"For?" kunot-noong tanong nito.

Ngumiti akong muli. "Just sorry..." sana pagdating ng panahong malaman mo ang tungkol sa anak mo, ay mapatawad mo ako. I whispered to myself.

Hindi na rin ito nagsalita pa. He just hugged me tight, like he's afraid of letting me go. Alam kong hanggang dito na lang 'to. The moment we step foot in Manila, everything will change. We'll never be the same again.

--

Mabilis na lumipas ang araw. At sa nalalabing dalawang araw na pananatili namin dito ay iniiwasan ko si Kaius. Alam kong nararamdaman niya ito. He keeps finding ways to approach me, and all I did was ditch him.

"Really? Be a good boy to Tita Jamie, okay?" bilin ko sa aking anak.

James is taking Kai on a beach. May kaibigan daw kasi siyang inimbitahan siyang mag-beach. At dahil hindi niya maiwan-iwan si Kai ay dadalhin niya ito.

"Mochiron, mama. Watashi wa ī ko ni narimasu." I can feel him smiling from ear to ear. [translation: Of course, mommy. I'll be a good boy.]

I chuckled. "That's good to hear, baby. I love you."

"I love you, too," he replied. "Sayōnara, mama. Yaya ga nimotsu o matomeru no o tetsudaimasu." Ramdam ko ang kasabikan niya sa pag-alis na ikinangiti ko. [translation: Bye, mom. I'll help yaya to pack my things.]

I also said goodbye before entering the room again. Na sa terrace kasi ako kanina habang kausap si Kai. Although Helena is not here, I was just being extra careful.

Saktong pagpasok ko ay pagpasok ni Helena. "Tara na, Sam. Maligo na tayo. Last day na natin 'to rito sa Bora."

Mamayang gabi ang alis namin. And the clock is now ticking two in the afternoon. Nakasuot na rin ng black bikini si Helena at may hawak din siyang isang sunglasses.

I smiled. "Tara?"

Nangunot ang noo nito. "Hindi ka magbibihis?"

"No." I chuckled. "Na sa ilalim ng bistida ko ang bikini. Tara na."

She nodded her head and walks out of the room. Sumunod naman ako habang bitbit ang aking phone. Nagpi-picnic din sila sa baba kaya kakain na lang muna ako. Mamayang hapon na ako magtatampisaw sa dagat, masyado pang masakit sa balat ang init.

"Ay, girl! Bakit ganyan suot mo? Hindi ka maliligo?" bungad ni Benji nang makarating kami sa kanilang picnic area sa ilalim ng punong niyog na wala namang bunga.

"Mamaya pa ako maliligo." I forced a smile.

"Oh sheyt, ang sarap naman," rinig kong bulong ni Benji habang nakatitig sa dalawang taong paparating. "Nahulog 'ata panty ko."

Napailing ako rito at umupo sa banig na nakalatag sa buhangin. Hindi na ako nag-abala pang tignan si Kaius. Kumuha ako ng mangga at sinawsaw sa suka nilang may halong sili. My mouth watered before I could even take a bite.

"Wow, hindi ka naasiman?" tanong ni Tiana. "At saka, maanghang ang suka. Bakit parang normal lang sa 'yo?"

Nagtataka ko itong tinignan. "Maasim ba? Hindi naman."

Tiana looked at me weirdly before telling us that she'd take a swim. Sumunod naman sa kanya si Helena na parang batang excited makaligo ng dagat. Hindi na ako nagtaka pa nang sumunod kaagad si Kiyo. I smiled before picking up a slice of mango. Kinain ko rin agad ito at muling pumulot.

Kahit na sa gilid lamang ng aking mga mata ay kita kong naglalakad patungo sa deriksyon ko si Kaius. I was about to stand when his forehead creased and he pulled his phone out of his pocket. Ramdam kong tinapunan niya muna ako ng tingin at naglakad pabalik sa pinanggalingan niya habang nakadikit ang cellphone sa kanang bahagi ng kanyang tenga.

Forbidden PleasureWhere stories live. Discover now