LWBWU 02

4 1 0
                                    

Kick off part 2


JOHN MARCUS

Tumatagaktak ang aking pawis sa sintido habang nakapila. Mas lalo akong nawala sa mood dumagdag pa na maingay ang paligid dahil sa dagat ng studyante. Sana pala ay hindi na ako pumunta, hindi rin naman ako interesado sa ganap ng school pero 'yong attendance ang pinag-alala ko. Dahil ito lang ang magliligtas sa mga pasang awa kong marka.

"Peps, may chat si Mayora sa group chat." Agad naman silang nagcheck ng phone at biglang lumiwanag ang mukha ni Dela Cruz kaya nahikat akong tignan rin ito.

Mayora Senandomeng

Hi guysue, nandito ako sa ET laboratory, pinatawag kayo ni sir. Btw knows na ni gov about dine.

Thank goodness!

"ET 2B paging, proceed to ET laboratory." Sabi nang isang naka-uniform na officer ng sbo. Nagmartsa kami pabalik sa building ng department namin na nasa dulo ng campus.

"Okay Class welcome back! Sorry ganito lang ako habit ko na talaga ang maglecture while may event ang SSC, wala naman silang excuse letter na binigay." Bungad ni sir nang nakaupo na kaming lahat. "Pero alam kong ayaw niyo rin na nando'n." Napangisi nalang kaming lahat sa kanyang turan. Hindi ako makafucos sa disscussion dahil naririnig ko ang ingay ng background music ng larong plants vs Zombies. Naiinis akong lumingon sa pinanggalingan nito. Napataas ang kilay ko sa kanyang ginagawa. Wtf? Is this behavior is approprate for a college student!? Pinigilan ko ang  aking sarili na makialam sa kanya at pinilit na ibinalik ang atensyon sa instructor na nasa harapan.

"Since our second semester started already last week. I already grouped you, and  this  group is valid until finals.  Prelim to finals to be clear." Ngumiti si sir pero ang ngiting iyon ay nagdulot ng kaba sa amin. Iyong casual ang dating ng kanyang tawa ngunit may peligrong dala.
"Segi kunin niyo na ang one fourth piece of paper, containing of your names  and your  groupmates."

Daphne Shantal Guera
Catherine  Achacoso
Francis Daniel Sandiego
John Marcus Jacutin

Matapos ang orientation  sa course ay nag-dismiss at nagpaalam na kaming lahat kay sir J. Kumpulan kaming naglakad palabas ng campus sumabay lamang ako dahil sa pagpupumilit ni De la Cruz.

"Guys moni sa bahay! Day off ko ngayon." Tumingin ang lahat kay kuys Alex. Tingin palang ay alam mo nang sumasang-ayon ito. Biglang Tumingin si Boyka sakin at umiling ako bilang sa sagot, dahil hindi ako pwede. May gagawin pa akong importante.

"Pusa." Mahinang sabi ni Daphne. Si Daphne talaga ang pinakamahilig sa pusa yung mga stories niya pa lamang sa social media ay pusa ang laman at naka-mute siya sa akin. Ayoko sa pusa!

Napatigil sila sa paglalakad kaya tumigil na rin ako, rinig namin ang meow na paos na pusa. Sus pakialam ko ba sa pusa na yan.

"Boii 'yong pusa! Sige na please? Kunin mo na. Nakakaawa kaya."

"Mayora naman mabaho 'yong kanal. Hindi ko na rin makita iyong pusa ah."
Reklamo ni Boyka na may halong pandidiri.

"Hoy, gaano na ba ka labo ang panigin mo?"

"Waw, Yor! Wala po akong salamin katulad mo."

"Yati! Ako na nga lang." Akma na sanang lulusong si Daphne sa kanal.

"Tabi ka nga yor!" Singit ni Boyka na may dalang, net na hindi namin alam kung saan galing. Nakatingin lamang kaming lahat sa kanilang dalawa.

"Ano gagawen natin sa pusa?"

"Isahog sa siopao bes."

Yuck!

"Mas masarap gawing pulutan 'yan."

Napabuntong hininga na lamang ako sa mga kalokohan nila. Ayoko sa pusa pero hindi naman humantong sa gusto ko nang ulamin. Yuck!

"Kung kayo kaya ang gagawin kung pulutan, tapos iyong halang-halang."

Huh? Halang-halang?  Ngumiti ng malapad si Daphney at tipong nawala ang kanyang mga mata.  Nakakatakot tignan hindi mo alam kung genuine ba o nagloloko lang.

Nakamasid lamang ako sa susunod nilang gagawin. Tinulungan ni uys Alex na  maghanap ng mahuhugasan sa pusa. Hindi ko alam kong bakit ako nakabuntot sa kanila.
Matapos nitong hinugasan ni Daphney bumungad samin ang medyo kulay brown na pusa.

"Wait guys, I can't bring this kitty sa boarding house. Please?"

Kanya-kanya kaming tumingin sa ibang direksyon.

"Madaming aso sa amin pats. Ayaw ko naman ma-murder 'yan ng aso sa amin."
Hindi na ako nakinig sa kanila.  Wala din naman akong interes doon. Hindi ko na sila pinansin at naunang naglakad pauwi.

    ;

Catherine Zin

Hey I'm outside.

What is she doing here!? Galit akong lumabas ng bahay. Pagbukas ko ng gate nakita ko syang nakatayo sa may gilid bitbit ang pusa. Inis ko syang tinignan.

"Pwede dito muna sa 'yo? Allergy kase si mama. Wala kase akong maisip na pagdalhan nito."

"Bakit nagbida-bida ka kanina—" naputol ang mga sasabihin ko sana ng itinutok niya ang kanyang cellphone sa akin. Masama ang pakiramdam ko. "What are you trying to do?"

"Hi everyone this guy is trying to dump this cat and  I am approaching him then he is galit already."

Wtf! She's filming me! What's she saying?

"Hindi—"

"Look guys he's trying to deny it."

Inis kong kinuha ang pusa at tumalikod sa kanya pagpasok ko sa bahay ay dumeretso ako sa kwarto at inilock 'yon. Inis akon napatitig sa pusa na kunyare pa na papaawa. Hindi ko alam kong anong gagawin ko dito at sa babaeng 'yon.

Tumunog ang aking telepono at nag pop up ang chat head ng babaeng yun. Mas lalo akong naiinis. Pictures niya na nakamiddle finger sign!

"Breath in, breath out." Nalang ang nasabi ko sa aking sarili. Dahil sa pagod ay hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.


"Love? Kumusta kana?" Tanong nito sa akin at matasmis na ngumiti. Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman ngayon, poot at pangulila.

"Love, I miss you." Sumisikip ang aking dibdib habang binibigkas ang mga iyon.

"Love, I'm happy with where I am right now, tinadhanang mangyari iyon."
Nakatingin na lamang ako sa kanya, kay ganda niyang pagmasdan, masaya ang kanyang mga mata at animo'y walang sakit na pinagdaanan. Gustuhin ko mang magprotesta sa kanyang sinabi pero walang lumalabas sa bibig ko.

"Love kung ano man ang nagyari noon ay hindi mo kasalanan. Palayain mo ang bigat na nararamdaman. Trust me it will be worth it."

Huk!

Napabagon ako't hinahabol ang aking hininga.

Meow

Pwe! Nakain ko pa ang balahibo! Bakit nandito itong pusang gala!

"Chupi!" Pagtataboy ko rito. Napahagolhol na lamang ako nang naalala ang panaginip. The kitten was sitting in my lap purring, ironically I found it comforting.

Ayoko sayo di mo ba maintindihan?  Tuluyan na ngang tumulo ang luhang kay tagal ko nang pinipigilan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 3 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Life Was Better With UWhere stories live. Discover now