BEAR FAMILY #1 (SCNR)

304 3 0
                                    

BEAR FAMILY (ginobear, cholobeae, obear, archiebear, mommy bear, daddy bear, ft. sky)

"LUMABAS KA DIYAN, BOBO!!"

Nagulantang ang buong pamilya nila Gino nang makarinig sila ng sigaw mula sa labas ng kanilang bahay.

"Sinong pinapalabas sa 'tin?" Tanong 'yan ng daddy bear nila.

"GINO BATUMBAKAL! MAGPAKITA KA SA 'KIN, KUPAL KA!"

Ayan uli ang narinig nila kaya naman nagkatinginan ang magkakapatid.

"GINO! ANO BA! HINDI KA BA LALABAS DIYAN O GUSTO MONG KALADKARIN KITA PALABAS DIYAN!?"

Nagkatinginan silang anim, "Gino bear, ikaw ang hanap. Ba't ka kasi umuutang, ayan tuloy may nagiiskandalo." Wika 'yan ni Obet at tumingin kay Gino na tinaasan siya ng kilay.

"Hindi ako umutang. Hindi ko nga alam kung ano problema niyang naghahanap sa 'kin." Sagot naman ni Gino at saka binitawan ang hawak na kutsara at tinidor.

"Puntahan mo na muna nang tumigil 'yun sa kakatalak." Sabi naman 'yan ni Mommy Bear.

Tumayo na si Gino at saka naglakad palayo.

"Kaboses nung sumisigaw 'yung kaaway palagi ni Gino sa classroom niya." Pahayag naman ni Pocholo.

"Kaaway? Ba't 'di niyo sinabi agad sa 'kin? Wala man lang back up ang anak ko!" Wika ni Daddy Bear at napahawak siya sa ulo. Seryoso siya diyan.

"Langit? Anong ginagawa mo dito? Bawal ang mga pakalat-kalat na hayop sa gabi." Masayang bati ni Gino at talagang hindi tatantanan ang kanyang kaklase.

"Kapal mo. 'Yung research natin! Kailangan nang iprint! Sira printer ko kaya ikaw na magprint!" Sigaw ni Sky Dimagiba. Nagsisigawan silang dalawa kahit magkalapit na.

"Oh ba't kailangan mo pang bulabugin ako dito? Atat ka ata makita ako. Kalmahan mo lang, may bukas pa." Tugon naman ni Gino at saka pinisil ang pisngi ni Sky.

"Aray ko! Ang hangin mo talaga! Wala ng bukas dahil hindi ka na sisikatan pa ng araw kung 'di mo 'ko tutulungan! Nanggigigil ako sa'yong tarantado ka!" Sigaw ni Sky at hinila ang tenga ni Gino.

"Aw! Mommy bear oh! Si Langit inaaway ako!" Sigaw ni Gino na parang bata kaya mas lalong nainis si Sky at ni-head lock pa ito.

Bigla namang sumulpot ang Daddy Bear ni Gino na may dalang walis tambo.

"Anak ko! Huwag kang papatalo! Kiss mo na lang!" Sigaw ni Daddy Bear kaya nakatanggap siya ng kurot kay Mommy Bear.

"Daddy Bear, gusto ko 'yan! Pero sasapakin ako nito 'pag ginawa ko 'yan!" Sigaw naman ni Gino at kinagat ang kamay ni Sky dahilan para makawala siya.

"Aw! Bulldog ka ba!? Ba't nangangagat ka! Kadiri!" Sigaw ni Sky at pinunasan ang kamay.

"Hindi ba natin tutulungan si Gino?" Tanong ni Archie kila Poch.

"Malaki na si Gino, at saka sanay na akong makita 'yang dalawa na ganyan." Sagot naman ni Poch at saka tinignan ang fight of the century sa harapan nila.

"Sanay makita?" tanong naman ni Obet.

"Ah kaklase kasi ni Gino 'yung crush nitong si Poch." Sagot naman ni Archie at ngumisi.

"Crush lang? Hina mo naman, Pocholo!" Pang-aasar ni Obet at nagtutulakan pa sila.

"Pinopormahan ko na eh." wika pa ni Poch kaya naghampasan sila sa kaharutan.

"Si Roxy ba crush mo?" Tanong uli ni Obet kaya sumama ang timpla ni Poch, lalo na 'yung isa.

"Anong Roxy? Hoy, si beautiful eyes kasi tinutukoy ni cholo!" Sagot naman ni Archie at saka hinampas si Obet.

SENIOR HIGH CHATROOM SERIESWhere stories live. Discover now