Pahina 10

42.6K 639 7
                                    

BEATRICE

Nakapangalumbaba at nagsasalitan lang kami ng tingin ni Andrew sa isa't isa at kay Sandra na nasa harapan namin ngayon. Nandito lang kami sa isang resto na hindi yata uso ang maraming tao. Galawang sosyal aba!

"Hindi mo pa ba kakausapin yan? Mababaliw na yata yan eh?" Biglang ayon ni Andrew na nakapangalumbaba narin.

"Pano ko kakausapin? Ayaw nga yata magsalita nyan." Ayon ko na ngayon ay panay ikot lang ng straw sa juice ko.

"Hayy.. Mahirap kasi yang sitwasyon nya. May gusto sya kay Jeff pero ayaw nyang masaktan yung boyfriend nya. Naku!"

"Wow? Syempre alam mo nga naman yang mga ganyan."

"Tsk! Bea ano ba? Si Sandra nga muna intindihin natin."

"Sus! Tinatakasan mo lang yung topic. What's new nga naman? You're always like that naman eversince—"

"Isa, Beatrice!—"

"Ano ba? Ang ingay nyo! Kayo na ba?" Sabay kaming napalingon ni Andrew sa nagsalitang si Sandra.

"Hindi ah!" Sagot agad nung impaktong Andrew na to.

"Ows? Eh kung umasta kayo parang kayo na."

"Hindi nga daw Sandra. Pwedeng change topic na? Ano ba? Ok ka na ba?" Paningit ko nalang.

Natahimik na naman si Sandra at biglang sinubsob nalang yung mukha nya sa lamesa.

"Hay naku! Hangga't wala kang sinasabi samin, hindi ka talaga namin matutulungan." Ayon ko.

Unti-unting inangat ni Sandra ang mukha nya at tinignan kami na halos mangiyak-ngiyak na yung itchura nya.

"Nasabi ko na kay Terrence."

"What? Oh ano? Anong sinabi nya?" Tanong ko agad.

"Nagalit sya Bea."

"Bruha! Eh sino ba namang di magagalit?"

SANDRA

*Flashback*

Iniwan na kami ni Jeff at kitang kita ko ang galit sa mga mata nyang ang talim kung makatingin. Napapikit nalang ako at humugot ng malalim na paghinga.

"Pasok ka muna dito Hon." Pagyaya ko kay Terrence. Dire-diretcho naman ang pagpasok ni Terrence sa office namin ni Bea.

Pakiramdam ko, ngayon ko na dapat magtapat sakanya.

"Uhm... Ka-kamusta?" Pambungad kong tanong ng maka-upo na si Terrence sa mini sofa. Napapikit ako bigla ng maalala ko yung nangyari ilang sandali lang. Sa mismong upuan na yun.

"Busy ka ba? Let's go out."

"Uhh... Marami kasi akong kailangang tapusin ngayon rin."

"Ganun? Okay. I'll just wait for you."

"Huh? Uhm... Wag na. Matatagalan yata ako—"

"May dapat ba tayong pagusapan, Sandra?"

"Huh?"

Pakiramdam ko ang lamig lamig na ng pawis ko. Malakas ang aircondition pero talagang pinag papawisan ako. Isa lang naman ang dahilan eh. Talagang kinakabahan na ko.

Tumayo si Terrence at agad lumapit sakin. As in malapit na malapit sakin. Para bang ineexamine nya yung buong mukha ko sa sobrang titig nya. Hindi sya mukhang galit, pero hindi rin sya nakangiti. Hindi ko na ngayon mabasa kung ano bang tumatakbo sa isip nya.

"Hmm.. May tinatago ka ba sakin?"

Agad kong tinignan ng diretcho si Terrence at nakita ang seryoso nya parin na mukha. Patay na!

"Say it, Sandra!"

Nanginginig na ko. Naiiyak narin ako pero pag pinatagal ko pa to, mas lalo ko syang masasaktan.

"Terrence. I'm.. I'm really sorry!" Napayuko ako at tuluyan ng naiyak.

"I knew it. Tell me. May iba no? Are you, Are you having an affair with— with your boss?"

Hindi ako nagsalita at unti-unti lang na tumango. Inangat ko ang mukha ko at nakitang nagpipigil ng galit nya si Terrence. Nagulat naman ako ng bigla nyang sinipa yung swivel chair malapit sakanya. Todo pigil sya ng galit nya kaya nakikita kong namumula na yung buong mukha nya.

"Why Sandra? Anong ginawa ko para gawin mo sakin to? I don't even deserve this! I gave you everything! I've waited for you! Tapos.. Tapos.. Sh*t!"

Wala akong nagawa kundi ang umiyak. Natatakot ako sakanya pero ganito naman talaga ang ineexpect ko.

"Tell me! May.. May nangyari na ba sainyo? Hah! Tell me Sandra!" Galit na galit ang boses ni Terrence pero halata ang pagpigil nya sa iyak nya.

"Terrence, S-sorry."

"Damn it!" Biglang sinuntok ni Terrence yung dingding kaya napahagulgol na ko habang inaawat sya.

"Kahit.. Kahit kailan inintindi kita! Kung tutuusin sating dalawa, nasa akin ang possibility na magkaron ng iba kasi hindi mo nabibigay sakin yung pangangailangan ko bilang lalake! Tapos ngayon— Ngayon malalaman ko na sa tinatagal-tagal ng paghihintay ko sayo, may nauna na pala! How could you do this to me Sandra?"

Panay hagulgol lang ako habang galit na galit na talaga si Terrence. Nasaktan ko sya. Pero minahal ko naman talaga sya eh. Mahirap lang talaga labanan yung nararamdaman ko ngayon para naman kay Jeff.

Pinilit ayusin ni Terrence ang sarili nya. Dumeretcho naman sya bigla sa pintuan pero bago nya yun buksan, nilingon nya ulit ako at sinabihan ng mga salitang nagpakaba sakin ng todo.

"This isn't over, Sandra." At tuluyan na syang lumabas.

BEATRICE

"Oh. My. God. This is not good." Gulat kong ayon.

"Ayos din yun ah!" Ayon naman ni Andrew habang umiiling-iling pa.

"Natatakot ako sakanya. Kitang kita ko kasi na sobra ko syang nasaktan." Ayon ni Sandra.

"Teka! Alam na ba to ni Jeff?" Tanong ko.

"Hindi pa. Pero pupunta yun dito kasi sinabi kong nandito ako at kasama kayo. Kaya maya-maya darating na yun."

Natahimik na naman kaming lahat. Nagkakatinginan lang kaming dalawa ni Andrew habang si Sandra, nakasubsob na naman ang mukha sa lamesa.

Napapailing nalang ako sa nangyayari ngayon sa bestfriend ko. She's been through a lot. Hindi na ko nagugulat na nakakaya nya parin lahat kasi si Sandra sya eh! Matapang. Yun lang, kailangan nya parin lagi ng kaalalay, That's why i'm here. We're here for her.

Our Lustful Friendship [SPG]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon