Bakit kailangan makatapos?

5 0 0
                                    

Minsan mo na din ba itong naitanong sa iyong sarili kung bakit kailangan makapagtapos ng pag-aaral. Dahilan pay marami naman mayaman ang hindi nakapagtapos. Sa tuwing napapagod at nagsasawa ka ng mag aral at sa tingin mo ay mayroon pang mas mahalaga kaysa dito. Hindi bat madali lang naman magaral pero ang panahon, oras at paghihintay ay siyang iyong kalaban.
Dumating sa punto na naiinip kana dahil may gusto ka agad makita.  Wala naman taong nagtanim ngayon ang siya ring umani agad. Hindi ba't luha at pagtitiis din ang kanilang ibigay. Hindi isang araw, isang linggo, isang buwan kundi mahabang panahon ang kanilang hinintay. Ano nga ba ang kahalagahan ng edukasyon? At bakit kailangan tamasahin ito ng bawat isa?

Madalas nating maranig ang ating mga magulang na kailangan natin magaral ng mabuti. Nagtitiis at nagsasakripisyo sila upang maibigay ang pangangailang ng kanilang mga anak pangunahin na ang mabigyan sila ng magandang edukayon. Hindi sila napapagod na suportahan ang kanilang mga anak sa pag-aaral, pinansiyal man o emosyonal na suporta. Sa pamamagitan nito nararamdaman ng bawat anak ang pagmamahal ng kanilang mga magulang. Alam ng bawat magaaral na hindi madali ang mag-aral. Pero ang katunayan mas mahirap ang magpaaral. Halintulad nito ang pagsusugal na mayroon malaking pagtitiwala at paniniwala na makakamit ang pagkapanalo. Ang mga magulang ay walang kasiguraduhan sa ginagawa ng kanilang mga anak sa loob ng paaralan. Ngunit dahil mayroong silang matibay na paniniwala at pag-asa sa kanilang mga anak. Walang sawa silang sumusuporta dito. Ngunit nakalulungkot na maraming mga anak ang hindi nakikita ang ganitong bagay sa kanilang mga magulang. Dala na rin ng iba't ibang impluwensya sa kanilang kapaligiran.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 18, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

BOOK OF EDUCATION 👩‍🏫Where stories live. Discover now