Chapter One-----Coffee

40 1 1
                                    

Chapter 1

Logan’s POV

“Logan! Walangya ka! Angkinin mo tong anak natin!” narinig kong sigaw ng isang babae. Papunta na sana ako ng elevator noon. I turned my back and I saw her there, standing, maga ang mata sa kaiiyak. I recognize her. Darla Monteller. She recorded a few songs for my company back then pero dahil sa attitude problems, we were forced to stopped the recording and never reached a contract signing. Sayang. Magaling pa naman. Pero…anong anak?

I remember kissing her one night but I was sober enough to remember na walang nangyari samin.

Lumapit ang mga guards sa kanya at pinakiusapan siyang lumabas.

“Bakit niyo ako papalabasin?!” sigaw niya. “Iyang lalaking iyan ang may atraso tapos ako itong pinalalabas niyo? Logan harapin mo ako!”

People were already taking videos kaya nilapitan ko siya. I looked her in the eye and said, “I kissed you, yes. But I wasn’t foolish and stupid enough to sleep with you. If it makes you feel any better, I have never slept with a woman. Darla. Alam mong 21 pa lang ako. Ayokong maging ama sa ganitong edad.”

Natigilan siya sa mga sinabi ko. Ang mga taong nagvi-video naman, napa O_O. Anong part ba sa sinabi ko ang pinaka-shocking? Haha. Nagwalk out si Darla. I shook my head and made my way to the elevator.

Mabuti na lang maaga akong umuwi sa unit ko. Stress na sa trabho, tapos pati rito hahabulin pa ako ng problema.

I got so preoccupied by Darla that I forgot to introduce myself. Well, here are a few things.

I am Logan Garcia, CEO of Golden Recordings. At the age of 21, I was forced to take over the business dahil sa sakit ng dad ko. Magazines and a lot of women consider me as the most eligible bachelor of the country. I decided to buy myself a condo unit and live alone. Wala pa ring girlfriend or fling na nakakatungtung sa unit ko. I don’t even like people in my unit. Ito na lang iyong peaceful place sa buhay ko.

I sighed as I reached the top floor of the unit. I swiped my key card and opened the door when…

“Who are you and what are you doing here?!”

The girl dropped the vacuum cleaner and stared at me.

Yes, the expensive vacuum cleaner.

Cierra’s POV

“Sir bakit po kayo sumisigaw?” tanong ko sa kanya. Ano ba naman tong lalaking ‘to. Ganun na ba ako kapangit para magulat siya sa pagmumukha ko? Eh nagtext naman si Aling Deling sa kanya na ako muna papalit kasi may sakit ang apo niya.

Ang gwapo pala nitong si Logan Garcia. Ang tangkad. Ang singkit ng mata. Tapos perfect pa ang skin niya. Naku, ang lips te. Nakakabaliw. Teka, ano na ba 'to. Pero ang sungit pala niya.

“Answer my question!” 

Ayan. Sumisigaw na naman. Ewan ko ba sa taong to.

I took a deep breath and answered him.

"Uhm sir. I'm Cierra Bernardo. Erra tawag nila sakin. Tita ko po si Aling Desing, iyong helper niyo. Nagkasakit po si Mik2x kaya ako muna papalit sa kanya. Sabi na man po sakin ni Nay Desing na nagtext siya sa inyo. Kung wala naman po, eh di sana nag-antay na lang ako sa labas."

Tiningnan ng lalaki iyong cellphone niyang mahal ata. Nang makita kong di na masyadong galit iyong expression nya, nagassume ako na nabasa na niya. 

"Fix the vacuum cleaner and just let me know when you're leaving. I'll be at the office." sabi niya. Poker face naman nito. Eh sa magazines na nakikita ko, smiling to ah.

Tumango na lang ako at sinimulang ayusin ang vacuum cleaner. Di naman nabasag. OA naman noon. Kung makapag-react.

Bumuntong-hininga ulit ako. Naku naman. Mauubos buntong-hininga ko sa unit na to. Isang lalaki lang pala nakatira tapos ang laki-laki. Siguro maraming babae iyon.

"Miss."

May hanging nagsasalita.

"Miss!"

Anak ng! Tao pala!

"Sirr?"

"Ilang taon ka na ba? Bakit ang bingi mo?"

Ay nakuha pang mang-insulto.

"Nineteen po. At hindi po ako bingi."

"Act like you're not one. Bring me coffee. In my office."

Tumango na naman ako.

"Are you mute now?"

"Di po."

Di na sumagot ang napakabait kong temporary amo ko. Pagkatapos kong linisin ang living room ay  pumunta na ako ng kitchen para sa coffee.

Hinanap ko iyong coffee maker. Ayon. Coffee maker ba to? Bakit ang ganda? At bakit ang daming pipindutin? Pa'no ba to?

Ah, makapagtanong nga para masabi niyang di na ako pipi at bingi.

Tiningnan ko muna ang mukha ko sa mirror. Ano ba kahit anong pacute gawin ko, parng di ata ako kagandahan.

Haay.

A/n:

I hope i didn't disappoint you -__- Here's a pic of Cierra/Erra na nagpapacute. *Check multimedia*

Just Like CupidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon