IV.

0 0 0
                                    

Chapter IV.







"Akala ko ba malakas ka? Hahaha takte ka Mika sino mag da-drive hindi ako sanay i-drive kotse mo." Tumatawang saad saken ni Vienna. 

Hindi ko naman matanggal ang pagkakapatong ng noo ko sa dalawang kamay ko. Nahihilo ako at gusto kong isuka ang lahat ng nasa tiyan ko.

Naiihi na rin ako at hindi ko alam kung makakaya ko bang tumayo.

"Mika tagay mo?" Alok pa saken ni Neri. Agad ko naman inilingan yun. Hindi ba sila nalalasing ako lang yata ang tinablan, samantalang light lang naman ang iniinom namin.

"Mahina talaga si Mika hahaha." Kantyaw naman ni Vinson saka sinundan pa ng iba.

"Oh andito na pala kayo." Bigla ay rinig kong wika ni Albert ang fiance ni Aria.

May dumating pa yata. Anong oras ba kami matatapos dito. Gusto ko man yayain na si Vienna ay alam kong hindi ito aalis hangga't may alak.

"Oo nga eh, katatapos lang kasi namin mag rescue dun sa pusa na nashoot sa kanal." Aniya ng dumating.

Naiihi na talaga ako kaya naman tumayo na ako at lumakad patungo sa restroom, ramdam ko naman ang sarili ko na parang mag ko-cross ang mga paa ko.

"Ayaw pa nga sana neto sumama eh kaso pinilit ko. Nakakahiya kasi sa iyo pre---- oh!" Napahiyaw pa ang nagsasalita ng matumba ako mismo sa tapat nila buti na lang at nasalo ako ng kasama nito.

Ramdam na ramdam ko ang init ng palad niya na dumampi sa likod ko. Hindi ko naman magawang imulat ang mga mata ko dahil sa tuwing imumulat ko ito ay umiikot ang paningin ko.

"Oh my gosh! Mikaaaaa!" Rinig ko pang sigaw ni Vienna.

Hindi ko siya pinansin bagkus ay muli akong tumayo ng diretso at iminulat ng maliit ang mga mata ko para hindi masyadong maramdaman ang pag-ikot nito.

Pero muli ay muntik na naman akong matumba buti na lang at may tagapagligtas pala ako dito dahil muli ay nahawakan niya ako sa braso.

"Mag c-Cr ka?" Tanong niya. Pamilyar man ay hindi ko na pinansin hindi ko naman nakikita mukha niya eh dahil nga sa muli kong ipinikit ang mga mata ko. Tumango na lang ako sa
kaniya.

Naramdaman ko na lang na inalalayan niya ako at ang lakas naman ng tiwala ko sa kaniya kahit lalaki pa siya.








#Nanowrimoby8letters
#Nano8L
#NovellaChallengeby8L

Unchangeable Feelings Where stories live. Discover now