I instantly got goosebumps after hearing those words from that woman. Parang bumigat ang pakiramdam ko nang sabihin niya 'yon. Kasabay pa no'n ang pagpatay-sindi ng mga ilaw sa poste, hanggang sa naglaho siya sa paningin ko.

Nang lumingon ako sa building sa tapat kung saan ako huminto, andoon na siya ang nakatingin sa akin.

'Yong kaba ko, abot hanggang langit. Dali-dali akong umalis sa lugar na iyon, and I swear, hinding-hindi na ako babalik doon.

I never did know na may kababalaghan pala rito sa place namin. Parang ayaw ko nang umuwi sa amin kasi ayaw kong mag-isa ngayong gabi. Gusto ko ng kasama.

Pumunta ako sa bahay ni Drix, pero naabutan kong walang tao ang bahay. Tinawagan ko ulit si Drix pero hindi naman sumasagot.

Dumidilim na kaya naisipan ko munang magpunta sa convenience store. Dito na lang muna ako habang hinihintay na matapos ang kumag sa rehearsal nila.

Bumili ako ng ramen noodles at kumain na lang para mahimasmasan. Baka kulang lang ako sa kain, kaya kung ano-ano ang nakikita ko lately.

Habang kumakain naman ako, hindi ko maalis sa isipan ang sinabi ng babae kanina.

"Sa susunod na daan ka rito, siguraduhin mo lang na wala kang kasama. Kung hindi, mamatay siya."

Nakakatakot siya, to be honest. Akala ko, trip-trip lang ni ale, kaso naglaho siya at nagteleport sa labas ng isang building, sabay tingin sa akin. I shook my head, trying to forget everything I saw back there.

Una, si Eric. Sunod, 'yong babae. Sino naman sunod na mananakot sa akin—

"Huy."

Nang kalabitin ang balikat ko, bigla akong napasigaw sa takot. Napahawak ako sa dibdib ko, at nang mapagtanto kong si kumag lang pala, napasapo na lang ako.

"Please, 'wag kang mananakot sa akin. Atatakihin ako sa puso," sabi ko habang tawang-tawa naman siya.

"Matakot ka talaga dahil kanina pa ako tawag nang tawag sa phone mo, 'di ka sumasagot," aniya, kaya napatingin ako sa phone ko sa bag.

Pagbukas ko ng screen, nagtaka ako kasi alas 9 na ng gabi, eh pumasok ako rito sa convenience store bandang 6 na. Ilang beses kong binuksan ang phone, parehas pa rin ang oras.

"Anong oras na ba?" tanong ko sa kanya.

"Alas 9 na, kaya nga kita pinuntahan rito kasi 'di ka nagrereply. Akala ko umuwi ka na dahil natagalan kami sa rehearsal," sabi niya.

"'Di eh, kaka-6 pa lang tapos biglang alas 9 na? Ambilis naman ata ng oras," taka kong sambit.

"Pagod ka lang ata. Tara, uwi na tayo," sabi naman niya at nag-alok siyang siya ang pepedal ng bike.

Madilim na talaga nang papunta na kami sa bahay ni Drix. Ayaw ko muna talagang matulog nang mag-isa sa apartment ko ngayon.

Pansin ko namang wala kami sa parati naming dinadaanan pauwi. "Oh saan ba tayo papunta?"

"Pauwi, malamang," aniya.

Nang nilibot ko ang aking paningin, saka ko lang na-realize na hindi dapat kami dumaan dito.

"Drix, 'wag ka dito dumaan," sabi ko sa kanya.

"Dito tayo, ang dilim sa kabilang daan."

"Eh, ayaw ko rito!"

"Bakit, anong meron dito?"

"Basta!"

"Psh, malayo na tayo. Pababalikin mo pa ba ako?"

Nang matanaw ko ang lugar kung saan ako binantaan ng isang babae, nahigpit na ako ng yakap kay Drix, habang paulit-ulit kong naririnig sa isip ko ang sinabi niya sa akin.

"Drix, doon tayo sa kabil—"

Napahinto bigla si Drix, kaya hindi ko natuloy ang aking sasabihin.

"Teka, parang may nakalimutan ako..."

May tinignan lang muna saglit si Drix sa kanyang bag, habang may natanaw na ako sa aming harapan. Hindi ko talaga gusto ang nararamdaman ko ngayon.

"Drix, ayan na siya," sabi ko nang makita ko ulit ang babae kanina.

"Teka lang, hinahanap ko wallet ko."

Bigla namang nagpatay-sindi ang mga ilaw sa mga poste sa paligid namin. "DRIX, ANO BA!"

Parang bang hindi ako napapansin ni Drix na takot na takot ako sa likuran niya habang natatanaw ko ang unti-unting paglapit ng babae patungo sa aming gawi.

"DRIX!"

Muli kong tawag sa kanya ngunit hindi na niya ako nilingon.

Sa isang iglap, nasa harapan ko ang babae at nakangiti siyang nakatingin sa akin. Napasigaw na ako nang kay lakas dahil sa kaba at takot.

"Abby!"

Pagdilat ko, napabalikwas ako at habol-habol ang hininga ko. Nasa harap ko si Drix, nag-alala at nakahawak sa mga balikat ko.

"Ayos ka lang ba?"

Bigla ko na lang siya niyakap, at napahagulgol na ako sa pag-iyak. "Akala ko iiwanan mo na ako."

Tinahan naman niya ako. "Ssh, ayos lang ako. Hindi kita iiwanan. Forget everything that you saw. I'll always be here for you."

Ang lala ng bangungot ko. Akala ko, mawawala na sa akin si Drix. Muntik na akong maniwala.

T.S. STORIES #3: I Can See You (Completed)Where stories live. Discover now