'Ha? ano ba 'tong sinasabi ko? nahihibang na'ko'

Pinilit ko nalamang mainis sakanya. Sinungitan ko s'ya ng sinungitan hangang sa makalimutan kong pinabilis n'ya pala ang tibok ng puso ko. Bipolar nga siguro ako.

11Am na no'ong makarating ako sa restaurant kong saan kami mag kikita ni carlo, gusto n'ya sana ako sunduin pero tumangi ako. Nakakahiya na para sakanya. 'Ang gwapo talaga ni carlo, lalo na kapag nag sasalita s'ya. Kahit na hindi ko naiintindihan mga sinasabi n'ya e ayos lang'

"Roni are you okay?" Tanong ni carlo sa'kin. Napansin n'ya bang nakatitig lang ako sakanya? aba sa malamang!

'To namang si borj mag mamake face sa labas ng restaurant, naiinis ako sa mukhang ginagawa n'ya. He's mocking carlo. Natawa nalang din ako sa dulo. Kaya tumingin rin si carlo kong saan ako nakatingin. "What's funny roni?" Natatawa ring sabi n'ya. "Wala, wala, akala ko nakakita ako ng unggoy sa labas" sagot ko. Buti nalamang at hindi narinig ni borj ang sinabi ko.

Tumanggi man akong mag pa sundo kay carlo, di naman ako nakatanging ihatid nya pabalik sa condo ko. Bumeso ako sakanya bago umalis papasok sa building. He waved goodbye bago s'ya tuluyang umalis. May klase pa pala s'ya.

Kaya ito ako pag ka pasok sa condo, tinititigan 'yong typewriter na binili ko sa isang thrift store. Hindi ko naman 'to nagamit, ang hilig ko talagang mag waldas ng pera sa mga bagay na hindi konaman talaga kaylangan. Nilipat koyon sa coffee table para magamit pero may nahulog na papel galing sa ilalim non. Sigurado akong hindi akin 'yon. Nakiki asusyo naman si borj sa'kin, curious din sa hawak kong papel, kong ano nga bang naka sulat doon.

12/16/2015

Dear R,

Ang ganda mo sa suot mong dress kanina, sayang ngalang at hindi kita masyadong nakita buong araw. Ang hirap dahil nasa kabilang section ka. Gusto kitang kausapin. Ang mga kaibigan ko tinutukso ako sa'yo, pero hindi ako naaapektuhan dahil totoo naman 'yon. After 3 weeks pa kita makikita, pero okay narin dahil nakita naman kita ngayong Christmas party. Sana masabi ko sa'yo tong nararamdaman ko, pero parang ang hirap, naka bantay kasi parati ang kuya mo. Pero one day masasabi korin 'to, na gusto kita.

Lovingly yours,
B

'Ang corny naman, masyadong cliché.'
Ganto ako kabitter sa relasyon ng iba.
8 years napa 'tong sulat, nakaamin nakaya s'ya? Sana nama'y oo. Siguro sa babae 'tong letter tapos natangap na n'ya kaya andito 'yong sulat.

"Ano ba'yan?" Tanong ni borj habang nag iisip ako. "Obvious naman siguro 'no borj?" Sambit ko na may sarkastikong ngiti.

"Ba't ka galit?" Seryusong tanong n'ya.

Sino namang hindi maiinis hindi ba?
Haynako, malapit na'ko mag ka high blood dahil sakanya. "Eh kasi naman 'no, ang obvious na nga tinatanong pa" sabay irap ko sakanya at bumalik sa pag tingin komg mayroon pang naiwang sulat pero wala na.

Narinig kong ngumisi si borj. Ano kayang iniisip n'ya? O kong may isip nga ba s'ya.

Pag ka talikod ko ay wala na s'ya. Hindi ko alam kong saang sulok ng condo ko nag punta 'yong lalakeng 'yon.

Tumunog naman ang cellphone ko, it's a notification from an email.

From: Tonsylitis123@gmail.com

Ronalisa, may naumpisahan ka'na ba. I know you'll do good. I trust you.

Agad naman akong nag email pabalik.

Write me loveOnde histórias criam vida. Descubra agora