11-20

67.2K 1.3K 151
                                    

Entry 11

Wala akong ibang ginagawa ngayong bakasyon kundi magbasa lang ng magbasa. Minsan uutusan ako ng mama ko na maglinis o kaya naman bumili ng kung anu-ano. Madalas nga din akong masabihang buhay baboy. Ayaw ko naman lumabas kasi sobrang init. Hay summer! Sana Saturday na para makita ko na si crush.

Entry 12

Madaling araw na pero nagsusulat pa din ako. Tinawagan kasi ako ni crush kanina. Magdamag kaming magkausap. Hindi ko alam kung anong trip niya. Hindi tuloy ako makatulog ngayon. Sabi niya nga pala saakin na gusto lang niya ako kausap ngayon. Actually nung una conference kami. Kasama si friend saka yung boyfriend niya. OO! May boyfriend na yung friend ko. Kasasagot lang niya kahapon haha. Buti pa siya. Ako kaya? Kelan?

Entry 13

Saturday na bukas! Kailangan matulog ng maaga!

Entry 14

Heyaaaaa Diary! Naiirita ako! SInampal ako nung ex ni crush. Muntanga. Edi sinampal ko din! Pero hindi ko pa din alam kung bakit. Nananahimik ako sa tabi dahil hinihintay ko mga kaibigan ko pero hayun siya nanunugod bigla. Buhay nga naman.

Entry 15

Diary! Heto na siguro ang pinakamabang isusulat ko. Nagsorry saakin si crush kanina dahil sa ginawa ng ex niya. Hindi ko nga alam kung bakit siya ang nagsosorry. Siguro dahil mahal na mahal niya talaga yung ex niya. Sabi saakin kanina nagseselos daw yung ex niya saakin. Aba! Hindi naman sila para magselos yung babae na yun a. Kapal naman ng mukha niya. Pero anyway, okay na. Mukhang mahal din naman kasi niya si crush kaya ganun nalang kung makareact e. Pero kasalanan naman kasi niya kaya hwag niya binibintang saakin. Saka kaibigan ko lang naman si crush. Hindi naman kami nagliligawan. Though napapadalas pag-uusap namin pero kahit pa hindi pa din kami nagliligawan.

Entry 16

Dahil preoccupied ako kahapon nakalimutan kong isulat na sobrang saya nung outing naming magkakaibigan. Except sa nagsorry saakin si crush dahil sa ginawa ni ex niya pero hayaan na. Masaya naman e. Bale anim kaming nagpunta sa beach plus two so eight. Kasama namin syempre yung parents ni friend. Underage pa kasi kami kaya di pwedeng walang chaperon.  Hanggang ngayon nandito pa din naman kami.Wala nga palang abs si crush pero dyahe! Yung kaibigan kasi niya may abs! nakakalaway! JOKE! Nag-g-gym daw yun sabi. Pero anyway, hindi kami close nun.  

Entry 17

Malapit na birthday ko. Malapit na ang May. Pero ang buhay ko paulit-ulit! Haha. Kain tulog nanaman ako ngayon. Si friend nagpunta ng ibang bansa. Si crush umuwi ng probinsya. Ako heto tengga.

Entry 18

Nawala ko yung cellphone ko. Tanga lang. Sana regaluhan akong cellphone. Yung bagong model naman. Dumating na sila crush at friend. 2 weeks din sila nawala a.

Entry 19

Ang saya ng birthday ko! hihi! Malandi e! hinalikan ako sa pisngi! Si Crush kasi makapagpakilig wagas! Akala tuloy nila mama boyfriend ko siya. Bale pag nanligaw siya,  sige boboyprenin ko na! JOKE! Hay buhay. FRIENDZONED.

Entry 20

Sinabi ko sa kaibigan ko na parang mahal ko na yata si crush. Lahat naman daw nai-in love kay crush. Iwasan ko nalang daw kung ayaw ko masaktan. Friendzoned daw talaga.

Binasa ko ang buong diary ko. Napansin ko na wala pala talagang pangalan mga nilalagay ko. Ayos na yan para kapag pinakialaman nila diary ko hindi nila alam kung sino mga tinutukoy ko. Bihira din pala ako magsulat. Nice.

Pero mahal ko na nga yata siya.

LOST DIARY (Ang Diary the Explorer)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon