Katulad noong nasa UPD kami the week before last week, I kissed his cheeks and parang wala lang iyon sa amin ngayon. We don’t act awkwardly with each other, we act as if we are more than friends but less than lovers. Pakiramdam ko nga ay na d-divert ko na ang attention n’ya sa ibang bagay.

Huwag na huwag lang s’ya magigising tuwing alas diyes, baka maisipan n’yang mag-relapse eh. Back to zero na naman kami n’yan.

“You can’t focus in your studies unless you’re thinking about me 24/7.” Para akong nabulunan sa sinabi n’ya. Iyong nakakamatay na init sa Manila ay napalitan ng bugso ng malakas na hangin. Para akong tatangayin sa sobrang confident n’ya! Dapat dito hindi pinupuri eh, lumalaki ang ulo.

“Ehhk— you’re disgusting as always, Ethan.” Reaksyon ko at umiling-iling. Hindi ko naman s’ya iniisip palagi! Minsan lang, kapag nagagawi sa isipin ko. But it doesn’t mean s’ya ang rason bakit ako nai-istress. Hindi s’ya pag-aaral ko so obviously he’s not part of it.

***

“Welcome to my lovely abode.”

Simula nang makatapak ako sa tiles ng condominium building ni Ethan ay parang gusto ko na lang umatras at umuwi. Sobra kasing bongga ng building na tinitirhan n’ya at parang hindi ako bagay dito.

Isa lang naman kasi akong hampaslupa, pero hindi naman dead hungry. Patay gutom ba.

Since we knew that midterms will stop us from meeting each other, napag-usapan namin na mag sleep-over ako sa unit n’ya for two days then ihahatid n’ya ako sa apartment ko sa Thursday morning before my class. I don’t even know what is the purpose of this sleep-over pero pumayag ako.

Hindi ko rin alam kung papaano.

Well, it is not new to me naman. I used to sleep at Jake’s place but we’re not sharing the same bed. S’ya sa sahig with a foam bed tapos ako sa kama n’ya. Tita Yna doesn't want me to sleep at the floor, gusto n’ya kasing comfortable raw ako.

Nagdala ako ng sapat na damit para ngayong gabi at para rin bukas. I think I brought four clothes, shorts and undergarments, nakakahiya naman kasing hindi maligo at hindi mag half bath sa ganitong kalinis na lugar.

Ethan fetched me outside my apartment, hindi muna kami dumaretso sa condominium unit n’ya dahil nag grocery muna s’ya. He remembered that wala na s’yang stocks and it would be embarrassing na magpapunta s’ya ng guest nang walang laman ang refrigerator n’ya or his stock area.

Sus, sakin pa s’ya nahiya.

“I cleaned my place before ka pumunta, sanitized pa ’yan. Pasok ka.” he winked at me at chuckled, akala ata ay winoworry ko ang kalinisan ng unit n’ya. Hindi n’ya alam eh kinukwestyon ko ang sarili ko if I am clean and pure enough to step my foot at this luxurious place.

Overacting ba ako? Sensya na, laking bundok eh. Joke. Anlaki kasi! Parang tatlong unit na pinagdugtong-dugtong eh! Parang sakop na n’ya ang buong floor!

Nilibot ko ang mga mata ko sa buong lugar, iisa lang ang kulay ng pintura pero super ganda. It screams aesthetic and peace vibes. Tamang-tama para sa isang estudyanteng gustong mag focus sa pag-aaral. Walang magulong kulay dahil plain cream white ang lahat.

I removed my shoes at inilagay iyon sa rack, I’m only wearing my white socks now then tinignan ko iyong ilalim nun and there is no dirt. Nilinis n’ya nga talaga ang bahay n’ya.

MarahuyoTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang