CHAPTER TWELVE

Start bij het begin
                                    

"I missed you more, Rylie."

"Una na kami. Paki-ingatan si Katy," Sabi ni Justin at pumunta na kami sa kotse.

Binuksan ko yung pintuan sa likod... Uupo sana akong backseat pero pinigilan ako ni Justin.

"Ano ako? Driver mo? Sa harap ka umupo," Pagkasabi ni Justin nun, binuksan niya yung pinto sa harap at pumunta sa isang side para umupo sa driver's seat. Nag sigh na lang ako. Narinig kong may tumawa. Hala, sino yun?

Natakot ako kaya agad agad kong sinara yung pinto at sumakay sa harapan.

Sino ba yung tumawa na yun?

"Ba't parang takot na takot ka? Wag kang mag-alala, hindi kita aanuhin." Pinaandar na niya yung sasakyan, "Seatbelt." Sinuot ko na yung seatbelt. Arte talaga nito.

After 2 hours, walang nagsasalita sa amin. Medyo lang? Like, saan yung hospital? Yun lang ata eh. Shet, ang awkward talaga. Di ko kinakaya! >.

"HIHIHIHI!" May tumawa na naman. Anak ng pating, ayoko na!!!

"SINO YUN?!" Sabay naming tinanong ni Justin. Sht! Hininto ni Justin yung sasakyan sa may gilid at saktong nag ring yung phone ko kaya "AY BUTIKI!" Ayoko na!!! Natatakot na ko!

Nagulat na lang ako kasi tawang tawa siya sa reaction ko. Okay fine, obvious na takot na takot na ako. Bwisit, sino ba yung tumatawa na yun?! Ayoko sagutin yung tawag kasi hello, 3AM na! Hindi din naka-insert yung number ng tumatawag. Tae na yan, naiiyak na ko.

"Why don't you answer it?" Tanong niya. Pinipigilan niyang ngumiti!

"Eh di ikaw sumagot!" Sigaw ko sabay abot ng phone ko sa kanya.

"Why would I answer it? It's not my phone. Mamaya manliligaw mo pa yan e," Namula ako sa sinabi niya. Paano ba naman kasi, wrong timing!

"Umayos ka nga!" Sabi ko at tumigil na mag ring phone ko.

Ilang seconds lang, phone naman niya yung nagriring.

"AYOKO NA DITO, BALIK NA TAYO!" Sigaw ko kaya tawang tawa na naman siya. Ano bang nakakatawa? Porkit matapang siya at duwag ako, ganito na? Bwisit lang?

"You answer it." Sabi naman niya sabay abot ng phone niya sa akin.

"AYOKO NGA! BAKA MAMAYA ISA PA YAN SA MGA BABAE MO!"

"And so? Are you jealous?" He smirked.

"Kapal mo. Ayusin mo nga, sagutin mo na! Ang dilim ng daan oh, creepy!!!"

"Okay okay, chill." Sabi niya sabay sagot ng phone. Oh Lord.

"Yes?.... What?! NO!.... Seriously?.... Wala, ewan ko... Sht baka siya nga..." Tumingon siya sa likod ng sasakyan anak ng kalabaw, "Yes, I'm sure... He's here...Oo nga, oo nga..."

TANGINA, SINO YUNG NANDITO EH KAMING DALAWA LANG NAMAN YUNG TAO SA LOOB NG VAN?! OMG LANG!!! T________T

"Wag kang paranoid... Yes, I'll take care of him, don't worry." Sabi ulit niya saka niya binaba yung phone. Kinakabahan na ako.

"Sino yun? Bakit daw?" Tanong ko.

"Si Aisha, hinahanap si Ryan." Sabi niya at na-gets ko naman agad. SIYA YUNG BATANG TUMATAWA KANINA PA, HAYOP NA YAN!

"Alam mo ba Rylie, may multo sa likod ng sasakyan..." Sabi ni Justin.

"WAAAAAAAAA!" Sabay kami ni Ryan na napasigaw. Tae, natakot din ako! Si Ryan naman, agad pumunta sa harap. Binuhat ko naman siya kaya nakakandong na siya ngayon sa lap ko. Nakahug siya ngayon sa akin.

Nag smile lang si Justin at pinipigilan pa din niya yung tawa niya.

Ang saya saya siguro niyang natatakot ako.

Okay naman kami e, okay lang talaga hanggang sa naging awkward ang lahat nang tinanong kami ni Ryan:

"Auntie Ry, you love Tito Justin?"

O_O

Hopeless Romantic 2: Bitter (PUBLISHED UNDER POP FICTION)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu