Wala, sabi ko na lang sabay ang pilit na ngiti. Thank you, Trevor. Sobra kong na-appreciate lahat ng efforts mo. Yumuko ako at kunwari tinitingnan ang mga kubyertos para hindi halata ang pamumuo ng mga luha ko. God knows how thankful I am because He gave me such a kind man in my life. Gusto ko pa nga sanang humiling na sana rito ka na lang palagi sa tabi ko—

Im always here for you no matter what happen, Andriana. I am not Genie but I will grant all your wishes, my love. Inabot pa niya ang kanang kamay ko.

Pilit na lang akong ngumiti saka nag-angat ng tingin sa kanya at tumango-tango bilang sang-ayon. I dont want to ruin this night kasi alam kong napaka-special ito para sa kanya but how about the one whos waiting for him? I dont want to be selfish in this situation.

Lets eat? aniya at tumango naman ako. Binigyan niya ako ng pagkain at pinaghiwa pa ako ng steak. He even gives me a half glass of wine kaya tinikman ko kaagad. Say ah? aniya at utumatiko na lang akong napanganga nang nasa tapat na ng bibig ko ang maliit na hiwa ng steak.

Say ah, sabi ko rin at binuksan naman niya ang kanyang bibig. Medyo Malaki ang hiwa ng steak ang naisubo ko sa kanya kaya parihas kaming natawa nang muntik na siyang mabilaukan. Im sorry.

Habang tumatakbo ang oras at mas lumalim na ang gabi ay kitang-kita talaga ang napakagandang mga bituin sa kalangitan. Napakapayapa ng paligid at ang lamig ng simoy ng hangin. Napaigtad nga lang ako nang bigla niya akong yakapin mula sa likod. Iyong tipong hindi kami nag-uusap pero alam namin kung ano ang pinag-uusapan ng puso namin.

Kung sakaling babalik ka sa mundo ninyo, magkikita pa ba kaya tayong muli? wika ko at narinig ko pa ang mahinang tawa niya.

Ayokong bumalik doon. Pero kung babalik ako roon, isasama naman kita, sagot pa niya at mas lalo pang hinigpitan ang yakap. Ayokong mawalay sa iyo. Tutuparin ko pa iyong pangako kong sasamahan kita kahit anong mangyari.

Paano kung may isang importanteng dahilan para bumalik ka roon?

Pasinghal pa siyang natawa. Ano naman iyon?

Pilit kong pinigilan ang mga luha kong kanina pa gustong lumabas. Ayokong umiyak dahil paniguradong magdududa siya. Ayokong ipahalata sa kanya ang kalungkutang nararamdaman ko. Kapag naaalala ko iyong mga sinasabi ng mga babae kanina sa Cafeteria ay parang may bagay na tumusok sa puso ko.

FLASHBACK

Habang nakikinig sa tsismis nila ay kunwari iniinom ko ang iced tea ko para hindi masyadong hatala. Gusto ko kasing marinig kung ano na ang nangyayari sa buhay na naiwan ni Trevor doon.

Celeste, naaawa talaga ako kay Trevor. Paano kung hindi siya magigising? Paano na ang anak niya? wika ng isa na siyang ikinagugulat ko at muntik pa akong mabilaukan.

Kaya nga. Noong una, nagagalit ako kay Alisha dahil akala ko malandi siya pero iyon pala hindi. Ayaw lang niya na malaman ng parents niya na buntis siya sa anak nila ni Trevor.

Si Jake naman kasi eh, nangingialam pa. Bina-blackmail pa si Alisha na kapag hindi niya hihiwalayan si Trevor ay isusumbong siya nito sa kanyang parents tungkol sa pagbubuntis. Knowing na sobrang obsess niya kay Alisha kaya ginawa niya rin iyon. Sobra talaga akong nanggigil kay Jake, gusto ko siyang patayin.

Mabuti na lang talaga at nalaman ng ate ni Trevor na buntis si Alisha. Sobrang saya ko nang tanggap nila ang bata at si Alisha, iyon nga lang ang problema ay kalian magigising si Trevor mula sa pagka-coma?

END OF FLASHBACK

Hindi ko alam kung ano ang plano ng tadhana natin. But I am always praying na sana ikaw na lang. Na sana tayo na lang ang pagsamahin ni God hanggang sa huli. Hindi ko pinagsisihan na mapunta ako sa mundo ninyo. I considered it a blessing—youre the blessing, Andriana. Naramdaman ko pa ang paghigpit pa niya lalo ng yakap. Hindi na ako nagsalita pa at pumikit na lang ako. Pinapahalagahan ko na lang ang oras na kayakap ko siya—na nahahawakan ko pa siya. Babe, look! May shooting stars sa itaas!

Awtomatiko naman akong napamulat at napatingala sa maningning na kalangitan. Tama nga siya at may mga shooting stars ngang dumadaan. Make a wish, Trevor.

I wish that I could spend my whole life to girl that I love the most. Make a happy family with her, aniya saka naramdaman ko ang mainit at madamdaming halik sa sentido ko. Ikaw, anong wish mo? tanong pa niya sa akin at tila excited na malaman kung anong hiling ko.

Hindi ko siya sinagot at sa halip ay pumikit lang ako para humiling ng tahimik. Sana nga maging masaya ako sa naging hiling ko kung sakaling magkatotoo ito. Sana makakaya ko kung anong magiging resulta nito. Sana maging masaya kami pareho sa naging desisyon ko. Sana maiintindihan niya ako.

Hindi mo na kailangang marinig ang wish ko. Para sa ating dalawa rin naman iyon, sabi ko na lang dahil naghihintay talaga siyang sasabihin ko ito.

Okay, sang-ayon naman niya at binigyan ako ng ngiti. Ngiting paniguradong mami-miss ko sa susunod na araw.

Masyado nang lumalim ang gabi kaya napagpasyahan na naming umuwi. We even take a pictures bago namin iiwan ang lugar. Cellphone ko lang ginamit namin para may maiwan akong ala-ala niya. Kahit ngayong nasa byahe kami pauwi ay ayokong bitiwan ang kanyang kamay. Gusto ko siyang hawakan at damhin iyong pagmamahal na ibinigay niya sa akin.

Trevor, can you do me a favor? tanong ko sa kanya nang makarating kami rito sa bahay.

What is it, babe? Hinawi pa niya ang ilang hibla ng buhok ko.

Pwedengpwedeng sa kwarto ko na lang ikaw matutulog? Nagdadalawang-isip pa ako pero iyon naman talaga ang gusto ko.

Bakit? May problema ba?

Wala naman. Gusto ko lang, sabi ko at binigyan pa niya ako ng nang-aasar na tingin na may kasamang ngiti. Kung ano man iyang nasa kukuti mo ngayon, hindi iyan totoo.

Eh bakit nga? pangungulit pa niya.

Gusto lang kitang yakapin, paliwanag ko pa.

Yakap lang?

I rolled my eyes dahil parang inaasar na ako. Kung ayaw mo, eh di wag na lang.

Joke lang. Ito naman. Ginugulo pa niya ang buhok ko. Anything for you, sabi ko nga hindi ba?"

Napangiti ako pero iyong puso ko—hindi kayang ngumiti. Iyong pinapakita ko sa kanya ay kabaliktaran sa kung ano ang nararamdaman ko. Ayokong matulog ngayong gabi. Ayokong pumikit kahit isang segundo dahil natatakot ako na baka pagdilat ko, wala na siya. Baka iniwan na niya ako.

Matulog ka na, bulong pa niya pero umiiling-iling lang ako habang nakayakap sa kanya. Inaantok na ko. Sige na, matulog na tayo.

Tumango ako pero hindi ako pumipikit. Pinagmasdan ko lang ang mukha niya na parang sinasaulo ko lahat ng detalye. Kung ilang sukat ang ilong niya. Kung gaano kahaba ang pilik-mata niya. Kung gaano kakapal ang kanyang kilay. Kung gaano kakinis ang mukha niya at kung gaano kapula ang mga labi niya.

Sana makasama ko pa siya hanggang bukas ng umaga bago siya makabalik sa mundo nila.

Biglang nanumbalik ang hiling ko kanina at natatakot sa katotohanang malapit nang magmadaling-araw. Sana hindi ganoon ang hiniling ko. Sana sinabi ko na lang na hanggang sa mga susunod na araw na lang. Sana pwede ko bang bawiin ang hiling ko na iyon.

Hidden PagesWhere stories live. Discover now