"Wait... did you all cried or something? O nagshabu kayo?" I tried to joke but they didn't even laugh. Ano bang nangyayari sa kanila?

"She's dead," mabilis na sambit ni Ate Lavander dahilan para mabitawan ko ang hawak kong mababasagin na baso. Umalingawngaw ang ingay ng pagkabasag ng baso. I heard them gasped. Natulala ako.

"Lavander..." may banta sa boses ni Dad.

She looked at him with no emotion. "What? I just told him the truth. What's the use of hiding it anyway?" my dad just let out a long sigh.

Malakas akong natawa dahilan para mapatingin sila sa akin. "Nice joke. Muntik na akong mauto," nakangising ani ko kahit sobrang kabog ng dibdib ko dahil sa takot, kaba, sakit na baka totoo nga ang sinasabi niya.

Joke lang naman nila iyon, 'di ba? Evianna is still alive, right? Hindi... hindi naman siguro siya namatay sa digmaang 'yon. We... we killed the enemy together before we lost consciousness, kaya impossible mamatay siya. H-Hindi iyon mangyayari dahil may pananggalang siya. She can't be hurt by anyone. Ganiyan siya ka makapangyarihan. My love will never leave. Ever. They are just joking. Right! They are. They are just making me laugh knowing that I just woke up! Baka may ginagawa lang si Evianna.

"Do we look like we are joking to you, ha, Lucas?" saad ni Ate while glaring at me. Some were trying to stop her but her attention is on me. Umiling ako at sinabing hindi. My chest is in pain. It can't be. No. "She's dead. Wala na siya. Hindi na siya babalik."

Dahil sa sinabi niya ay biglang nanlambot ang aking katawan. Mabuti nalang ay napahawak ako sa ref. Bigla kong naalala ang panaginip ko. Ang pagyakap niya sa akin at ang bulong niya sa akin. Ang huling halik bago siya nawala. H-Hindi... Hindi!

Ramdam na ramdam ko ang pag-init ng mata ko at pagsimulang pagtulo ng mga luha ko. Mahina pa 'yon sa una ngunit kalauna'y bumuhos ng malakas nang maaalala ang mahal ko. H-Hindi pwede...

Umiling ako. "No. No... hindi pa siya patay." Tumawa ako ng pilit at pinunasan ang luha sa pisnge ko. "Buhay pa siya. Pinagloloko niyo lang ako. May camera rito, 'no? You all are pranking me!" pilit kong hinahanap ang camera. Hinagilap ko talaga baka kung meron. My love can't be dead. "Baka nandito," pilit kong pinasigla ang sarili saka tumungo sa may cabinet pero wala roon. Pagharap ko ay isang malakas na sampal ang sumalubong sa akin na ikinabingi ng ulo ko. Napahawak ako do'n.

"Lavander!"

"Hon!"

I looked at her with blood shot eyes. "A-Ate..."

"Isang sampal baka sakaling maalog ang ulo mo!" galit niyang sigaw habang sunod-sunod na tumulo ang luha sa kaniyang mga mata. She looked at me like she was in pain. "Akala mo yata naglalaro tayo rito pero hindi! We are not playing, Lucas! Wala na siya?! Patay na siya! Isilid mo iyan sa kukuti mo at tanggapin mo! Evianna is dead! You cannot do anything about it because her ashes are gone!" dagdag pa niya habang pinipigilan siya ni Yeron.

Umiling ako saka tumayo ng tuwid. I glared at her. "No! You are just lying! Nandito siya! Alam kong nandito siya! Kasi... buhay siya!"

Mas lalong nanlilisik at naging lila ang kaniyang mata. "Then find her! Tingnan natin kung magpapakita pa siya."

"BABE? Babe? Evianna? Nandito na ako, Mahal ko. Gising na ako. Magpakita ka na. I need your warmth." Sinuyod ko na ang buong mansyon ngunit hindi ko siya makita., kaya pumasok na ako sa kwarto niya. All of her things are still there kaya buo ang loob kong nandito nga siya. "Babe! Are you in here? Tinataguan mo ba ako? Lumabas ka na, please. I miss you!"

Ilang ulit ko siyang tinawag pero walang sumasagot, walang nagpapakita sa akin na Evianna. Nagsimulang bumundol muli ang aking dibdib at sumikip. Hindi! Mali-mali 'tong iniisip ko!

V. Academy (Completed)Where stories live. Discover now