He looked at me unbelievably.

"I'm sorry if I ruined your party. I'm sorry if I hurt you. But this will be the last, Rivers. I'm sorry and.. happy birthday." I tried so hard to say it loud and clear until the very last word before I turned around to run away from him.

Pinigilan ko ang sariling lingunin siya sa takot na kung makita ko ang itsura niya ay baka bumalik ako at hindi na umalis pa.

I'm so bad for doing this to him on his birthday. At na-realize ko na sinira ko na nga ang Pasko niya at hindi pa ako nakunteto't sinira ko rin ang araw ng kaarawan niya.

I hope he forgives me someday. And if not..I hope he won't resent me for giving him this kind of heartbreak. I hope he meets someone else who can love him properly. I hope he meets a woman who is right for him.

Hindi ko na alam kung anong nangyari sa party niya pagkatapos. Sising-sisi ako na pumunta pa ako. At inasahan ko na rin ang mga panghuhusga na matatanggap ko sa school pagkatapos ng araw na iyon.

Pagpasok ko palang sa gate ay pinagtitinginan na ako ng mga estudyante sa hallway. Kitang-kita ko kung paano sila magbulungan at kahit hindi ko naririnig ay alam kong ako ang pinag-uusapan.

Yumuko ako at tahimik na naglakad patungo sa unang klase ko. Halos sabay-sabay akong nilingon ng mga kaklase pagpasok pero pinilit kong huwag na iyong pansinin. Umupo ako at tiniis ang lahat, sa pag-aakalang huhupa rin naman iyon pagdating ng professor. Pero kahit yata nasa kalagitnaan ng discussion ay nararamdaman ko ang paninitig ng mga kaklase ko at naririnig ang ilang bulungan.

"She ruined Rivers's birthday party. I heard that he didn't come back after he left with her."

"I can't believe that Rivers likes this girl."

"Yeah, right? She probably charmed him."

Kinagat ko nang mariin ang labi ko nang narinig iyon sa ikalawang klase ko sa umaga.

Lalong nadagdagan ang guilt na nararamdaman ko dahil sa narinig. Hindi na siya bumalik sa party pagkatapos kong umalis. And where did he go? Where did he spend the rest of his birthday? Ang sakit sakit ng puso ko. Halos wala akong maintindihan sa mga discussion dahil namamanhid na ako sa sakit.

"A, are you okay?"

Napakurap ako nang biglang nakita si Shaun sa harapan ko, hapon ng araw iyon.

Napatingin ako sa paligid at nakitang tapos na ang klase namin. Agad akong napaupo nang tuwid. Halos nawala sa isip ko na kaklase ko siya rito. Wala ako sa sarili buong araw.

He sighed before he sat beside me. Pinigilan niya ako sa pag-aayos ng mga gamit ko sa bag kaya napilitan akong tignan siya.

"I'm sorry that this is happening.."

Ang tagal ko siyang tinitigan. Akala ko galit din siya sa akin. Akala ko hindi na rin niya ako kakausapin.

"I'm sorry that I didn't reach out. Casidy is so broke, I didn't know what to do."

Malungkot akong ngumiti. "How is she? I'm so sorry, hindi ko sinasadya, Shaun. Hindi ko rin gusto ang mga nangyari.."

Umiling siya at pinunasan ang luha ko. Ni hindi ko alam na umiiyak na pala ako.

"It's not your fault. Please, don't blame yourself. Casidy will realize it soon. She treats you as her sister and I know she will eventually realize that what you have is bigger than what happened. Just give her time, she's hurting. Give yourself time too, please stop blaming yourself."

"How is she? I'm so sorry, hindi dapat iyon sinabi ni Rivers. He promised me he won't tell anyone. I'm so sorry.."

He sighed. "It's only right that she found out. Who knows what else can her parents do? They need to learn how to love her right. And..she's in our house. Hindi siya pumasok ngayon."

A Work of Art (Completed)Where stories live. Discover now