising. Kumuha ako ng pakete ng gatas sa pantry namin at ito sa kalahating mainit at maligamgam na tubig.

"Oh, inumin mo na habang mainit init pa. There's some bread sa table." Sabi ko bago naglakad pabalik sa sala.

"Tatapusin ko na talaga 'to ngayon," Desididong saad ko. I should be productive in order to finish this loads of stress. Napag isipan kong lumabas na muna ng bahay at maglakad lakad sa labas para naman makalanghap ako ng sariwang hangin.

Paglabas ko ay bumungad kaagad ang mga aso kong sina Tobi, Cookie, at Waffle. I patted each of their heads and started running for them to chase me. Nang mapagod ako kakapahabol sa mga aso ko, I started panting.

"Wow," I said in disbelief. I saw that man who literally almost killed me yesterday. Nagmamadali na kasi ako kahapon kasi late na ako sa school at sakto namang mabilis ang pag alis niya habang nagmamaneho ng sasakyan kaya muntik muntikan na niya akong mabangga. I glared at him but I guess he didn't see me since he hadn't glimpse at my direction. Mukhang nagmamadali siya papunta sa garahe nila kasi patakbo na siya kung maglakad.

Nagulat nalang ako nang tumakbo si Waffle sa direksyon ng lalaki at nag tatatahol. Sumunod din sina Tobi at Cookie sakanya.

"Waffle!" At siyempre, hindi siya nakinig. Hays, ayos. I sighed heavily as I tried catching up with the dogs. Dinadaga na ang puso ko kakahabol sakanila. Lintik na nga aso ba!

"Oh," He said when Waffle and the other dogs barked and started threatening the guy. Kaya sila ganito kasi mga guard dog sila, lalo na 'tong si Waffle kasi siya ang pinakamatanda sa kanilang tatlo. Bukod sa pinakamatanda, siya rin ang pinakamakulit sa mga kilala niya at pinaka agressibo sa mga baguhan na 'di niya pa gaano kakilala.

I kneeled down infront of Waffle and Cookie beside him, I tried patting Waffle's head for her to calm down and she did. Thankfully.

I shifted my eyes to the man infront of me. I was surprised when he also knelt down to pat the other dogs' heads. Cookie immediately laid down for a belly rub while Tobi tried reaching the man's shoulder by jumping at him.

Huli na nang marealize kong naka formal attire siya. Nadumihan ni Tobi 'yung balikat niya!

"Oh my gosh! Tobi, baba!" Agad kong binuhat si Kobi at tuluyang tumayo. Mabuti na nga lang at maamo 'tong asong 'to at hindi nagpupumiglas sa paglakabuhat ko.

Nang tumayo ako ay tumayo din ang lalaki. Ngayon ay nakaharap kami sa isa't isa. He stared at me and I gave him an apologic look.

"Sorry," Saad ko.

He nodded. "No worries,"

"May pupuntahan ka bang importante? Sorry talaga sa damit mo. Nadumihan tuloy. Bigay mo nalang sa'kin, lalabhan ko," Sunod sunod na sambit ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 07, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Escaping The Sun's Warmth Where stories live. Discover now