Seduction 41: Too Many Questions

Start from the beginning
                                    

 Yon ang naging hudyat para basahin nia ang note na kasama nang bulaklak. 

Bernadeth, 

 I'm sorry If I chose to stay rather than go.

 I love you! 

Gilbert 

What is the meaning of this message best? nanlalaki ang matang tanong nia sakin. 

 Wag na kayong magtaka kung bakit ganyan ang tanaong nang best friend ko wala pa kc akong sinasabi sa kanya. Ayaw ko munang magkwento. 

 Basahin mo ulit para maintindihan mo! asar ko sa kanya. 

 Pinagloloko mo ba ako Bernadeth? Anong nangyari at bakit ganito ang message ni Gilbert? kunot noong tanong nia. 

 Tara nang mag lunch Dyzel gutom lang yan! yaya ko sa kanya. 

 Mabilis akong lumabas nang office mabilis din namang sumunod sakin si Dyzel na naiiling pa. Mabilis kaming umorder nang pagkain ni Dyzel at naghanap nang pwedeng upuan. 

 Pwede bang makiupo? tanong ni Karl samin. 

 Upo ka lang jan! sagot ni Dyzel sa kanya. 

 Hindi naman ako nagsalita napatingin lang ako sa kanya hindi na rin ako nagtaka nung dun sya sa tabi ko naupo. 

 Ah Karl usta ang party nio? nakangising tanong ni Dyzel. 

Ok lang naman! simpleng sagot nia. 

Okay na okay yong party na yon ang daming surprises! Grabe Karl sobrang nashock ang beauty namin! umakto pang nanlalaki ang mata ni Dyzel sa gulat. 

Siguro kung hindi lang ganito ang situation namin natawa na ako sa kalokahan ni Dyzel. 

I'm sorry hindi ko akalain na mangyayari yon,! hinging paumanhin ni Karl. 

 Kuh okay lang sakin ang saya nga nakakagulat ung akala ko kilalang kilala kita boss un pala may nakatago pa! dagdag pa ni Dyzel na umiiling iling pa. 

 Bernadeth can we talk? tanong nia sakin. 

 Bakit naman tayo mag uusap? cold na tanong ko sa kanya. 

Please give me a chance to explain? sumamo nia sakin. 

 May dapat ka pa bang paliwanag? mataray na tanong ko sa kanya. 

 Please let me explain! makaawa pa nia. 

Pero tiningnan ko lang sya nang masama. 

Nagulat pa ako nang bigla na lang akong hilahin ni Dyzel. 

 Sumunod ka sakin ngayon na Bernadeth! utos sakin ni Dyzel. 

 Huh anong nangyari sa babaeng eto bakit parang biglang naging seryoso eh kanina lang inaasar pa si Karl. 

Napilitan akong sumunod sa tono nang pananalita ni best friend ko alam ko na kailangan kong sumunod. 

 Andito kami ngayon sa cr nang office at sinugarado pa ni Dyzel na kami lang ang tao dito bago nilock ang pinto. 

 Magsabi ka nga nang totoo Bernadeth may nararamdaman ka na ba kay Karl na higit pa sa isang kaibigan? diretsang tanong nia sakin.

 Anong klaseng tanong yan Dyzel alam mong kaibigan lang para sakin si Karl! sagot ko sa kanya. Kaibigan eh bakit ganyan ka? 

Kaibigan din nia ako Bernadeth eh bakit mukhang apektadong apektado ka? Kung makaasta ka ngayon para kang girlfriend na niloko ah! tuloy na tuloy na salita nia. 

 Napaamang lang ako sa mga sinabi ni Dyzel. Ano wala kang masabi ano? Ano bang kinakagalit mo kay Karl? tanong nia pa ulit. 

 Wala pa rin akong maisagot sa kanya, Bakit nga ba ako nagagalit kc niloko nia ako. Pero hindi ko yan masabi kay Dyzel. 

 Kung iniisip mong niloko ka nia best, sa tingin ko hindi eh, naglihim sya oo pero karapatan nia yon, na ilihim ang nakaraan nia lalo pa at hindi ka naman nagtatanong di ba? MInsan ba pinaramdam mo sa kanya na interesado kang malaman ang nakaraan nia? kung kaibigan lang talaga ang turing mo sa kanya hindi ka maapektuhan nang ganyan! Ano ba talaga kinagagalit mo ang paglilihim ni Karl o ung makita mong magkasama sina Gilbert at Margot? sunod sunod na tanong ni Dyzel sakin. 

Napatungo na lang ako, alam ko nasasaktan ako pero bakit nga ba ako nasasaktan?? 

 Hindi ko alam kung anong isasagot ko sa'yo best, pero alam ko nasasaktan ako kc naglihim sakin si Karl ung feeling na parang andami pa niang tinatago sakin at hindi ko din alam bakit ako nasasaktan nang ganito. Isa pa naiinis ako sa sarili ko kung bakit nagseselos pa rin ako kay Margot. Akala ko kc wala na pero nagulat ako nang maramdaman ko na naman ung sakit eh! paliwanag ko sa kanya na naiiyak na. 

Niyakap lang ako ni Dyzel, sya talaga yong taong lubos na nakakakilala sakin. Minsan kahit ko hindi ko maintindihan ang sarili ko pero lagi syang nanjan para maunwaan ko ang lahat. 

Hindi kaya kahit paano natutunan mo nang mahalin si Karl? bulong nia sakin. 

 Nanlaki ang mata ko sa sinabi nia. 

 Best mag isip kang mabuti alamin mo ang sagot sa mga tanong ko, wag kang magdesisyon dahil lang nasasaktan ka ngayon, alamin mo sa dalawa kung kanino ka higit na nasasaktan dahil yon na rin ang sagot sa tanong na kung sino nga ba ang mahal mo? Pakinggan mo ang paliwanag ni Karl, ganun din ang paliwanag ni Gilbert," payo nia sakin.

Bakit ko pa sila papakinggan para saktan lang nila ulit ako, para magkaroon lang ulit sila nang chance na lokohin ako? umiiyak na tanong ko sa kanya. Dapat mo silang bigyan nang chance magpaliwanag dahil sa nakikita ko ngayon isa din lang sa kanila ang may kakayahan alisin ang lahat nang sakit nang nararamdaman mo, matuto kang makinig Bernadeth kahit masakit na makinig ka pa rin ang mahalaga malaman mo ang totoo dahil dun ka lang magkakaroon nang lakas para palayain din kung ano man ang nasa dibdib mo! 

Author's Note

Happy 1million reads to us, thank you po sa patuloy na pagsuporta nio sa Seducing my Exwife. Thank you very much sa votes, comments. salamat din sa pag follow nio sakin. Maraming salamat po sa inyong lahat. Sobrang thank you sa mga sumusunod 

@neriyatim@sharontaniguchi@jennycasin26@beYoutiful04 sila po kc ung unang unang mga readers ko non na laging nauunang magvotes at hanggang ngayon natutuwa ako na anjan pa rin sila kahit mabagal ang update hindi sila nabitiw. Salamat..God Bless us All!!!!    

Sensya na sa errors cp kc ginamit ko kanina.. 

Seducing  My Ex-wifeWhere stories live. Discover now