"salamat po ma'am" pagpapasalamat ko sa nag order matapos nya e bigay ang bayad saakin.
Inayos ko ang sarili dahil may dalawa pa akong hahatiran ng delivery.
Medyo napagod ako ngayung araw dahil wala na akong ibang nagawa kundi ang mag byahe sa subrang dami ng order.
Sinuot ko na ang helmet bago sumakay, nagsimula na akong mag byahe at tinitignan ang cellphone dahil naka locate doon ang lugar.
Nang medyo malapit na ay huminga muna ako ng malalim at nag park, nang makababa na ay kinuha ko na ang order nito sa box.
"delivery po!" sigaw ko habang nagkakatok sa pinto mga ilang sigundo pa bago ito lumabas.
Ngumiti ako at dahan dahan na ibinigay yun sakanya, may kinuha naman siya sa Wallet nya kaya inaantay ko ito, malamang naman at aalis nako agad at di kukunin ang bayad masyado siyang maswerte ngayung araw.
"here" nakangiting sabi nya at inabot saakin ang pera.
Binilang ko muna baka kulang naninigurado lang, ng mapagtantong sakto ang binayad nya ay binigyan ko muna ito ng matamis na ngiti bago tumalikod.
"hay isa nalang!" masayang sambit ko sa hangin.
Bumalik na ako sa motor at nagsimulang mag manihero, itong last order medyo malayo dito kaya ilang minuto pa bago ako makakarating.
Mga ilang minuto pa ay nandito na ako sa lugar kung saan ibinigay na location ng nag order.
Madaming bahay dito kaya nagtataka akong hinanap kung saan.
Naisipan ko nalang na tawagan kita magtangätangâhan dito.
*ring*
[hello sir, nandito na po yung order nyo sa mcdo anong number ng pinto nyo sir?] tanong ko sa kabilang linya.
[107, katukin mo lang] sagot nito.
Napangiwi naman ako, "tsk pwede naman siyang lumabas" mataray na wika ko.
Suot suot ko pa ang helmet kahit ang init kung tignan, ibibigay ko lang naman ung order at aalis na rin naman ako.
Sinundan ko ang pinto na number 104 para mahanap ang pintong 107.
Naglakad na akong patungo roon sa pinto.
"tao po! Delivery!" sigaw ko, bigla namang kumalabog ang dibdib ko ng bigla itong buksan.
YOU ARE READING
I'M A DELIVERY DRIVER GIRL
Short StoryI'M A DELIVERY DRIVER GIRL "tao po, delivery!" "ito bayad" inabot sakin ng lalaki ang bayad, napalingon ako sa likod nya ng may magsigawan. "may girlfriend na ang anak ko! At di ikaw, hindi isang clown!" sigaw ng matanda. "who?" taray sabi ng baba...
