Chapter 24

604 14 1
                                    

MADALING ARAW bigla na lang akong nagising. Hindi ko alam kung anong oras na pero alam kong wala pang alas sais dahil sa bagsak pa ang talukap ng aking mga mata. Dahil sa mahabang biyahe kahapon ay nakatulog ako sa pagod pagkatapos ko naligo. Si Jimmy ay hinayaan ko munang kausapin si Yaya Myrna, ayaw ko rin naman pangunahan siya. Alam kong malawak ang pang unawa ni Yaya at mahal niya si Jimmy.

Bumalik ako sa pag tulog ngunit hindi umabot ng isang segundo ay mabilis din akong gumising nakaramdam kasi ako ng may isang mabigat na bagay ang nakadagan sa bandang tiyan ko ganun din sa kabilang binti ko at ang ulo ko rin ay hindi na sa malambot na unan kundi nasa matigas na bagay.

"Thiago?" walang boses na bigkas ko.

ipinikit ko ang mga mata ko at pagkatapos ay nag mulat din muli, baka kasi namiss ko lang si Thiago kaya kung ano ano na ang naisip ko.

But I wasn't wrong dahil naramdaman ko na ang init ng hininga niya sa bandang sulok ng leeg ko. Dahil nakatihiya ako ay hindi ko maigalaw ng maayos ang katawan ko, dahan danan kong inangat ang ulo ko para tiyakin kung si Thiago nga ba itong katabi ko.

"God!" mahinang usal ko kasabay ng pagsilay ng ngiti sa labi ko ng ibinalik sa dating position ang ulo ko.

Nakasiksik ang mukha niya sa leeg ko, ang mga braso niya ay nakayakap bandang tiyan ko habang ang isang paa niya ay nakadagan sa isang binti ko. Hindi ko rin alam kung paano ang ginawa niya sa ulo ko dahil hindi ko man lang siya nararamdaman kagabi, unan ko na kasi ngayon ang mga braso niya.

Kahit malaki ang katawan niya kaysa sa akin sa itsura niya at posisyon namin ngayon ay nagmumukha siyang batang paslit na nakalingkis sa nanay niya.

Hindi ko alam kung anong oras siya dumating at bakit siya sumunod sa akin dito sa hacienda.

Pinilit ko ang sarili na gumalaw para humarap sa kanya pero mas lalong niyang hinihigpitan ang pagyakap sa katawan ko na para bang anumang oras ay mawawala ako.

"Hmmm." mahina niyang ungol ng buong pwersa akong tumagilid para harapin siya.

"Thiago, why are you here?" mahinang tanong ko ng sa wakas ay nakaharap na ako sa kanya.

Kumulot ang noo niya ng marinig ang boses ko kasabay ng pagkabig niya sa katawan ko para mas lalo kaming mag dikit.

"I miss you." sagot niya sa antok pa na boses.

Muli niyang siniksik ang mukha sa leeg ko na para bang batang naghahanap ng init ng katawan ng ina. Inayos ko ang blanket na nakatakip sa kalahati naming katawan, hinila ko iyon hanggang sa balikat niya.

Matamis akong ngumiti at gumanti ng yakap sa kanya, dahil sa init ng katawan naming nagtatalo sa ilalim ng blanket ay hindi ko man lang naramdaman ang lamig ng hatid ng aircon sa loob ng kwarto ko.

Akala ko ay bumalik na siya sa pagtulog ngunit naramdaman ko nalang ang magaspang niyang kamay na humahagod sa hubad kong katawan hanggang sa nakarating ito sa korona ng dibdib ko.

Bigla ko na lang din naalala na pampatulog niya pala ito ang paglalaro sa korona ng dibdib ko, ewan ko ba nakasanayan niya na itong gawin at nasanay narin ako.

Babalik na sana ako sa pagtulog at mamaya na lang siya kausapin pag gising niya ng marinig ko ang sunod sunod na katok sa pinto na kahit si Thiago ay nararamdaman kong gumalaw.

"Senorito Billy!!!" narinig kong tawag mula sa labas ng pinto na sinabayan pa ng malakas na katok.

Tumingin ako sa wall clock na nasa dulo ng silid ko, mag alas sais narin pala ang aga aga kasing mabulahaw ng kasambahay.

Umangat ang ulo ni Thiago na ngayon ay pinipilit na imulat ang mga mata..

"Wait here." aniyang nakapikit pa ang isang mata bago ako mabilis na hinalikan sa labi. Hindi na ako nakapag protesta ng mabilis siyang bumangon.

HIS CHOSEN GROOMजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें