Congratiolations! You’ve successfully chosen a character!

╚═════════ ◈ ═════════╝

Ano ba kasing ginagawa ng litseng holographic images na ‘to sa harapan ko?!

Inis kong winaksi ang aking kamay sa aking harapan, ngunit laking gulat ko nang lumagpas ito sa hologram.

Nagtataka naman akong tiningnan ang aking kanang kamay. Nakakapanibago, bakit ang kinis-kinis ko na ngayon?

At bakit may hologram— wait.

Right, hologram. Why there’s a freakin’ hologram in the basement?!

I roam my eyes around. Mas nagulat naman ako nang makita kong hindi pamilyar sa akin ang lugar na ito. This not the freaking basement! Why I am here? Anong ginagawa ko sa lugar na ito?

Kinakabahan kong kinapa ang buo kong katawan, at may naramdaman akong matutulis na bagay sa aking buhok. Accessories… Why am I wearing one?

Nagpagulong-gulong din ako sa aking kinahihigaan, at doon ko naramdaman na ang lambot-lambot pala nito.

Nakakapagtataka, binuhat ba ako ni Kyro at inilagay sa kuwarto niya? Hindi kasi ganito ang higaan ko sa basement na tinutulugan ko e.

Kinapa ko na rin ang aking damit. I am also wearing a gown. What the heck is happening? Nasaniban ba ng mabuting espirito si Kyro kaya niya ako binihisan at tinatrato ng ganito?

Umiling nalang ako sa kaloob-looban ko.

Nahihilo man ngunit pinilit ko ang aking sarili na tumayo upang tawagin si Kyro sa sala.

Gusto kong magpasalamat sa kaniya dahil tinapos niya na ang paghihirap ko. Ilang buwan ko ring ininda, at ipinagdasal na sana matapos na ang lahat ng ito... And He answered my prayers. Nakakagaan ng loob. Tanging siya lang talaga ang makakapagbago sa isang tao. Tiwala at pananalig lang talaga ang kailangan.

Akmang tatayo na sana ako nang makita ko ang malaking salamin sa aking gilid. Nanlaki naman ang aking mga mata nang makita ko ang aking repleksiyon sa salamin.

“What the heck?!” I muttered as I grasped my own face constantly. What happened to my face?! This isn’t me!

╔═════════ ◈ ═════════╗

You’ve chosen Eiliyah Artemice Loughsin, the game commence in three, two, one!

╚═════════ ◈ ═════════╝

And you suddenly figure yourself intimately intertwined into the weave of their fates?

Napasigaw ako sa gulat dahilan upang masagi ko ang lampshade sa aking kaliwa.

I heard some footsteps hastily coming from the door. Minutes passed and a man appeared in front of me.

I bit my lower lip when I realized, I screamed too loud. Argh!

Napaigdad naman ako sa gulat sa lakas ng impak ng pagbangga ng dalawang pintuan sa pader ng silid na ‘to.

“What happened, my lady?!” the guy howled as his voice echoes around every corner of the room. Hingal na hingal ito, at napupuno ng pawis ang kaniyang noo, pati na rin ang kaniyang leeg, habang hawak pa rin niya ang dalawang gilid ng double-door door.

Nang mahimasmasan na ito ay hinay hinay na siyang naglakad patungo sa aking direction. Nakasuot siya ng isang magarang suit, at may dala-dala siyang malinis na kapirasong puting tela sa kaniyang kanang braso.

Ginamit naman niya ang kaliwang kamay niya na may suot na puting gloves upang pahirin ang mga butil ng pawis na patuloy pa ring tumutulo sa kaniyang noo.

Hindi ko gaanong kita ang kaniyang mukha dahil medyo madilim sa upper part ng kaniyang katawan. Tanging silhouette lang, at kaunting detalye lamang ang nakikita ko mula rito.

Huminto na ito ng isang metro ang layo sa akin, at dala ng ilaw sa lampshade na natumba ko bago lang kanina, ay nakita ko kung ano ang tunay na wangis nito.

Literal akong napanganga nang maaninag ko kung sino ito.

No way… It is him!

Nilingon ko naman saglit ang aking sarili sa malaking salaming nakita ko kani-kanina lang.

Puting buhok, kulay ginger na mata at mala-nyebeng kulay ng balat. Kuhang-kuha niya ang karakter na pinakakinaiinisan ko sa larong ‘yon.

Eiliyah Artemice Loughsin, and her royal servant… These people are the characters of the game that I played in the basement if I’m bored for goodness’ sake!

Napailing-iling naman ako saglit, ‘tsaka ibinaling na naman ang aking tingin sa lalaking nasa aking harapan ngayon.

This is totally absurd! I... I am just dreaming, right?

Pinagmasdan ko muli ng maigi ang lalaking ito. Baka kasi namamalikmata lang ako, ‘di ba?

Ngunit sa kasamaang palad ay, hindi.

And I just remembered, this woman, will be killed by her own servant! Which means this freakin’ man standing in front of me, right now!

╔═════════ ◈ ═════════╗

A quest pop up!

If you let this servant humiliate you, your life will be added 10%!

• Accept        • No

╚═════════ ◈ ═════════╝

Would you harness celestial abilities or relent to the enticing grasp of villainy, crafting your unique fate in this enthralling saga?

May bigla naman akong nakitang lifespan ko sa aking wrist. And it’s only 5% for goodness’ sake!

Bw*sit. Sa tatlong choices ko kanina, bakit si Artemice pa ang aking napiling pindotin?! Argh!

Kunot ang noo at magkadikit ang kilay kong hinarap ang lalaking nasa harapan ko, na ngayo’y makikita mo ang unti-unting pagsilay ng pilyong ngisi nito sa kaniyang labi.

Oh heavenly God! Why did I freaking chose Artemice?

“My lady?”

╔═════════ ◈ ═════════╗

As the curtain falls on ‘Goddesses & a Villainess,’ the tale that you reverberates in the divine embroidery. The land kneel to your decisions. Until destiny tempts you for good! Let the resonances of your primordial voyage reverberate across the celestial vastness. Game over.

╚═════════ ◈ ═════════╝

To be the VillainessKde žijí příběhy. Začni objevovat