aking true lab

3 0 0
                                    

Mga nakasabit na nagkukulayang bandiritas, abot kalsadang mga tao na nagaantay sa banda, makukulay na sisiw na binebenta, iba't -ibang disenyo ng lobo mapa-kartoon man ay mayroon katulad na lamang ni elsa ng frozen at iba pa. Matitiyak mong nagkakasiyahan ang bawat isa sa kapiyestahan ng barangay.

Abala ang aming pamilya sa paglu-luto ng aming ihahanda para sa aming mga bisita. Nag-chat ang isa sa best friend kong babae na si Abeng na ngayon kami pupunta sa bahay ng  aking best friend na lalaki na si Popoy para tumambay. Dali-dali kong tinapos ang aking niluluto at sinabi sa aking magulang na akoy gagayak na dahil ako ay may pupuntahan.

Agad akong pumara ng trike at sumakay na ako kahit na mahal ang sisingilin sa akin dahil akoy mag-isang sakay. Hindi ko na ininda ang mahala ng pamasahe dahil mala-late na naman ako sa nakatakdang oras ng kitaan namin ni Abeng at ng jowa nitong si Kiko.

'Ano gang pagkakatrapik na naman dine' nasabi ko na lang sa isip ko. Napakatagal ng pagusad ng numero sa stop light pero kapag naka go sign na ay pagkabilis naman. Nang makarating na ako sa kanto ng Mcdo ay bumaba na ako dahil dito na ang pinakamalapit na babaan ng jeep. Nilakad ko na lamang papunta sa Uncle Johns na dating Ministop dahil malapit lang naman ito.

Chinat ko na si Abeng kung nasaan na sila at nagreply naman sya na nasa byahe pa din sila. Napa Yes naman ako sa aking isipan dahil ngayon lang ako ulit nakauna sa kitaan. 

Pumasok na muna ako sa loob ng Uncle Johns at tumingin ng malamig na maiinom dahil napaka tirik ng araw sa labas. Binili ko na ang paborito kong delight at binayaran ito sa counter. Napansin ko naman na kanina pa napapatingin sakin yung isang lalaki sa loob ng store. Tinaasan ko sya ng kilay na para bang nagtatanong kung bakit sya tumitingin sakin. Gusto nya din ata ng delight. Ano ga't ayaw bumili ng kanya. Napatawa ako sa naisip ko.

Sakto namang pagdating nina Abeng at Kiko nung nakabayad na ako ng aking inumin. Kaya kami ay lumarga na papunta sa paradahan ng trike. Habang naglalakad kami, dun lamang namin napansin na pareho kami ng outfit ni Abeng. Naka black na blouse, light denim wide leg na pantalon at white rubber shoes. Madalas kaming magkapareho ng mga suot pati na rin sa isa pa naming best friend na si Mikay. Napatawa na lang kami dahil nga madalas itong mangyari kahit di namin pinaguusapan ang susuotin.

Umarkila na kami ng trike papunta sa bahay nina Popoy. Unang beses pa lamang namin makakapunta sa kanila kahit na matagal na kaming magkakaibigan. Siguro dahil na rin sa madalas naman ay kami ay nasa galaan nagsasama sama. Chinat na lamang namin si Popoy at binigay na lamang niya ang direksyon papunta sa kanila.

Habang nasa byahe, naalala ko na naman noong high school kami. Noong time na yun, nagkagusto ako kay Popoy. Di sya ganon katangkad pero mas mataas ito sakin, payat ang kanyang pangangatawan pero may muscle naman, kung tatanungin nyo kung pano ko nalaman aba ay syempre pinisil pisil ko hihi. Napakabait nya din lalo na sa akin ramdam ko iyon. Lalong lalo na dahil nga bata bata pa madalas ang asaran sa school at sya naman lagi ang kakampi ko, pinagtatanggol nya ako pag naguumpisa na akong mawala sa mood makipagbiruan. Sya yung good boy na maloko. Na type na type ko. Eme><. Natatandaan ko pa kapag ako ay uubob muna ng saglit sa aking upuan ay sya namang pagtabi sakin tapos non ay hihimasin nya at lalaruin nya ang buhok ko hanggang sa maka idlip ako. Tangina kinikilig na naman ako. Lagi din kasi namin sinasamahan ang isa't-isa kapag bibili ng pagkain sa canteen tuwing vacant hours. Sya din kasa-kasama ko pag nalalate kami sa first subject. Everytime na manonood kami ng movie na pinasa ng kaklase namin sa aking laptop saka sya dadaos dos ng upo na parang nakaslouch at sasandal sa balikat ko. Ipapansadal naman ang ulo ko sa ulo nya. Madalas din ay magka holding hands kami habang nanonood at minsan naman ay pinipisil pisil nya ang kamay ko. Dun ko narealize na mahal ko na sya higit pa sa best friend. Pinaparamdam nya kasi sa akin na mahalaga ako at deserve ko na itrato ng tama. Mahal ko na pala ang best friend ko.

(Ayon tumagal ang pagmamahal ko sa kanya hanggang mag 3rd year college na kami. Apat na taon din yun na sya lang ang tinitibok ng puso ko ni hindi ako nagkaron ng crush sa iba sya lang talaga)

Naputol ang pagbalik ko sa nakaraan nung tumigil na ang trike. Di na namin inusap na punasok sa loob ng subdivision dahil kaya naman na lakarin ito. Nagchat na ako kay Popoy na lumabas na para makita agad namin ang bahay nila.

"Paps!" Pagtawag ko kay Popoy nung makita ko sya kumaway naman siya. Madami akong endearment kay Popoy katulad na lang ng Papi, bebe, cutie at iba pa. Nickname nga namin sa messenger sya si cutie asukal de papa at ako naman si qt. Nung una cutie lang. One time kasi humingi sya ng favor tapos sabi nya ay pag kumita siya ng malaki kahit daw siya na magpaaral sakin HAHAHA baliw talaga. Kaya inasar ko kung siya magiging sugar daddy ko napatawa na lang sya. Ako ang nagbigay ng nickname nyang 'Paps' na sya na ding ginagamit ng iba naming barkada.

"Tara dine pasok kayo", giniya na niya kami papasok ng bahay nila at nagmano kami kay tita. Pinaupo naman kami ni tita pagkamano namin. Habang nagkkwentuhan ay biglang nagtanong sakin si tita.

"Ikaw ba ga si Juday?" kinabahan naman ako baka kung ano nakwento ni Popoy sa mama nya.

"Opo tita, ako po si Juday hehe bakit po pala?"
"Ay sya ikaw nga iyong kinukwento ni Popoy na bff nya daw, ikaw din lagi nya pag tanungan lalo na sa skin care na gamit mo."
"Hahaha, opo tinatanong nga po nya skin care ko at nagpapatulong kung ano bagay sa kanya"
"Ako nga ay nagulat at biglang binigyan ako ng listahan ng bibilhin ko daw nung tinanong ko naman kung ano mga iyon sabi ay skincare daw." Tiningnan ko si Popoy at nakita kong napangiti sya.

"Naisip ko nga ay kung ano pumasok sa isip nito at biglang nagpabili ng mga skin care na yan yun pala ay may nagugustuhan na ikaw siguro yun no? Ikaw lang din naman nakkwento nya yieee"

Big deal 'to para sa akin dahil kilala ko si Popoy. Hindi sya ganon ka vocal sa nararamdaman nya at sa kung ano ang nangyayari sa buhay nya.

"Hala si mame oh, ay tita pala" pabiro kong sabi. Mame kase ang tawag ni Popoy kay tita.

"Sya ineng Mame na din ang itawag mo sa akin walang problema." Napangiti ako ng malaki.
"Sige Mame ah sabi mo yan wala ng bawian" kantyaw ko kay tita.
"Ay syempre naman, kayo ba ga ay kumain na ng tanghalian?" tanong ni tita.
"Di pa po tita"
"Sya kayo muna ay kumain ng biscuit at inumin diyan gawa ng di pa luto ang pang ulam jan muna kayo titingnan ko muna"
"Sige po mame"
"Poy, ikuha mo na muna ng mga biscuit at inumin sina juday"
"Ge mame ako na bahala" sagot naman ni Popoy.

At kumuha na nga sa kusina si Popoy ng mga biscuit at inumin. 'Ayun sakto may natira pang orange juice at wafer favorite pa naman eto ni juday hihi kacute talaga at pambata taste buds' sya namang nasa isip ni Popoy.

Bunalik na si Popoy sa sala para ibigay ang mga pagkain. "Abeng, pumili na kayo dine nang kakainin nyo ikuha mo na din jowa mo" sabay abot ng lagayan.

"Eto beh ang sayo ikinuha na kita ng favorite mo." Natulala ako sa kanya di ko inaasahang naalala pa nga mga paborito ko kahit ilang taon na kami hindi nagkakasama. "Thank youuuu beh😊" at binigay na nya sa akin ang biscuit. "Ge kainin mo na yang tinapay mo habang binubuksan ko 'tong juice mo." Nginitian ko naman sya bilang tugon. Umupo na din sya sa tabi ko. Nilagyan pa nya ng unan sa bandang likod ko. Hawak pa rin nya ang juice habang di ko pa iniinom.

So alam nyo na kung bakit ko minahal 'tong isang 'to.

"Di ka na naman kumain ng agahan no?" bulong nya sakin. "Sabi ko sayo kumain ka ng agahan lalo na't pag may gala ka talaga naman" may halong inis na sabi nya.
"Hihi sorry na po next time kakain na ako ng bfast."Kinulong naman nya ako sa bisig nya at pinisil naman ni Popoy ang pisngi ko at bumalik na kami sa pakikipag kwentuhan kina Abeng.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 29, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Always youWhere stories live. Discover now