At ng umalis siya sa kama ay mabilis rin akong tumayo at kinuha ang roba ko na nasa sofa at nasa dulo lang ng kama ko.

"Thiago!" mabilis kong hinagis sa kanya ang roba.

Gosh! he was naked, tanging boxer brief lang ang suot niya. Pareho kami ni Thiago na natutulog na hindi sanay na may saplot sa katawan. Ako ay pantyshort lang ang sinusuot siya naman ay naka boxer lang kapag natutulog.

Agad naman niya itong sinuot, natawa naman ako ng nasuot niya na ang roba dahil hanggang hita lang niya iyon ang sexy tuloy niya tingnan. Ang tambok pa ng pwet, kulang na lang ke-kendeng kendeng siya sa paglalakad.

"Senorito Billy!!" tawag ulit ng nasa labas kaya binilisan niya ang paglalakad.

"Ayy senorito Thiago, g-good morning po." narinig kong pagkautal ng kasambahay namin dahil siguro sa itsura ni Thiago kaya ito napatanga. Hindi ko tuloy mapigilan ang matawa ng mahina.

"Nandyan po ba si Senorito Billy? a-ano po kasi, bumaba muna ho siya may kaguluhan po sa baba."

Kumuha na ako ng isang roba at sinuot bago sila pinuntahan, ang aga aga ano naman kaya ang kaguluhang iyon.

Palapit pa lang ako sa kanila ay may naririnig na akong boses mula sa baba, boses ni dad.

"Myrna huminahon ka!"

kinabahan ako ng maalala ang sitwasyon ni Jimmy kaya mabilis akong lumabas ng kwarto at nilampasan nalang muna si Thiago at ang kasambahay, nagmamadali akong bumaba.

"Princess!" narinig ko pang tawag ni Thiago pero hindi ko na siya nagawang lingonin.

Dumiretso agad ako sa main door dahil mula doon ang boses na naririnig ko.

"Walang hiya kang lalaki ka!"

ngayon ay malinaw ko ng naririnig ang galit na boses ni Yaya, ngayon ko lang siya narinig na sumigaw ng ganito kahit kasi noong bata pa ako ay hindi siya sumisigaw kahit napipikon na siya sa kaartehan ko. Si Yaya kasi iyong tipong napaka hinahon kung magsalita.

Inabotan ko silang nasa labas ng main door ng mansion, hawak hawak ni dad si Yaya na nagpupumiglas. Ang mga kasambahay ay naki usyoso din sa kanila.

Si Jimmy naman ay nakatayo sa gitna ng hagdan bago makarating sa main door ng mansion, may kausap siya na nasa baba.

"Umuwi ka na please." narinig kong pakiusap niya kaya imbis na lapitan si dad at Yaya ay si Jimmy ang una kong pinuntahan. Hindi naman niya ako napansin dahil nakatalikod ito sa gawi ko.

Hinanap ng mga mata ko ang kausap niya at ng makita ko ito ay nanlaki ang mga mata ko.

"Yuki?!" bulalas ko ng makita si Yuki na nakaluhod sa lupa at nakatingala kay Jimmy na nasa hagdan, bago kasi makarating sa main door ng mansion ay may iilang baitang ng hagdan pa bago doon.

napahawak ako sa bibig ko at palipat lipat ang tingin sa dalawa. Yes I know na matagal ng may crush si Jimmy kay Yuki pero… hindi ko na natapos ang nasa isip dahil sa lakas ng boses ni Yaya.

"Ayaw mo talagang makinig sa anak ko?! pwes hintayin mo ako riyan." galit na sabi nito at mabilis na pumasok sa loob ng mansion.

"Lalaki kung sino ka man, umuwi ka na!" utos pa ni dad at babalik na rin sana sa loob pero bigla na lang kaming natigilan ng bumalik si Yaya na may dala dalang samurai.

Samurai ni Dad.

"Myrna! anong binabalak mo?!" natataranta na tanong ni dad

"hahatiin ko lang sa dalawa ang lalaking iyan at pati yang titi niya puputulin ko!" galit na galit na sagot niya at bumaba ng hagdan para lapitan si Yuki.

HIS CHOSEN GROOMWhere stories live. Discover now