Baguette? Baket!

3.8K 130 20
                                    


Ui try nyo iplay yung youtube youtube na buko instrumental na nilagay ko. ito kasi pinakikinggan ko habang tintype ang mga itechiwa. sige na ohh papakinggan lang yan! cheret. :D happy reading! (kung happy telege)



dan dan dan dan!!!

---------------------------------------------


Tanghali na ng magkagising si viceral at agad nyang napagtanto na wala si karylle sa tabi nya. Napahilamos naman sya ng muka dahil hndi tumunog ang alarm nya dahil nasa kabilang kwarto ang telepono nya.



"Ughhh badtrip!" sigaw nya sabay bato ng unan



"Hindi man lang nagpaalam. At sana ginising man lang nya ako bago sya umalis. May trabaho rin ako no!" bulong nitong naiinis




"Nako konti nalang talaga uunatin ko yang buhok mo karylle!!!"



Padabog itong lumabas ng pinto at hndi man lang inayos ang hinigaan. Papasok na sya sa kwarto nya ng may mapansin syang isang itim na babaeng nakatayo sa harap ng pintuan, nanlilisik ang mata nito, at kulay fuchsia pink. (oh yes salamat sa google at naiispell ko rin tong kulay na to sa dami ng attempt na ginawa ko) (AT OPO HORROR NA ITO HNDI NA ROMCOM DAHIL WALANG FOREVER.) CHERET! Back to story na tayo bago pa ako makantahan ng "ang korni ang korni korni korni" DALI !!!




Napansin nya ang kapirasong papel na nakadikit sa pinto at agad nyang binasa

" ASANG ASA SA ALARM TEH? BILISAN MO NA LATE KA NA! ......GOOD MORNING! :) "



Agad naman itong kinuha ni vice at ginumos. Dumirecho na agad sya sa banyo. Napansin ulit nya ang nakadikit na papel sa salamin.

"ALAM KONG KAKALIGTAAN MO NA NAMAN ANG PAG TOOTHBRUSH KAYA NILGAYAN KO NA YAN NG TOOTHPASTE. MAAWA KA NAMAN SA MGA MAKAKAUSAP MO. GUSTO PA NILANG MABUHAY NG MATAGAL"



Napailing lang naman si vice at tila natatawa. Ngunit pinipigil nya lang kasi umaarti sya. Dali dali syang nagtoothbrush at pagkatapos ay naligo na. Pagkalabas nya ay kinuha nya ulit ang sticker note na dinikit ni K para gumusin.... Ng mapansin nyang may nakasulat pa sa likod.

"PS. YUNG TOOTHPASTE PALA NAHULOG YAN SA LABABO. PERO NILAGAY KO NALANG ULIT SA TOOTHBRUSH MO. SAYANG NAMAN. DIBA NGA NAGTITIPID KA?"


"Dugyot rin talaga tong babaeng to" saad nya na may pandidiri sa muka



Di nalang nya pinansin ang toothpaste thingy dahil nagmamadali na sya. Kukuha na sana sya ng damit sa closet ngunit napansin nyang may nakahanda ng damit sa gilid ng kama at may nakasukat.

You'll Pay | ViceRylleWhere stories live. Discover now