PART 1

66 1 7
                                    

PHILIPPINES


Andito na kami sa airport ngayon. Lahat na kami ay sabay sabay nang pumasok sa loob at nag aantay na lang kami ngayon na mag open ang gate kung saan kami designated. Yes tapos na namin na pa check in ang mga bagages namin. Habang nag aantay ay tinawagan muna namin si Chocol para sabihan na nasa airport na kami.




"Par waiting na lang kami for boarding. See you later. Tawagan ka namin ulit mamaya pag land ing na." Sabi ko sa kanya.




"Okay par. Safe flight para sa inyo." Pa alala niya sa amin.




Ini end call ko na dahil tinawag na din nang fight attendant ang flight number namin. Boarding na kami. See you in a bit Philippines.





Halatang excited ang lahat pero dahil may mga sit number na kami ay hindi na kami pwedeng mamili kung sino ang makakatabi namin. Pwera na lang kung bakante ang upoan.




Sa side ako malapit sa bintana. Ako lang din mag isa sa isle ko kaya swerte. Kinuha ko ang earphone ko at nag ikinonect sa phone ko para makinig nang music. Pa take off na din ang plane kaya nilagay ko na sa tenga ko ang earphone at pumikit. Plano kong matulog buong byahe.





Nag lalayag ang isip ko habang naka pikit ayaw pa makisama nang mata ko hinayaan ko na lang. Na alala ko ang sinabi ni Maya sa akin bago sila umuwi nang Pilipinas. What i feel for her is not platonic. I knew myself but what can i do if she does'nt feel the same way as mine. Hindi ko na ipipilit pa yun. Masakit pero kaya ko namang tanggapin.





Na putol ako sa pag iisip nang maramdaman kong may naka titig sa akin. Nilingon ko kung saan nang galing ang titig na iyon at agad ko namang nakita kung sino. Naka tayo siya malapit sa upuan ko. Ngumiti siya sa akin bagi mag salita.




"Hi i'm sorry to disturb you but is this seat taken? Can i sit here if it's vacant?" Tanong niya sa akin nang naka ngiti pa rin.





Tumitig ako sa kanya. Ang ganda niya lalo na pag naka ngiti pero yung mga mata niya makikita doon ang lungkot. Na tauhan ako nang mag hi siya ulit sakin. Agad kong tinanggal ang earphone at sinagot siya.





"Oh sorry bout that. Yes it's vacant you may sit now." Sagot ko sa kanya at ngumiti rin. Nag thank you naman siya saka umupo.




Binalik ko na lang ang earphone ko at pumikit ulit. Hindi naman ako maka tulog dahil sa presense nang babaeng katabi ko. Ang ganda na nga ang bango pa. Nilingon ko siya at nakita kong naka pikit din siya. Tinitigan ko lang siya na para bang hindi masama ang ginagawa ko. I know staring someone you don't know is rude pero ewan ko ba.





Dahan dahan siyang nag mulat at agad ko naman binaling sa bintana ang ang paningin ko bago niya pa ako mahuli. Ang sakit sa leeg nang pagkaka baling ko shit. ang bilis nun. HAHAHA.





Pansin kong nag pa linga linga naman siya. Hinanap ata yung matang naka titig sa kanya kanina. Nilingon ko siya at nag tagpo ang mga mata namin.





"Ayy sorry. Ang likot ko ba? Ayy mali ano ba english nang malikot jusko naman na ubos na ata kanina baon kong english." She murmured.





"No it's okay. Yes i can understand tagalog naman so you don't have to worry" Sabi ko sabay ngiti na ikinagulat niya.





"Wow marunong kang mag tagalog. Ang galing naman. Akala ko mapapalaban ako sa englishan eh. Hehehe. By the way i'm Daniella "Dani" for short." Pakilala niya sa akin




"Im Heachi but you can call me Chi." Sagot ko sabay abot nang kamay ko sa kanya at tinanggap niya naman yun at naki pag kamay.





Nawala ang ilang naming dalawa sa mga sumunod na oras. Madami kaming napag kwentohan at na i kwento niya nga sa akin kung bakit malungkot siya. Nakikita ko talaga sa mga mata niya ang lungkot kahit pa naka ngiti siya.





She told me that her contract ended. She's also a factory worker in South Korea. She's hoping din na sana ay tawagan siya nang employer niya ulit at sabihing renewed ang contract niya.





Ang daldal niya promise pero hindi naman yung daldal na nakaka irita. She's also kalog kaya hindi naging boring ang biyahe namin. Hindi man na sunod ang plano kong matulog pero atleast hindi ako na bored buong biyahe.





We landed safe and sound. Welcome to Philippines again. Unang nag paalam si Dani sa akin. Na una din siyang lumabas dahil inantay ko pang matapos sa pag kuha nang mga hand carry bag ang mga kaibigan ko.





Nang maka labas sa eroplano ay dumiretso na kami doon sa kuhanan nang mga maleta. Nakita naman na may kausap si Yeni sa phone. Si Chocol siguro sumenyas kasi si Yeni sa akin na parang nag aantay na sina Chocol at Mico sa amin sa labas kaya nag madali na din kami.





Kinuha ko naman ang phone ko at pinatay ang music neto nang may na alala ako.




"Shit ang tanga mo Chi di mo man lang kinuha ang number ni Dani." Kausap ko sarili ko at na tampal ko pa ang noo ko.




Hindi ko naman namalayan na naka lapit na pala si Yeni sa akin.




"Na pano ka par? Para kang tanga jan tinatampal mo noo mo. May naka limutan ka ba sa loob nang eroplano?" Tanong niya sa akin.





"Oo par may naka limutan ako pero wala doon sa eroplano tsk." Sagot ko sa kanya.





"Ha? Ano ba naka limutan mo? Panty ko ba? Bili na lang tayo sa mall bukas wag ka na muna mag panty mamaya." Pang aasar niya sa akin.





"Gago ka ba par? Lahat na kakalimutan ko wag lang panty ko uii. Lol." Balik ko sa kanya.





"Oh eh ano nga yung naka limutan mo at mukhang inis na inis ka sa sarili mo." Tanong niya ulit sa akin.





"Nakita mo ba yung babaeng tumabi sa akin kanina sa upuan? Naka limutan kong hingin ang number niya. Taena talaga." Sagot ko sa kanya na iinis talaga ko sa sarili ko. Bat ko ba kasi nakalimutan.





"Ayy jusko po babae lang pala. Eh ang tanong alam ko ba ang pangalan niya?" Tanong ulit niya sa akin habang nag aabang sa mga maleta namin




"Oo alam ko pangalan niya. Pangalan niya lang din ang alam ko walang apilyedo." Sagot ko sa kanya.





"Oh eh alam mo naman pala edi i search mo." Sagot niya na parang ang dali dali naman na gawin yun.






"Sa dami rami nang Daniella sa buong mundo par pano ko yun makikita? Iisa isahin ko eh puputi na lang buhok ko hindi ko pa siya makikita." Buryong sagot ko sa kanya.





"Oh eh ayun lang. Problema mo naman yan par ikaw na lang ang mag solve ha." Sabay tapik sa akin at inabot niya na ang huling bagahe na inaantay namin.





Habang tulak tulak ang trolly ay si Dani pa rin ang iniisip ko. Tsk. Di na ata ma wala sa isip ko yung babaeng yun. Lord siya na ipapalit mo kay Maya? Siya na ba yung para sa akin? Tatanggapin ko po nang buong buo at maluwag sa aking dibdib. Bigyan mo lang po ako nang sign. HAHAHA

CAPTURED LOVEWhere stories live. Discover now