Part 8: Heart Vs Mind Let the Battle Begin

24 1 0
                                    

Shine's POV
Ano ba naman kasing pumasok diyan sa napakalikot mong utak para maisipan mo pang kalabanin si Ice eh ang galing-galing kaya nito sa mga ginagawa niya. Naku talagang babae ka itigil mo na nga itong pag-ibig na andyan sa puso mo para sa kanya.

Mga ilang segundo pa ng katahimikan sa loob ng aming classroom ay bigla na lamang nagsalita si Mr. Alvarez upang ipagpatuloy ang announcement ng mga limang kalahok para sa section namin na kung saan ay kakalaban sa mga seniors ng mga estudyanteng nasa Section A+.

Mr. Alvarez: At para sa huling kalahok sa ating section ay ito'y walang iba kung hindi si Miss.. Miss... Miss Espiritu! ( sabi pa nito sabay turo sa dalaga)

Shine/Shiny: po? Ako po ba ang tinutukoy mo Sir? ( taka pa nitong tanong sa guro sabay napatayo bigla)

Mr. Alvarez: Yes ikaw nga Miss. Espiritu, bakit may problema ba? ( sabi pa nito na nasa tonong nag-aalala ang boses)

Shine/Shiny: Wala naman po sir, sa katunayan nga sobrang saya ko po eh! ( sagot pa nito sa guro sinabayan pa ng pag-upo at pagngiti niya)

Mr. Alvarez: Mabuti naman kung maligaya ka sa naging resulta nawa'y lahat kayo naintindihan niyo at natanggap ang naging resulta. wala bang problema mga minamahal kong estudyante? ( sabi pa nito sa malakas na boses upang marinig siya ng mga ito)

Marisse: Congrats pala ulit sayo frenny napabilib mo talaga ako hali ka nga may ibubulong ako sayo! ( kikay pa nitong sabi sa kaibigan sabay bulong nga nito sa tenga)

Shine/Shiny: Hoyy. bakit ano bang sasabihin mo dyan ha? ( parang naiinis pa nitong tanong sa kaibigan)

Marisse: Kaya mo parin bang kalabanin siya kahit inamin mo na ang nararamdaman mo sa kanya? ( seryoso pa nitong tanong pero pabulong sa kaibigan)

Shine/Shiny: Ewan ko nga frenny eh. kasi namang utak ko sinasabing ituloy ko parin daw kasi obvious namang pakulo lang niya yun sakin at kung sakaling totoo edi talo ako di ba pwede bang naglolokohan lang kami sa isa't-isa? ( seryoso pa nitong pagpapaliwanag sa kaibigan)

Marisse: Paano yung puso mo anong sabi niyan?( sabay lagay ng kamay nito sa dibdib ng kaibigan)

Shine/Shiny:Ang sabi ng puso ko frenny na wag na wag daw hayaang mawala si Ice sakin kasi baka pagsisihan ko lang. pero kahit gustohin ko man parang ayaw din pala nitong makinig. kaya tuloy walang magawa kundi ang magpakabaliw sa pag-ibig niya! ( mahina pa nitong sagot sa kaibigan)

Marisse: May iba ka pa naman choice eh like si joshino di ba, di mo ba sya bet frenny? ( tanong pa nito sabay hampas sa balikat)

Shine/Shiny: Arrayy.Array.. ikaw talaga oh kung makahampas wagas! ( pagrereklamo pa nitong sabi sa kaibigan)

Marisse: Anyways frenny nasa sa iyo parin yan kung saan sa dalawa ang nararapat mong piliin at sundin I'm just here lang naman as your loyal best friend in life! ( sabi pa nito sabay ngiti sa kaibigan)

Shine/Shiny: Salamat talaga frenny ha for always been here for me kapag kailangan kita bestfriend talaga kita eh! ( tila naiiyak pa nitong wika sa kaibigan)

Marisse: Stop na frenny oh. heto tissue for you! ( pag-aalala pa nitong tugon sa kaibigan)

Shine/Shiny: Thank you sa lahat frenny. sana balang araw eh makatulong rin ako sayo! ( sabi pa nito sabay tingin sa kaibigan at ngiti din)

Marisse: Walang anuman, goodluck na lang po sayo frenny ko alam kong kayang-kaya mo laban lang wag kang susuko ha! ( paalala pa niya sa kaibigan)

Shine/Shiny: Salamat talaga sayo, kaya nga kita frenny kasi ang understanding mo. ( sabi pa nito na may ngiti sa labi sabay hawak sa magkabilang pisngi ng kaibigan)

Marisse: Frenny. pakialis na yang marumi mong kamay sa mukha ko! ( reklamo pa niya sa kaibigan)

Shine/Shiny: okay na iaalis ko na heto pa! ( sagot pa nito sabay pahid pa ng water color sa mukha ng kaibigan)

Marisse: Ang sama-sama mo naman frenny! ( sabi pa nito habang nakasimangot ang mukha nito)

Shine/Shiny: Sorry na, ganti ka na lang. ganti ka na sige. ano. gaganti na yan! gaganti na yan! gaganti na y... ( napahinto siya bigla dahil sa pinahiran na rin siya ng water color sa buong mukha)

Marisse: Akala mo ba. ikaw lang magaling sa mga ganyan? Ako rin kaya. heto pa! ( tugon pa niya sa kaibigan sabay binabato ito ng isang lata ng acrylic paint)

Shine/Shiny: Frenny. tignan mo itong damit ko dinumihan mo! ( gigil pa nitong sabi sa kaibigan habang sinubokan habulin ito sa labas)

Marisse: Frenny. habulin moko! ( pang-aasar pang saad niya sa kaibigan)

Shine/Shiny: lagot ka talaga frenny pag nahuli kita ililigo ko talaga lahat ng natitira kong acrylic paint. mahuhuli din kita heto na ako! heto na! ( pananakot pa nito sa kaibigan habang sinusubokang hanapin ito at abangan)

Sa tingin niyo kaya, saan kaya maaaring magtago si Marisse? at bakit tila ba wala pang ginagawang hakbang si joshino upang maisakatuparan ang mga plano nito?

How to say sorry (Season 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon