[S3] Kapit, Bitaw, Ikaw Pa Rin ang Mahal

1 0 0
                                    

Kasabay ng pag-tampisaw sa ulan
Luha ay tuluyang bumuhos sa maraming dahilan
Hindi na napigilan ang nararamdaman nang maalala ang tamis ng nakaraan
Batid kong wala ka na pero kailan ako sasaya?
Dahil kasabay ng iyong pag-alis, ritmo ng pag-ibig ay nag-iba

Sa pagbuhos ng malakas na ulan, ingay ng sigaw at paghikbi ang tanging maririnig
Hindi ko alam pero para bang alam ng langit na heto ako at naghahanap ng sagot sa mga bakit
Bakit masaya ka na habang nandito pa rin ako't naiwan sa nakaraan nating dalawa?
Bakit lumayo ka kung kailan kailangan kita?
Sa karamihan ng bakit sa isipan, bakit sa kalagitnaan ng aking kaarawan mo pa ako iniwan?

Sandaling naudlot ang proposal ko sa iyo nang marinig ang katagang "Ayoko na. Pagod na ako."
Natigilan ako sa sinabi mo nang may na-realize ako
Ilang beses akong napagod pero nagpahinga ako sa iyo!
Ilang beses akong napagod pero bakit noong napagod ka na, iniwan mo agad ako?
Napagod ka ba dahil mahal kita?
Napagod ka ba habang minamahal ka?

Nakakasawang alamin kung bakit sa pagitan ng pag-iibigan nating dalawa, nakuha mo pang magpahinga sa iba.
Oo, batid ko.
Nitong huli'y nalaman ko
Naisip ko na sana pala hindi na lang ako nangulit alamin sa tropa mo bakit tayo nagulo
Nakakasawang alamin kung bakit siya at hindi ako
Kase nakakagago! Ano 'to, habang wala siya'y may tayo? May ako?

Kasing-sakit ng pagpatak ng ulan ang sakit na aking naramdaman nang ako'y iyong iwan
Kahit pala gaano kahigpit ang kapit ng isang tao, iiwan ka pa rin kung gusto niya nang bumitaw sa iyo
Dahil sa pagitan ng init at lamig mas pinili mong tahakin ang init kasama siya habang naiwan ako sa yakap ng paglisan mo

Mas pinili mong siya ang ibigkis sa iyong mga bisig habang nandito ako't naghihingalo sa lamig na dulot mo
Habang ako, nandito at nagmamakaawang balikan mo
Habang ako, nandito at binabagtas ang madilim na mundong sa akin ay iniwan mo
Mundong binuo kasama ka
Mundong kahit kailan ay hindi ako nag-isa
Mundo kong lumiwanag nang dumating ka
Pero bakit ngayon ay dumilim na.

Kapit,
Patuloy na kumakapit kahit masakit
Para bang isa kang pulang rosas na kapag hahawakan na ay magdurugo muna dahil sa iyong tinik.

Kapit,
Kumakapit pa rin kahit wala ka na.
Kumakapit pa rin kahit masaya ka na sa piling ng iba.
Kumakapit kahit na ayaw mo na.

Kapit,
Iyon lamang ang tanging nais pero bakit noong humigpit, ikaw ay bumitaw.

Bitaw,
Iyon ang hindi ko kayang gawin sapagkat ikaw,
Ikaw pa rin ang mahal kahit naliligaw.
Ikaw pa rin ang hanap kahit hindi na matanaw.
Kahit hindi na matanaw ang pag-asang minsa'y hawak ko
Kahit hindi na matanaw, ikaw pa rin ang nais ko.

Pero bitaw, iyon ang iyong ginawa sa pagitan ng ating yakap
Para bang tali ng sintas na agad kumalas.

Bitaw,
Tanging hiling na sana ay bumitaw
Pero hindi ko magawa dahil ikaw pa rin ang mahal.

Kapit,
Bitaw,
Puso'y naipit kasisigaw.

Kapit,
Bitaw,
Bakit hindi ikaw?

Sana'y kumapit at hindi bumitaw
Sana'y ako pa rin dahil mananatiling ikaw
Sana'y kumapit, nakakapit, at hindi bibitaw
Dahil mahal, ikaw pa rin kahit hindi na ikaw.

Hai finito le parti pubblicate.

⏰ Ultimo aggiornamento: Oct 21, 2023 ⏰

Aggiungi questa storia alla tua Biblioteca per ricevere una notifica quando verrà pubblicata la prossima parte!

Untold ThoughtsDove le storie prendono vita. Scoprilo ora