End of the Journey

153 9 0
                                    

Everything has it's ending whether we are ready or not it is inevitable. Just like SB19, time will come and they are going to bid a goodbye to us-A'tin. And we need to accept that because that's the reality.

PABLO'S POINT OF VIEW

Nasa studio ako ngayon dahil kabilaan ang guestings namin. Pero hindi 'yung usual na magkakasama kami sa mga guestings or interviews. Ngayon ay nakikita nalang namin ang isa't isa sa screen ng kung ano mang gadget ang gamit namin.

"Pablo, as you are the leader of the group, where can you see SB19 after 10 years?" tanong ng host sa akin.

"S'yempre po ngayon paunti-unti na po kaming nagiging successful and unti-unti na ring natutupad yung mga pangarap namin for the industry. Siguro po, in less than 10 years naabot na po namin yung pangarap naming 'yon. And I can see SB19 after 10 years doing our own things. For sure we're disbanded na po by that time kasi nga po we need to focus on our own path or careers," mahaba-habang sagot ko sa tanong ng host.

Nagulat ako nang biglang makita ko yung emosyon na ipinapakita ng apat. Alam kong nararamdaman din nila kung ano man ang nararamdaman ko no'ng sinabi ko 'yon.

After ng guesting namin ay tumawag ako sa group chat namin. Mabuti nalang ay sumagot silang apat.

"Hey, guys, I have something to tell you," sambit ko.

"Ano 'yon?" sabay-sabay na tanong nilang apat.

"This is so important, so dapat kayong pumunta dito sa studio," sagot ko naman.

"I have mallshow pa mamaya eh," saad ni Stell.

"I also have guesting sa isang noontime show mamaya," ani Ken.

"May shoot kami mamaya, sorry," sambit naman ni Justin.

"Puno sched ko eh, may laro kami mamaya," saad naman ni Josh.

Napabuntong-hininga nalang ako nang malalim. Hindi ko alam kung anong patutunguhan nito.

Ilang araw din akong naghintay na magkausap kami sa personal. Finally, ngayong araw lahat kami ay free.

Nakaupo lang ako sa couch nang isa-isa silang dumating. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin sa kanila ito.

"What's the matter, Pablo?" tanong ni Stell.

"Oo nga, anong gusto mong sabihin sa amin?" dagdag pa ni Josh.

"Guys, alam kong pansin niyo na rin. Ang dami nating ganap na kahit mismo tayo hindi na magkasalubong sa daan," panimula ko.

"Masaya akong malapit na tayo sa paroroonan natin. Yung pangarap natin dati na tila ba imposible ngayon ay nangyayari na. Marami na tayong nagawa for the group and I think it's time to focus na sa ating kaniya-kaniyang ginagawa," dagdag ko pa.

"I think Pablo's right. We've done so much for the industry as a group, ngayon gumawa naman tayo ng history on our own," saad ni Josh.

"Nakakalungkot lang isipin na papunta na tayo roon pero we need to accept it dahil iyon ang katotohanan," nalulungkot na saad ni Stell.

Kitang-kita ko sa mata ni Stell ang lungkot pero 'yon ang katotohanan, lahat ay may katapusan.

Pagkalipas ng ilang taon...

"A'tin, ito na siguro 'yung time para sabihin sa inyo ito. I know you are not ready, we aren't also ready for this pero dumating na ang araw na pinakakinatatakutan nating lahat. Finally, nagawa na namin 'yung mission namin dito sa industry. Established na rin ang name ng group namin na SB19 all over the world. And now we want to do things naman on our own. We want to shine on our own," saad ko.

"A'tin, I'm so grateful na dumating kayo sa buhay namin. Dahil sa inyo mas naging posible ang lahat. Mahal na mahal ko kayo! This is Stell (your forever boyfriend) of SB19, signing off." saad naman ni Stell.

"A'tin, thank you so much po for everything. Sana alam niyo po na dilaw ang kulay ng mais. Mahal ko kayo! This is Justin of SB19, signing off," sambit naman ni Justin na sinabayan pa ng corny joke niya.

"A'tin, for 18 years pinakita niyo sa amin na lahat ng imposible ay magiging posible basta't kasama kayo. Wala kami ngayon dito kung wala kayo na naniwala sa grupo namin. Forever naming ipagpapasalamat ang pagiging parte ninyo sa buhay namin. Josh Cullen with hayup na tapsilugan, now signing off." Josh said.

"A'tin, lahat ng bagay na ginawa niyo para sa amin ay much appreciated. You guys are really a blessing from above. I will always treasure the moments we had. I love you all so much!" saad naman ni Ken.

"A'tin, salamat sa pagmamahal na ipinaramdam niyo sa grupong SB19. Hinding-hindi namin kayo malilimutan dahil kalahati ng buhay namin ay kasama namin kayo. Maraming-maraming salamat sa pagtitiwala, dahil kung wala kayo siguradong wala rin kami kung nasaan man kami ngayon. Kaya nga pinangalangan namin kayong A'tin kasi I believe that there is NO SB19 kung walang A'tin(18). Hindi mapupunta sa 19 kung walang 18. Kaya sobra-sobrang thank you sa inyo! Alam kong alam niyo na lahat ay may katapusan. This is the end of the journey. Our journey as SB19. This is Pablo, now signing off." pagtatapos ko.

Lahat ng nasa Araneta ay umiiyak na. Nagyayakapan sila at pinipilit na pakalmahin ang mga sarili. Kaming lima'y hindi na rin mapigilan ang pagluha.

"WE LOVE YOU, SB19!" sigaw ng mga fans.

Sabay-sabay kaming tumayo upang sabihin ang huling mensahe.

"THIS IS OUR HOME. THIS IS OUR ZONE. THIS HAS BEEN SB19, NOW OFFICIALLY SIGNING OFF." sambit naming lima at sabay-sabay na nagbow sa harap ng milyon-milyong fans.

SB19 SCENARIOSHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin