Chapter 10 - Text

Start from the beginning
                                    

Habang naglalakad ako papunta sa counter ay panay ang paglalakbay ng utak ko.

Scarlet, out of the blue question lang 'yon! Wala lang sigurong maisip na tanong si Kieran!

Crush mo kasi 'yong tao, kaya't nabibigyan mo na ng ibang kahulugan!

Hanggang sa makauwi ako ng staff house ay hindi na mawala sa isip ko ang nangyari.

***

Pahiga na ako sa kama nang tumunog ang text notification tone ng aking cellphone.

Napaangat ang isang kilay ko dahil wala na namang nag-te-text sa akin sa ganitong oras. Alas tres na ng madaling araw.

Kieran: Still awake?

Mabilis na nanlaki ang mga mata ko pagkabasa ko sa bagong dating na mensahe.

What the hell? Bakit nag-text sa 'kin si Kieran?

Nanginginig ang mga daliri ko sa kanang kamay habang tumitipa ako ng reply.

Oo... Bakit Kieran?

Ibinaba ko muna sa side table 'yong cellphone ko. Agad akong napahawak sa aking dibdib.

Pabilis nang pabilis ang tibok ng puso ko sa bawat segundong lumilipas

Mga fifteen minutes na 'yata ang dumadaan ay wala pa akong natatanggap na reply mula kay Kieran.

Mariing napapikit ang mga mata ko sabay sapo ko sa aking noo.

Scarlet, naging hopia ka na naman! Asa ka pa talaga na mag-re-reply pa 'yon!

Sobrang nag-o-overthink na ako nang mga sandaling iyon. Na-i-is-stress na kasi talaga ako sa mga mixed signals na ipinapakita ni Kieran.

Scarlet, baka naman kasi wala naman talagang malisya 'yong mga ipinapakita ni Kieran?

Crush mo nga kasi kaya lahat ng ipinapakita niya ay binibigyan mo ng kakaibang kahulugan.

Nagdesisisyon na akong matulog na lang at huwag ng hintayin pa ang reply ni Kieran.

Ilang segundo ang lumipas nang marinig ko na naman ang text alert tone ng cellphone ko.

Kieran: Nangangamusta lang.

I just shrugged with his reply. Nangangamusta?

Sabi na at naghihintay lang ito ng information tungkol kay Kylie.

Wala pang update Kieran. Hindi pa umuwi sa unit niya si Kylie.

Umayos na ako ng higa pagkasabi ko no'n. Inilapag ko na lang 'yong cellphone sa tabi ko.

Mga after ten seconds ay natanggap ko na agad ang reply niya.

Kieran: Ikaw ang kinakamusta ko. How's work?

Waaaahh!!!

Hindi ko na mapigilan na mapatili nang malakas pagkabasa ko ng text niya.

Napabalikwas tuloy ako ng bangon.

Pero mabilis din akong nakabalik sa ulirat. Parang kanina lang kasi nang magkita kami sa Club DC ay tinanong na rin niya 'yon sa 'kin.

Nalunod na naman ako sa malalim na pag-iisip habang nagtitipa ng reply.

Okay lang naman. Ikaw?

My casual response. Mabilis ko lang ulit natanggap 'yong reply ni Kieran.

Kieran: It's good to hear that. I'm fine too. Mabuti at gising ka pa.

Ako: Oo matutulog na rin sana ako nang mabasa ko 'yong text mo.

Kieran: Pasensya na. Naistorbo yata kita.

Halos maghurumemtado na naman ang puso ko sa sunod-sunod na palitan namin ng mensahe.

Okay lang, Kieran.

Kieran: Alright.

Ilang segundo kong tinitigan ang huling reply na 'yon ni Kieran. Napahigit ako ng isang malalim na buntong hininga. Mukhang dito na magtatapos ang convo naming dalawa.

At siyempre, dahil crush mo siya Scarlet! Papahabain mo pa ang usapan n'yong dalawa!

Maagap akong nag-isip ng iba pang pwedeng itanong sa kanya.

Ikaw Kieran hindi ka pa ba matutulog?

Napatakip ako ng unan sa aking mukha pagka-click ko ng send. What the hell? Bakit ba pinagpapawisan ako? Nakatutok naman 'yong electric fan sa 'kin.

Ilang saglit pa ay nakatanggap ako ng reply mula kay Kieran.

Kieran: Nandito ako ngayon kina Drake. Nagkayayaan. Inom lang ng konti.

Ako: Ah ok. Mag-ingat ka na lang pag-uwi.

Kieran: Salamat!

Ako: You're welcome.

At doon na natapos ang convo naming dalawa.

Sa maiksing usapan namin na 'yon ay abot langit na ligaya ang hatid nito sa 'kin. Tila nakaplaster na 'yung ngiti sa labi ko.

Mukhang hindi na ako makakatulog nito!

Meant To BeWhere stories live. Discover now