Inirapan naman ni lola si lolo, para silang mga teenager kong mag away.

"May boyfriend kana ba ija?" Biglaang tanong ni lola, nauutal paakong sasagot dahil kapag humindi ako ay kong ano ano ang sasabihin saakin. Kesho antanda kona raw at kaylangan ng mag asawa, kaylangan narin daw nila ng apo dahil habang tumatanda ako ay tumatanda rin sila. Pero sino namang isasagot ko kapag nag-oo ako?

I sighed. "Wala pa po" sagot ko.

At ayan na nga.

"Na'ko ronalisa, antanda mo na bakit di ka pa mag asawa. Tignan mo ang kuya mo, malapit naring ikasal 'yan. Eh paano naman ikaw?" Panenermun ni lola.

Inawat naman s'ya ni lolo kaya natawa ako.

"Lola, namiss rin kita. Sige na po, tataas na'ko, ilalagay ko muna mga gamit ko doon" pag papaalam ko.

Umakyat na'ko sa itaas para ibaba at ayusin ang gamit ko. Dito siguro muna ako ng tatlong linggo.

Tinignan ko ang kwarto na dating kwarto rin ng mommy ko noong kabataan n'ya.

Dito kami nag i-stay kapag bumibisita kami. Kaso ngalang bihira na kami bumisita rito, hindi ko pa nga nabibisita ang parents ko. Naging busy kaming lahat dahil syempre nag wowork nakami.

Bumaba ako para kumain ng dinner, nakakagutom yong byahe ko 'no.
Matapos non nag pahinga muna ako sa kwarto saglit bago lumabas uli.

"Oh ronalisa, saan ka pupunta?" Tanong ni lolo dahil papunta ako sa terrace.

Maganda at mahangin don, may mesang malapad na mahaba pero mababa lang.
Nag dala ako ng kumot at unan dahil malamig doon.

"Sa terrace po lo, mag mumuni muni" nakangiting sabi ko at tumango naman s'ya't hinayaan ako.

Nilagay ko ang unan at kumot don at humiga. Andaming bituin ngayong gabi, yon din talaga ang gusto kong makita.

Tumabi sa'kin si borj pero hindi tabing tabi, sa laki non ay kasya naman ang limang tao na nag mumuni muni.

I left out a heavy sighed. Which confused borj.

Humarap ako sakanya at ganon rin s'ya.

"May problema ba?" Tanong n'ya.

Umiling ako. "Wala naman, pagod lang"

Tumango siya at hindi nagsalita, kaya umayos na'ko ng higa para ibalik ang tingin sa langit.

Lumingon uli ako sa kanya at nakitang nakatingin siya rin s'ya sa langit at mukhang may iniisip din. Pareho kaya kami ng iniisip? Ano kayang iniisip n'ya.

"Borj, mahirap ba'ko mahalin? kasi hangang ngayon wala pa'kong boyfriend like alam mo na"

Tumawa s'ya ng mahina. Katatawanan lang ba'ko??

Nag salita s'ya matapos ako tawanan. "Alam mo roni, hindi mo dapat pinipilit 'yan. You should love yourself first in order to finally fall in love and love others. Baka hindi pa tamang oras para d'yan, darating rin 'yan"

Nakatingin parin ako sa langit habang sinasabi n'ya 'yon.

For the first time, may taong hindi nag sabi sa'kin na umibig na ng iba. But instead mahalin ko muna ang sarili ko. I'm really grateful to have borj by my side. Pero how long? hangang kailan nga ba s'ya nandyan.

That conversation made me sleepy, nagising nalang ako na pataas na ang araw.

Agad naman akong tumayo para mas matitigan 'yon. Minsan lang ako makakita ng sunrise.

"Borj, ang ganda 'no?" Tanong ko kay borj na katabi ko ngayon.

Hindi s'ya kaagad umimik.

" I love sunrise " i added.

Nakapamulsa s'ya ngayon nong tinignan ko s'ya.

"I used to like it too, but not anymore cause i hated the sunrise because it represented another day." He said with a serious voice.

That confused me.

"Used to? ibig mo bang sabihin may naaalala kana borj?" Tanong ko sakanya.

Tumingin s'ya saakin pero hindi naman mapakali ang mata n'ya. "U-uh siguro" sagot n'ya.

Ibig sabihin banon kapag naalala n'ya na lahat ay makakaalis na s'ya? iiwanan na nya'ko?

My house will feel so empty without a ghost roaming around.

"Pumasok na tayo sa loob roni, maiinitan kana dito" aya n'ya kaya pumasok narin ako.

———

"Borj's Pov—2022"

Inisip ko na, kailangan kaya ako mawawala ng tuluyan sa mundong 'to. However, I never would have thought that I would be 23, Dying because of overdose, on purpose. That was it, right? Was this how i really want to die? by ki/ling myself.

I hope no one can find me on time.

Write me loveWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu